Chapter 9

3 3 0
                                    

Acer's POV

Nandito na kami ngayon sa mall. Simple lang ang sinuot kong damit. White T-shirt, black shorts and white shoes. Nagpabango din ako nang konti bago pa kami umalis sa bahay kanina.

"Baby san mo gustong kumain?" Sabi ni mommy habang naka paikot ang kamay sa braso ko

"My, pwede ba na sa bahay mo nalang ako tawagin na baby? Nakakahiya oh ang dami daming tao dito tapos baka mamaya nandito pala yung mga iba kong schoolmate or classmate tapos marinig nila, nakakahiya kaya." Sabi ko at saka sumimangot.

"Sigi na nga. Oh san mo ba gustong kumain?" Tanong ulit ni My.

"Ahh sa kfc nalang." Sabi ko at saka kami pumunta roon.

Umorder na si Mommy at sinabing mag intay nalang ako, dito kami naka pwesto sa likod kaya naman hindi ko nakikita ang mga dumadaan at tanging ang pwesto lang ni mommy at pader ang nakikita ko. Medyo nakaka bagot kaya naman kinuha ko yung selpon ko at saka nag scroll sa fb.

Nakita ko yung post ni Cy at nasa Baguio nga sila kaya naman nagcomment ako don.

~•~•~
Acer: Pauwi dre baka naman...
~•~•~

Tapos ay itinuloy ko na ulit yung pag iiscroll.
Mga ilang saglit pa ay may napansin ako.

"Antagal ko na palang hindi nagpapalit nang profile dito sa fb." Sabi ko at saka humanap nang bagong ipapalit dito at saka pinost.

Lumipas ang limang minuto at umabot na agad ito nang 1k likes, tinignan ko naman ang comment section at syempre wala paring bago.

~•~•~
"AWWW ANG GWAPO MO TALAGA ACE."

"MY ONE AND ONLY, MR. RODRIGUEZ."

"YAAHHHH ASAWA KO!"
~•~•~

"Tss nababaliw na ata sila sakin." Sabi ko at saka napa ngisi.

Maya maya pa ay dumating na si mommy dala ang tray nang pagkain at tinulugan ko naman s'ya sa pag aayos nito. Pagka tapos non ay susubo na sana ako kaso pinigil ako ni My.

"Mamaya kana kumain, papunta na daw s'ya dito." Sabi ni my kaya naman napasimangot ako, hindi pa kasi ako kumakain buhat kaninang umaga kaya naman nagugutom na talaga ako.

"Oh ayan na pala s'ya." Sabi ni my kaya napa lingon ako. Si stacey lang pala...

O_O

STACEYY?!!

"Anong ginagawa nang babaeng yan dito? Akala ko ba nasa canada pa s'ya? Pasukan na ahh bakit nandito parin s'ya sa pilipinas?" Ang dami kong gustong itanong pero ayoko nang malaman pa at mukhang masama ang kutob ko rito.

"Hi Tita, Long time no see po." Sabi nito at saka yumakap at bumeso.

"Oo nga iha, teka dalagang dalaga ka na ahh." Sabi ni my kaya naman tinignan ko ito mula ulo hanggang paa.

Malaki nga ang pinagbago n'ya at mas lalo pa s'yang gumanda ngayon. Medyo tumangkad s'ya, mas pumuti, maganda narin s'yang manamit ngayon tapos yung buhok n'ya ay curly na may highlights.

"Pwede na..." Sabi ko sa isip.

"Si Ace oh sinama ko para makita mo." Sabi ni my kaya naman tumingin ako kay stacey at pilit na ngumiti.

"Hi Ace ang laki mo na." Sabi n'ya.

"Ahh oo hahaha" sabi ko. Ang awkward tss.

Pinaupo na s'ya ni my sa tabi n'ya at nagsimula nadin kaming kumain.

"Kailan kapa nakauwi dito sa pinas?" Tanong ni my.

"Last week lang po tita at saka dito po muna daw ako panandalian sa pilinas sabi ni daddy." Sagot ni Stacey.

"Eh paano naman yung pag aaral mo stacey? Hihinto ka ba muna?"

"Ayy hindi po, ipagpapatuloy ko po yung pag aaral ko dito."

"Saan namang school iha?"

"Sa Dyllan High po." Sabi nito at muntikan nakong mabuluan. Buti nalang at inabutan n'ya agad ako nang tubig.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Stacey.

"Oo ayus lang" maikli kong sagot.

Nagkwentuhan pa sila habang kumakain at ako naman ay naka focus lang dito sa pagkain ko, basta gutom na ko kaya naman hindi ko na pinakinggan yung pinag uusapan nilang dalawa.

Nung matapos na kami ay nag aya si my na magshopping kaya naman ang ending naging taga buhat pa ako nang mga pinamili nila.

"Ow really? Sa gwapo kong 'to ginawa n'yo lang akong taga bitbit? tss." inis kong sabi pero syempre mahina lang at baka mayari ako kay mommy.

Dapat pala ay hindi na ako sumama. Mas gusto ko pang kasama yung kama, kumot at unan ko kesa naman yung ganito ako oh taga bitbit ang bigat bigat pa naman.

Mga ilang oras din kaming nasa mall pagka tapos ay naisipan na nilang umuwi, hay buti naman. Ihahatid na sana namin s'ya pero tumanggi siya dahil susunduin daw s'ya nang driver nila kaya naman nauna na kaming umuwi ni my. Pagdating sa bahay ay dumeretso na agad ako sa kwarto at saka natulog.

'Kapagod'

Zzzzzz

Kaithlyn's POV

Pagkatapos namin magpahinga at mag ikot doon ni Kali sa park ay hindi ko na ulit nakita si Ace, buti naman at hindi na kami nagkita dahil kung nagkataon na nagkita na naman kami kanina ay siguradong yare na naman ako sa kan'ya.

"Manong Caloy, uwi na po ako. Babalik nalang po ulit ako dito sa susunod." Sabi ko saka ngumiti at tumango naman s'ya.

Bumalik na agad kami ni Kali sa bahay at nagpalit. Nakita ko din na bumangon na si kuya pero agad rin s'yang nagpaalam at umalis nang bahay pagka ligo n'ya. Maya maya pa ay naalala ko tuloy yung damit na pinahiram sa akin ni Zaira kaya naman nilabhan ko na din 'yon kasabay pa nang iba ko pang maduming damit. Pagkatapos kong maglaba ay naglinis ako nang bahay. Maya maya pa ay dumating na si Kuya.

"Kumain kana?" Tanong ko.

"Ahh oo, sige mauna na'ko ha." Sabi n'ya at saka pumasok sa kwarto n'ya.

Magtatanong pa sana ako kung saan s'ya pumunta kaso ay mukhang nagmamadali s'ya, baka pagod kaya hindi ko na s'ya inistorbo. Lumipas ang mga oras at naka tulog nadin ako.

Dumating ang linggo at bumalik na naman ako sa dati kong routine dahil wala naman akong iba pang gagawin dito sa bahay dahil nakapag linis na 'ko kahapon. Nilaro ko ulit si Kali at pagkatapos naman ay magdamag na nanood ng k-drama.

Gabi na at heto ako ngayon sa kama. Nakatulala sa ceiling namin at nag iisip na naman, kung ano pa bang mangyayare sa akin dahil magpapasukan na ulit.

"Hay lunes na naman bukas." Sabi ko at hindi na namalayang naka tulog na pala ako.

Zzzzzz

~~~

The ChangeWhere stories live. Discover now