Chapter 1

6 2 0
                                    

Nagising nalang ako sa ingay ni Dustin, jusko ka lalakeng tao kung makasigaw daig pa babae. Maya maya pa ay tumingin na ako sa orasan.

"Ow Shit! 7:30 na?!" Sigaw ko at saka bumangon para maligo, mga 10 minutes lang ako naligo. Sinuot ko na yung school uniform ko at saka agad na bumaba.

"Buti naman at naisipan mo pang bumaba, ayusin mo nga yang buhok mo. Manang ka na nga manamit tas yung buhok mo mukha pang bruha." Sabi n'ya kaya naman inirapan ko nalang s'ya at tumingin sa salamin saka nagsimulang magsuklay. Minsan tuloy napapatanong nalang ako sa sarili ko kung buhok pa ba 'to o alambre na.

"Tss antigas, ayoko na nga hayop nayan." Sabi ko sa isip at saka padabog na tinigilan ang pagsusuklay.

"Ma alis na kami ni kuya." Sabi ko at saka kumiss sa pisngi niya.

"Sigi mag iingat kayong dalawa. Yung ulam n'yo mamaya iiwan ko nalang sa loob nang oven ha, baka kase sa thursday pa'ko makauwi at kailangan daw ng kasama nang lola n'yo. Dustin ingatan mo 'tong kapatid mo haa kung 'di malalagot ka talaga sa'kin." Sabi ni mama na may halong pagbabanta.

"Oo na ma, ako nang bahala sa manang na toh." Sabi ni kuya at saka ginulogulo yung buhok ko.

Aba lokong 'to anong manang? Hindi ba pwedeng conservative lang?

Yung damit ko kasi ngayon ay pinagawa lang namin ni mama sa kakilala n'ya. Yung pantaas naming damit ay long sleeves kaya naman sinabi ko sa mananahi na paluwagan dahil mainit tapos ung palda ko naman hanggang binti dahil mas komportable ako don.

Maya maya pa ay nakita ko nang lumabas si kuya at agad na pina-andar ang kotse kaya naman sumunod nadin ako sa kan'ya. Bubuksan ko na sana yung pinto kaso biglang humirit si kuya.

"Oppss huwag mo nang subukan na umupo d'yan, doon kana sa may likod. May kasabay tayo." Sabi n'ya.

Hindi nalang ako umangal at ayokong ma stress sa kan'ya, 1st day kase namin ngayon sa school. Bago nga pala mangyare ang lahat, magpapakilala muna ako sa inyo.

"Hi Im Kaithlyn Rose Garcia, 14 years old at 3rd year student na'ko. 1st day ko ngayon sa school kaya naman sobrang kinakabahan ako at saka isa nga pala akong anak nang isa sa mga pinaka mayayamang tao sa mundo. Syempre charot lang HAHHA. Simple lang ang buhay namin nila mama, hindi mahirap at hindi rin mayaman kumbaga sakto lang at syempre ayos lang sa'min yon ni kuya basta magkakasama kami at masaya."

Habang nasa byahe ay bigla akong napatulala at saka napa isip nang kung ano-ano.

Makakatagal ba 'ko dito sa bago kong school? Magiging normal na ba yung buhay ko? Mamumuhay naba ako bilang isang normal na estudyante?

'Sana naman magkaroon ako nang kaibigan kahit isa...'

Dustin's POV

Hi ako nga pala si Dustin Dave Garcia but you can call me Tin for short. Kapatid ko nga pala si manang este si Kaithlyn. First day namin ngayon pero hindi ako transferee tulad ni Kate, dito kase ako nag simulang mag aral sa Dyllan High since 1st year kaya naman pa chill chill nalang ako sa school saka 4th year student na 'ko at syempre last year ko naman na kaya ine-enjoy ko nalang.

Mas iniintindi ko pa nga si Kate kung paano s'ya mag aadjust ngayon dito sa School. Panigurado akong mahihirapan na naman s'ya at sure naman ako na hindi parin s'ya makakaligtas sa pambubully pero subukan lang talaga nang ibang estudyante na galawin ang kapatid ko at ipapatikim ko sa kanila ang tamis nang impyerno.

Maya maya pa ay napansin ko na lang na parang ang tahimik ata ni manang ngayon kaya naman naisipan kong sumilip saglit sa likod at doon ko nakitang tulala si kaithlyn. Bakit parang ang lalim naman nang iniisip neto, ano kaya yun?

Mga limang minuto na ang nakalipas ay nandito na kami sa tapat ng bahay nang kaibigan ko. Hindi naman kase kalayuan ang bahay n'ya samin dahil nasa iisang village lang kami at saka naka kotse kami kaya naman natural lang na mabilis. Nagchat kase siya sakin kanina bago ko pa gisingin si kate. Makikisabay daw muna siya dahil ayaw daw ipagamit ni tito yung kotse nya. Ewan ko ba dito apura kasi lakwatsa kaya siguro binawalan gumamit ng kotse.

Maya maya pa ay nakita ko na s'yang lumabas sa pinto nila kaya naman ibinaba ko na ang bintana nang kotse ko at saka s'ya sinenyasan na pumasok na sa loob.

"Dre buti at nakadating ka! Akala ko iniwan mo na 'ko." Sabi nya at saka umupo sa front seat.

"Syempre ako pa ba." Sabi ko at saka madaling pina-andar ang kotse at baka malate pa kami.

"Buti nalang talaga at nabasa mo yung chat ko, si daddy kasi nakakabadtrip."

"Bakit ba kasi binawalan ka ni tito?" Tanong ko.

"Eh nagpaparty kasi si Kenneth doon sa kanila tapos hiniram sa'kin yung kotse ko at bibili daw sila nang drinks tapos nagulat nalang ako nang tawagan ako ni daddy at sinabing nabangga daw ni kenneth yung kotse ko." Sabi n'ya.

"Kaya ayun pina repair ni Daddy kay Tito Dan at syempre kapalit non ay isang buwan kong hindi magagamit yung kotse ko." Dagdag pa n'ya.

"Eh kaya naman pala." Mahina kong sabi.

"Dre mukhang nagmature ka ahh" sabi ko nang makita ko kanina na tumangkad ito at medyo nagbuild ang katawan pero payat parin naman.

"Nagbuhat kasi ako simula nung nagsummer na, kaya ayon medyo nagbuild muscle ko." Sabi nito habang tinatapik yung patpatin n'yang braso.

"Tss maliit naman, umpog pa kita sa muscle ko eh." Sabi ko sa isip kaya naman napa ngisi ako at saka nagpatuloy na magdrive.

Pagkadating namin sa school ay nagsimula nang mag ayos nang gamit si Ace kaya naman inayos ko na rin yung akin. Maya maya pa ay nagpaalam na s'ya sa'kin.

"Dre mauna na 'ko sayo ahh salamat sa paghatid, pinapatawag na kasi ako ni coach sa gym eh." Sabi nito at tumango lang ako at nagpatuloy sa pagaayos nang gamit ko.

"Ano tulala parin?" Sabi ko sa isip ko nang maramdaman ko na parang hindi pa rin kumikilos si kate.

Kaya naman sumilip ako sa likod at doon ko nakita na naka tulog pala sa byahe si kate kaya naman...

BEEEEPPPP!

~~~

The ChangeWhere stories live. Discover now