Chapter 18

75.4K 1.1K 64
                                    

GEORGE

Sinadya kong huwag bumangon ng maaga.  Kaninang alas-sai pa ako gising.  Ang sakit-sakit ng mga mata ko, kakaiyak kagabi.  Nagababalik pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya.  You can sleep with everyone—I don’t even care.  Ang sakit sa heart ng words na yun.  Ang ganda ng regalo niya para sa birthday ko.  Kaya hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.  Hind ko sadyang umiyak sa harapan niya.  Ayokong palabasing nagpapaawa ako.  Pero hanga ako sa tigas ng puso niya—hindi man lang siya nag-sorry.

Hinihintay kong gisingin niya ako para mag-agahan, pero narinig ko na lang na naghahanda siya papasok ng opisina.  Hinintay ko munang makaalis siya bago ako bumangon.  Dahan-dahan akong bumangon at umupo ng kama.  Kinusot ko ang mga mata ko na hirap na hirap akong imulat dahil sa kapal ng muta ko kakaiyak kagabi.

Alam kong kasalanan ko rin kung bakit siya nagalit sa akin.  Binagbawalan niya akong pumunta kay Ian para kay Loopy, pero ginawa ko pa rin.  Sa puso ko, wala naming halong maliaya ang ginawa ko.  Nag-offer naman si Ian.  Isa naman siyang beterinaryo.  Sa pagkakaalam ko, walang masama sa ginawa ko.

Pero bakit ganun ang reaksyon niya?  Hindi ko gets.  Ano ba ako sa kanya?

Tumayo ako mula sa kama at nagpunta ng banyo.  Tinignan ko ang sarili ko salamin.  Magang-maga ang mga mata ko.  Huminga ako ng malalim.  Binuksan ang gripo sinahod ang kamay ko para makapaghilamos.  Matapos maghilamos at magmumog, kinuha ko ang tuwalya at pinunasan ang mukha ko.  Tiningnan ko muli ang sarili sa salamin.  Napaunot ang noo ko dahil nalilito ako sa amin.  Sobrang bait niya—nagluluto siya para sa akin, minsan napakasweet niya.  Hindi ko tuloy alam kung nagiging nice lang ba siya sa akin.  Naguluhan ako.

Noong tinanong ko naman kung nagseselos siya lalo niya nang makita niya kaming nag-uusap ni Ian, hindi naman daw.  Ayaw lang daw niyang may kashare.  I guess since I am his hired wife, he doesn’t like sharing me.  Napahagod ako ng buhok ko.  Pavs, bakit ang gulo mo?  Ano ba ako sa'yo?  Naramdaman ko ang pagkalam ng tiyan ko.  Pagtingin ko sa cellphone, alas-dose na pala.  Kaya naman pala.

Pumunta ako ng kitchen para makahanap ng pagkain.  Binuksan ko ang fridge para maghanap ng makakain.  May mga natirang fried chicken na inulam namin noong isang araw.  Kinuha ko yun kasama ng isang can Coke.  I am going to cook my favorite dish—Coked Chicken.  Ito ang madalas kong lutuin dahil madali at masarap.  Kumuha ako ng kaldero at nagsimula magluto.  Marunong ako magluto, pero hindi ako kasinggaling ni Tita Dors.  Siya ang nagturo sa akin ng récipe na ‘to.  Dinagdagan ko lang ng hot sauce para medyo maanghang.  Nilagay ko ang mga manok at binuhos ang Coke.  Hinayaan ko itong kumulo.  Kumuha ako ng hot sauce mula sa cabinet.  Dinagdagan ko paglagay ng hot sauce para umanghang.

Narinig kong may magbukas at nagsara ng pinto.  “You cook?  What is that?”  Tanong niya pagpasok sa kitchen.  He looked so neat with his blue polo and cream pants.  Ang gwapo niyang tignan.

“So, hindi ka na galit sa akin?” Masaya kong tanong sa kanya.  “This is Coked Chicken.

“Coked Chicken?”  Sinabi ko sa kanya ang putaheng niluluto ko.  Tumango lang siya sa akin.  Umupo siya sa may maliit na table sa kitchen.

“Sorry, George. I shouldn’t have said those yesterday.  I didn’t know what got to me.” I heard him sighed.  “Besides, our life as husband and wife is all over the Internet.”  Napakunot ang noo ko.

“What do you mean?”  Nagtataka kong tanong.

“It was a headline I read while I was in Tokyo.” Nilabas niya ang phone niya at lumapit sa akin.  Pinakita niya ang isang write up tungkol sa amin.  Hindi ko maintindihan kung bakit may lumabas na ganung balita.  “P-Paano…”  Anong gagawin namin?

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon