CHAPTER 04

647 18 0
                                    

CHAPTER 04 | Save |

The gift bothered me that it remained on my mind. Maybe it's true, he's my soon to be fiancée.

Nakakalito lang, bakit niya ako binigyan ng plastic na singsing? Is this mean something? Maybe he's also against this stupid fix marriage.

It bothered me a little, his gift creeped me out. But. . . It's good thing though. Na kung tama ang pagkakaintindi ko, pareho kami ng opinion sa sitwasyong ito.

MAG-ISA akong kumain ng almusal, sanay na ako dahil maaga lagi ang alis ng parents ko. Back to Monday so back to school days na naman. Second week na pala ng pasokan sa Love Academy.

"Salamat po Kuya," I thanked my driver bago bumaba ng sasakyan. Inayos ko muna ang skirt at bag bago ako naglakad papasok sa main building ng school.

Para mapuntahan lahat ng classrooms, faculties, club room, gymn, etc ay kailangan mo talagang dumaan sa pinaka-busy na hallway ng school. The main building’s hallway.

I combed my hair using my hand and sashayed the entrance. Sanay naman akong pagdumadaan sa hallway na ito ay marami talaga ang napapatingin sa 'kin. But this day is a little different.

"Ang bongga ng debut niyan, naibalita pa sa TV."

"Oh, yeah. Napanood ko nga ang report kagabi."

I sighed heavily, gusto ko na lang yumuko o ibaon ang ulo ko sa lupa. I already expected this, talagang pag-uusapan ng buong campus ang tungkol sa debut ko. I'm not upto bragging, in fact hindi ko nga 'yon gusto. It’s just that Mommy, she highly publicized my debut party that even national TV reached it and made a story about it.

Hindi ko na lang pinansin ang mga nagbubulongan tungkol sa 'kin. I continue walking with my head held up high. Nginingitian ko ang mga taong nakakasalubong, kilala ko man o hindi.

Nasa dulo na ako ng hallway nang makasalubong ko si Tine. She's with her friends, if I'm not mistaken their names are Archy and Givanne.

Tine and I we're in the same age, she's just a month older than me but we're not in the same grade level. She's Grade Eleven student while I'm on my 12th grade. Anak siya ng dating naninilbihan sa ’min kaya bata pa lang ako, magkakilala na kami.

She used to be my playmate sa mansion, laging siya ang kalaro ko. Kaya lang isang araw bigla na lang siyang naging distant sa 'kin. It’s late for me to understand why that is why I'm letting her drift away from me.

"Hi," I greeted Tine with a smile. Nagkasundo na kami dati pa na huwag niya akong ituturing na amo kapag nasa school kami. Pareho kaming estudyante sa school na ito ay ayaw kong may magpapaalala sa 'kin sa school na hindi ako malaya. Besides, I don't want people to bully her.

"Ah, h-hello," she awkwardly replied. I check her neckline and I'm happy to see that she's wearing the necklace I gave her yesterday.

"Una na ako,” I excused nang matanaw ko si Lian.

"S-sige," aniya. Nilampasan ko na sila but I stop a bit nang marinig ko ang pangalan ko mula sa mga kaibigan ni Tine. Akala siguro nila ay nakaalis na ako.

"Yabang, porquet mayaman! Pinapamigay niya na lang ang kuwintas dahil pinapamukha niya sa 'yo na mayaman siya, na magkaiba ang estado ninyo."

"Tama si, Archy. May pagbati pang nalalaman ang plastic ha!"

Excuse me? Nalaglag ang panga ko sa mga narinig.

"Shh, tigilan niyo na nga 'yan," suway sa kanila ni Tine sa mahinhin na boses.

Huminga na lang ako nang malalim, I'm already used to it. No one dares to talk in my front pero kapag nakatalikod na ako? Huh!

"Lian!" I called my bestfriend, naglalakad na siya papunta sa room pero tumigil nang tinawag ko. Hinintay niya akong makarating kung nasaan na siya bago kami sabay na nagpatuloy sa paglalakad.

Fix Marriage With My Enemy (Love Academy Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz