Chapter 24

68.4K 1K 70
                                    

GEORGE

 

Pagkagaling sa Greece, nagkita kaming dalawa ni Chantal.  Nagkita din kami ni Chantal sa Coffee and All That na business niya. Coffee shop slash book shop niya.  Pwede ka ring magbasa ng book habang nagkakape.  I have always liked this place.  Hindi lang masarap ang kape, ang gaganda pa ng mga books na nilagay niya dito.  Number one supporter si Chantal ng mga newbie writers mula sa isang online reading site.  Kaya pinupuno niya ito ng mga librong napupublish mula doon.  Marami rin siyang activity sa café niya.  Andoon ang book signing events ng mga newly published writers at ang book reading para sa mga bata.  Minsan nagprisinta akong magbasa para sa kanila.

"Friend!  Namiss kita!"  Sigaw ni Chantal mula sa bar ng café.  Siya mismo ang nagpeprepare ng kape at nag-aayos ng mga libro sa shop niya.  Hands-on siya sa business niya.

"Makawelcome ka naman, wagas."  Binaba niya ang basahang hawak niya at tinawag ang isang barrista niya.  Lumakad siya papunta sa akin.

"Ang tagal mong nawala bakla.  Tara magkape muna tayo.  In fairness ang blooming mo ngayon ah."

"Salamat.  Kumusta naman ang business?"

"Okay lang naman.  Teka ipapaprepare ko lang ang coffee mo at carrot cake, sagot ko na ito dahil marami kang ikukwento sa akin." 

Napataas ang kilay ko sa kanya.  "At ano naman ang ikukwento ko sa'yo?"

Pumunta kami sa may bar.  "Marami," sabi niya habang nagbeblender ng kape namin.  "Teka dito muna tayo.  May nakaupo pa sa favorite seat natin." 

Naasiwa ako sa pagtitig niya sa mukha ko.  "Anong kalokohan, Chantal, kanina ka pa nakatitig sa akin?"

Napangiti ng nakakaloko si Chantal.  "Nagsex na kayo ni kuya Pavlo?  Yuck!  Nakakadiri isipin, pero yun lang ang dahilan kung bakit blooming ka."  Nakaramdam ako n pamumula ng mukha.  Napatingin si SJ, pati na ang kalahati ng tao sa café.  Napayuko lang ako sa kahihiyan.  Ano ba naman to?

"Bakit, hindi ba pwedeng blooming ako dahil nakakatulog ako ng maayos at nakapagpafacial?"

"Hindi.  Ang pagiging blooming mo, may kasamang kalandian.  Ano, nagsex na kayo ni kuya Pavlo?"

Napangiwi ako.   "Chantal, ano bang tanong yan.  Nakakahiya sa nakakarinig."

"Anong nakakahiya?  Ang salitang sex?" Angil niya.  "Sex, sex, sex.  Kailan pa naging bawal ang salitang yun?"

Lumingon-lingon ako sa paligid.  "Sari-sari ka, nasa public place tayo.  Napakaskandaloso ng mga sinasabi mo."

"SKANDALOSO?  BAKIT ANONG MASAMA SA WORD NA SEX?  HINDI BA SILA NAG-SESEX?"

"Chantal,"mahinahon kong sabi.  "Bubusalan kita."

"Ang sungit naman.  Tara maupo na nga tayo.  Magkwento ka.  Kahit nakakadiri, gusto kong marinig kung paano mo sinuko ang Bataan."

"Kailangan talagang ikwento ko yun sa'yo?  Hindi ba pwedeng censored—pang sa amin lang?"  Hinayaan muna naming linisin ang table naming bago kami umupo.

"Malapit na ang birthday ni kuya Pavlo.  Anong plano mo?"  Isang buwan na lang birthday na niya.  Gusto ko siyang bigyan ng regalo, pero gusto ko galing sa perang pinagtrabahuan ko.  Ayoko ng galing sa allowance ko.  Umupo na kami at hinintay ang orders namin.

"Gusto ko siyang surpresahin at bilhan ng regalo.  Chanz, pwede ba akong magpart-time sa shop kahit ilang araw lang para makabili ako ng regalo para kay Pavlo?"

Tinitigan niya ako.  "Wala ka bang allowance mula sa kanya?"

Huminga ako ng malalim.  "Meron.  Pero gusto ko namang bumili ng ibibigay sa kanya galing sa pinaghirapan ko.  Parang bibilhan ko siya ng regalong galing sa pera niya.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon