CHAPTER 40

549 17 0
                                    

CHAPTER 40 | End |

Right now, I could say that I'm far from who I used to be. Changes really happen, and one of the many reasons why people change is because of the thing we called. . . love.

Love changed me, she changed me. Because right now? I have a dream, I build a dream. And I want that dream to happen with her.

"Sorry Sir, bawal po talaga, eh." dismayadong umiling sa 'kin ang guard nila. Malalim naman akong napabuntonghininga, I already expected this. I know it will not be easy, but my love for her is stronger that I promise to myself that I would do everything. Kahit na lumuhod pa 'ko sa harapan nina Mr. And Mrs. Norriente gagawin ko makasama lang siya.

"Sabihin ninyo po na gusto ko silang maka-usap," pamimilit ko sa guwardiya.

"Eh, ang sabi po ni Madame Laura ay umuwi na lang po kayo." My jaw clenched, walang magsasabi kung kailan ako uuwi hangga't hindi ko siya nakikita.

Madilim ang langit at alam kong ano mang oras ay bubuhos na ang malakas na ulan. The wind blew harshly like it's signaling something that a danger is coming.

Wala na 'kong pake sa panahon, bumagyo man hindi pa rin ako susuko hangga't hindi siya nakikita. Kahit na magmakaawa ako ng ilang ulit sa Dios at sa mga magulang niya ay gagawin ko makasama lang siya, makita lang siya.

"Kung ganoon, pake sabi po na hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita si, Serene." Nanlaki ang mga mata ng guard sa.'kin.

"P-pero Sir. . .” Aalma pa sana siya pero tinalikuran ko na.

Naglakad ako papunta sa gitna ng malaki nilang gate, determinadong maghintay kahit na abotan pa 'ko ng bukas o ng mga susunod na bukas.

Tiningnan ko ang guwardiya na lumabas, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Nilapitan niya ako at muling kinumbinsi na umuwi na lang pero hindi ko ginawa.

"Sir uulan na po oh, baka bukas Sir pwede na," pampalubag ni manong guard para umiwi na 'ko.

Tipid akong ngumiti sa kanya at umiling. "Marami pong bukas eh, bakit bukas pa kung meron namang ngayon?"

Sa huli ay walang nagawa ang guwardiya kung hindi ang bumuntonghininga, umiling, at bumalik sa post niya.

Sacrifice is always part of love. Konting sakripisyo lang 'to Prine!

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, hindi ko alam kung magsisisi ba 'ko na tinamaan ako nito. To love and to be love is the greatest feeling in this world that everyone should experience.

Nakakangalay tumayo kaya umupo ako, kung may mag-uutos na lumuhod ako ay talagang gagawin ko. Hindi ko alam kung ilang oras na 'kong nagtagal kaka-upo roon, hindi ko man lang makuhang maburyo dahil sa detirminasyong nasa sestima ko.

One glimpse of her, and everything will be okay.

Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan ay hindi pa rin ako nagpatinag. It's cold, but it's nothing to me. I want to see her, no matter what.

Sinubukan pa ulit akong lapitan ng gwardiya na may dalang payong pero hindi ako nagpatinag.

"Magkakasakit ka niyan, Hijo,"

“Ayos lang po ako, huwag ninyo akong alalahanin,” ani ko.

"Ikaw talagang bata ka, oh!"

Basang-basa na ang katawan ko sa malamig na ulan pero hindi pa rin nauupos ang kagustohan kong makita siya. When I said, gagawin ko ang lahat makita lang siya. Gagawin ko talaga.

Kahit na ikapahamak ko pa, kahit na magdusa pa 'ko.

Hindi ko alam kung nakiki-isa ba ang langit sa 'kin o hindi, pero ang langit kasi ay walang tigil sa pagbuhos ng ulan kahit ilang oras na ang nakalipas. Tila ba binubuhos nito ang galit na may kasamang biyaya sa sanlibutan.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Where stories live. Discover now