Chapter 10

3 1 0
                                    


Kaithlyn's POV

Lunes na ngayon at maaga kaming nagising ni Kuya kaya naman nandito na kami ngayon sa school. Kanina ko pa iniintay si Zaira pero wala parin siya, 10 minutes nalang at mag sstart na ang klase.

Maya maya pa...

"Psst" rinig kong tawag sa'kin kaya naman humarap ako sa kan'ya.

"Sabay akong kumain sa inyo mamaya, ok lang ba?" Tanong ni Cy at tumango naman ako.

Hindi kona tuloy alam kung matutuwa ba ako o hindi tungkol sa pakikipag close sa amin si Cy. Hindi ko pa kase s'ya lubusang kilala kaya naman hindi ako gaanong nagtitiwala sa kan'ya. Hindi naman sa pagiging judger ha sinisigurado ko lang kase at baka mapahamak lang din ako sa huli. Sa ngayon ay sinasabayan ko nalang kung anong gusto n'ya para naman maka iwas ako sa gulo.

(A: Mangga ka pala eh.)

'Anong mangga pinagsasabi mo d'yan?'

(A: Mangga-gamit...)

'Haha korni mo author. Manahimik ka nalang please? Hindi ka naman nakakatulong.'

Pero tama naman ang sinabi n'ya, pero para naman sa ikabubuti ko 'to kaya bahala na. Maya maya ay dumating na si Zaira.

"Muntikan kanang malate." Sabi ko.

"Oo nga eh may pina-asikaso pa kasi si mami kaya ayon medyo natagalan ako hehe." Sabi n'ya at saka inayos ang kan'yang mga gamit.

Kinuha ko narin yung uniform n'ya at saka isinoli rito. Nagsimula nadin kaming magklase at nung recess na ay sumama nga sa amin si Cy pero bakit? Bakit n'ya sinama si Ace.

T_T

Huminto muna kami saglit sa locker room para ilagay yung damit ni zaira pagka tapos ay dumeretso na ulit sa canteen. Pagka dating namin doon ay nagvolunteer yung dalawa na sila nalang ang oorder kaya naman naiwan kami ditong dalawa ni Ace.

Acer's POV

Natutulog ako nang bigla akong yugyugin ni Cy. Onting onti nalang bi-bingo ka na sa'kin.

"Baket?! Natutulog yung tao eh." Irita kong sabi.

"Tao ka pala?" Sabi nito kaya naman sinamaan ko s'ya nang tingin at nag peace sign naman siya.

"Tara kain tayo."

"Ayoko" maikli kong sagot.

"Kasama natin si kaithlyn saka si zaira." Pagka rinig ko non ay agad akong napa ngisi at saka tumayo.

"Ayokong tumanggi." Sagot ko at saka s'ya inakbayan paalis.

Nandito kami ngayon sa canteen at sakto na iwan kami ni Kaithlyn. Akala siguro nang babae na 'to ay nakalimutan ko na ang pinaggagawa n'ya sa'kin nung isang araw, yari ka sa'kin ngayon. Tinignan ko s'ya at nakayuko na ito at may binubulong na kung ano. Mukhang nagdadasal na ata hahahaha.

Kaithlyn's POV

Ramdam kong tinitignan na n'ya ko ngayon.

"Jusko Lord ayoko pang mamatay. Alam ko pong masamang bumawi nang gamit ang kasamaan sa kapwa pero nagbibiro lang naman po ako-

"Hoy"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko ay sumabat na siya kaya naman napa tingin ako sa kan'ya.

"B-baket?" Kinakabahan kong sabi.

"Nababaliw kana ba? Kanina kapa may binubulong d'yan o baka naman isinusumpa mo na 'ko." Sabi n'ya sabay taas ng isang kilay.

"H-hindi ahh wala yon. Ganon talaga ako ahahha." Narealize ko tuloy na ang plastic ko palang tumawa.

"Buti naman kase hindi pa ako nakakahanti sayo." Sabi n'ya at napalunok naman ako.

"Tutal ay mukhang nagkakasundo naman na kayo ni Cy ay pagbibigyan kita."

'Oh di ba sabi ko sa 'yo author malalayo ako sa gulo kapag kasama ko si Cy eh.'

(A: oo nalang, pero manggagamit ka parin :P)

'Tss'

"Bibigyan kita nang pagpipilian... Kailangan mo isekreto yung nangyari nung isang araw." Seryosong sabi n'ya.

Bakit?? Ayaw n'ya bang malaman nang iba na takot s'ya sa pusa? HAHAHH

"At yung isang pagpipilian naman?" Tanong ko.

"Alam ko naman na hindi mo na gugustuhin pang marinig 'yon, kaya kung ako sa'yo ay pumayag kana sa unang pamimilian." Sabi nito at saka ngumisi nang nakaka takot.

Hindi na 'ko nagdalawang isip dahil mukhang tama nga ang sinasabi n'ya kaya naman...

"Deal" sabi ko at saka inabot ang kamay ko. Tinignan pa n'ya ako saglit pero inabot n'ya rin agad ang kamay ko.

"Deal..."

Bumalik na sila cy at zaira kaya naman kumain narin kami. Pagkatapos kumain ay bumalik na agad kami sa classroom at nagpatuloy na ang discussion hanggang sa mag uwian na.

"Bye bes bukas nalang ulit." Sabi ni Zaira. Tama ba yung rinig ko "bes" daw? Naks nag iimprove ahh.

"Bye, ingat!" Sabi ko at saka sumakay na sa kotse ni kuya.

Pagdating namin sa bahay ay nagpalit na agad ako at saka nagluto nang pagkain namin ni Kuya.

"Kuya! Kakain na." Sigaw ko.

Maya maya pa ay narinig ko nang bumababa si kuya at saka umupo sa hapag kainan.

"Naks sipag ahh" sabi nito habang naka
ngiti.

"Syempre ako pa ba." Sabi ko at saka nagsimulang kumain.

Wala pang sampong minuto ay natapos na kami sa pagkain kaya naman inayos na namin iyon ata saka inurungan. Ilang saglit pa ay nakita ko si kuya at mukhang aalis na naman s'ya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman tinanong ko na s'ya.

"Kuya saan ka pupunta? Gabi na ahh."

"D'yan lang, magpapahangin lang ako."

"D'yan lang?? Magpapahangin? Ano akala mo sakin tanga?"

"Kate-"

"Araw araw ka nalang ganito Kuya! Lagi kang wala sa bahay, ni hindi ko man lang alam kung saan kaba talaga nagpupunta. Paano kung may mangyari sayong masama ha?!" Sabi ko.

"Alam mo tutal malaki ka naman na, Bahala kana sa buhay mo!" Gigil na sabi ko at saka nagkulong sa kwarto.

Dustin's POV

"Alam mo tutal malaki ka naman na, Bahala kana sa buhay mo!" Galit na sabi n'ya at saka pumasok sa kwarto nito.

Ngayon ko lang nakitang magalit si Kate sa akin nang ganito. Hindi ko rin naman s'ya masisisi kung bakit s'ya nagkakaganito dahil alam ko naman ang sagot, dahil ito sa mga kasinungalingan ko. Hindi ako lumalabas para magpahangin o gumala kung saan saan, ginawa ko lang yong dahilan para pagtakpan ang paglalasing at paglilibang ko dahil sa mga nalaman ko tungkol kay papa. Gustuhin ko mang sabihin sa kan'ya ang lahat pero alam kong mabibigla s'ya at baka ikasira n'ya din iyon nang pagaaral n'ya. Ayoko, hindi ako papayag na sirain mo pati ang buhay naming magkakapatid.

"Gusto ko talagang sabihin sayo ang lahat kate pero hindi pa sa ngayon..."

~~~

The ChangeWhere stories live. Discover now