Chapter 04

34K 901 134
                                    

"Feeling ka!"

I hysterical with what Steve said to me. Parang maling desisyon yata 'yung pagsama ko sa kaniya rito. I want to throw him the glass of water beside me. The side of his lips rose up when he noticed that he pissed me off to the highest level.

"Joke lang, ito naman!" he chuckled.

"Idelete mo na kasi at baka may makakita!" parang wala siyang naririnig at kain lang nang kain. Napasabunot ako sa sarili ko sa inis at inubos na lang 'yung carbonara ko. Gusto ko na umalis at bawat minutong kasama ko 'tong taong 'to ay tinutubuan ako ng wrinkles!

"Ano course mo?" tanong niya sa akin habang kumakain pa rin ako.

"Political Science, why?" I arched my brows.

"Wala, masama magtanong?" he raised his brows too.

"No, pero magstory ng tao without permission, yes!"

He chuckled. "Ako, engineering." his eyes went back to his food.

"Who asked?" I rolled my eyes. Nakakairita talaga siya.

He looked at me. "Sungit mo, 'no?"

"What?" I asked him, raising one of my eyebrows.

Napailing siya bago bumalik sa pagkain. "Bakit PolSci?" he suddenly asked.

"I want to become a lawyer," I said firmly. "And you, why engineering?"

Nakita kong napangisi siya, what's his problem?

"Wala, gusto ko lang, anong year mo na?" why does he keep on asking me?

"Bakit ba tanong ka nang tanong? Bibigyan mo ba ako ng scholarship?" I asked while rolling the carbonara on my fork.

He laughed. "Curious lang."

"Why are you curious about me?" I bit the garlic bread.

"Bakit ikaw, hindi ka ba curious sa 'kin?" napatingin ako sa kaniya.

"No!" I immediately said to him.

Ubos ko na 'yung pagkain ko kaya pinutol ko na 'yung usapan. "I'll go na. Balik ka na roon, may training ka pa, 'di ba?" I stood up, tapos na rin naman siya so hindi naman siguro pangbabastos 'yon.

Naglapag ako ng money sa table para bayad sa kinain ko.

"'Wag na, my treat."

"No, thanks. Hindi ako tumatanggap ng treat sa mga hindi ko kaclose." I faked a smile.

"Hatid na lang kita." he offered instead as he stood up.

"'Wag na rin, kaya ko ang sarili ko, okay? Sige na." lumabas na ako dahil para akong tangang nakatayo roon habang kausap siya.

Hindi pa man ako nakakalayo ay sumunod na siya sa akin.

"Bakit ba lagi mo nirereject 'yung mga offer ko?" he's still following me. I stopped to face him.

"What? Are you hearing yourself?" I angrily asked. Ang kapal naman noong sinabi niya na 'yan.

"Totoo naman," he shrugged.

"What am I doing here now, then? Why did I agree to have a coffee with you? Why did I agree to represent your team?" I'm pissed now. Bakit ba hindi na lang niya maappreciate? Ngayon ko lang ginawa ang mga 'yon sa isang lalaki. Hindi ko rin naman maintindihan 'yung sarili ko kung bakit.

"Okay, sorry." he apologized.

Sandali akong natahimik bago nagsalita ulit. "I should go now, good luck sa training." tuluyan na akong lumakad, hindi na ako lumingon pa at binilisan na lang ang lakad. Nagbook na agad ako ng grab at naghintay na lang.

We're Only Getting Older (Change Series #1)Where stories live. Discover now