EPILOGUE

16.5K 474 52
                                    

[Epilogue]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Napatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ang sariling kong nakasuot ng wedding gown.Suot ko rin ang kwintas na bigay ng nanay ni Aushi.

"Mommy,sigurado ako ikaw ang pinakamaganda sa lahat!"

Napangiti nalang ako sa komento ni Alas habang pinapanood nya kung paano ayusin ni Lily ang buhok ko.

"Naku,hulaan ko paglaki ni Alas maraming babae ang paiiyakin nyan.Hindi lang pogi,magaling rin mambola."wika naman ni Lily

Napanguso naman si Alas.

"Hindi ako mag-gigirlfriend ko hindi sila kasing ganda ni Mommy."dagdag ni Alas at napatawa naman kami parehas ni Lily

Hulaan ko paglaki ng batang 'to,choosy 'to.Baka marami 'tong mapaiyak na babae kase karamihan ni-rereject nya.

"Teka,bakit ka nga pala nandito?Nauna na sila Lolo at Lola mo ah?"tanong ko kay Alas

Sabi kase nila isasabay na daw nila si Alas.

"Binabantayan kita,Mommy.Baka kase may kumidnap na naman sayo.Pero wag ka mag-alala nagpaalam naman ako kay Lolo at Lola na sayo ako sasabay e."wika ni Alas at napatango nalang ako

Naisip ko tuloy si Mom.Kung hindi siguro sya namatay dahil sa sakit malamang tuwang-tuwa sya habang inaayusan ako.

"Tapos na!"sigaw ni Lily ng matagumpay nyang nailagay ang veil sa ulo ko

Tumayo na kaming tatlo at naglakad na papunta sa bridal car.

Paglabas namin sa main door ay sinalubong kami ni Drake.Pinagbuksan nya kami ng pinto ng sasakyan.Nakasakay kami ni Alas sa passenger seat at nakasakay naman sa shotgun ride si Lily.

Bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.Iniisip ko kung magkakamali ba ako,madadapa,maiiyak o matataranta.Dahil sa oras ng pagpasok ko,lahat ng mata ay malamang sakin nakatuon.

Parang ang bilis lang ng oras at nakadating na agad kami sa simabahan.

Napalunok ako ng makita ang malaking simabahan at marinig ang tunog ng kampana na pangkasal.

Pumwesto na ako sa nakasarang pinto.Saktong pag-angat ko ng tingin ay nagbukas na ito.

Mukha ni Aushi ang una kong nakita.Parang di mapawi ang mga ngiti nya habang nakatingin sakin.

Nagsimula na ako maglakad sa red carpet na nakalapag sa sahig.Nawala ang kaba ko kahit lahat ng tao ay nakatingin sakin.

Wala akong ibang maramdam kundi ang maiyak sa sobrang saya.

'After our long journey,we're finally getting married.'

Napansin ko na basa na ang mga mata ni Aushi.Umiyak ba sya?Dun na rin nagsimula tumulo ang luha ko.Naunahan pa ako umiyak ng isang yun.

Napatingin ako sa magulang ni Aushi na medyo natatawa ng makitang umiiyak si Aushi pero ang karamihan sa nanonood ay umiiyak na rin.

Nang makarating ako sa kinaroroonan ni Aushi ay inilahad nya ang braso nya at kumapit naman ako dun.Nagpatuloy na kami maglakad papunta sa altar.

Natupad na rin yung pangarap ko maiharap sa altar ng lalaking mahal ko.

Mabilis na lumipas ang seremonya hanggang sa dumating na nga ang pinakahihintay.

"Aushi Han,do you take this woman to be your wife?"tanong ng pari samin

Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Aushi sa kamay ko bago sumagot.

"I do,Father."

Humarap naman sakin ang pari.

"Alisha Arcena,do you take this man to be your husband?"parehas na tanong sakin ng pari

"I do,Father."nakangiting sagot ko

"I now pronounce you husband and wife.You may kiss the bride!"

Nakangiti kaming humarap ni Aushi sa isa't isa.Marahan nyang tinanggal ang veil na nakatakip sa mukha ko.

"God,you're so beautiful."

Yun ang huli nyang bulong sakin bago nya ako sinalubong ng isang matamis na halik.Narinig ko ang mga palakpakan ng mga tao sa paligid ko.Napangiti kami ni Aushi sa isa't isa.

"Wife,i love you!"

"I love you too,Hubby~"

***
Special Chapter:

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

(5 years later)

Napapunas ako sa pawis ko habang pinapaypayan ang iniihaw kong barbeque

"Wife,ako na dyan!"wika ni Aushi habang pinupunasan rin ang pawis ko gamit ang panyo.

"Hindi na,kaya ko na 'to."tanggi ko sa offer nya

Napatingin ako sa kalangitan at nakita na malapit na ang sunset.Habang natatanaw ko namn si Alas at Ashianna na naglalaro sa tubig dagat.

Si Ashianna Han,pangalawang anak namin ni Aushi.Limang taong gulang,pero di gaya ni Alas ay mas friendly si Ashianna sa mga tao.Ngayon namang 10 years old na si Alas ay lalo syang nagmature.

"Ashianna,wag ka nga sabi sa malalim!Pag ikaw nalunod,hindi kita sasagipin!"sigaw ni Alas sa kapatid nya

Napanguso nalang si Ashianna at tumakbo papunta sa Daddy nya.Kinarga naman sya nito.

"Daddy,inaaway ako ni Kuya Alas!Tapos nung nakaraang araw di nya ako sinamahang maglaro ng barbie!"wika ni Ashianna na mukhang paiyak na

Lumapit naman si Alas kay Ashianna.

"Alam mo Ashianna,nagmana ka kay Mommy.Namana mo yung acting skills nya!"komento ni Alas at lalong napanguso si Ashianna

Nagkangitian nalang kami ni Aushi habang pinapanood yung dalawa habang nag-aaway.

"Kaysa naman sayo,mana ka kay Daddy!"ganti naman ni Ashianna

Sabay napakunot ang noo ni Alas at Aushi.

"Ano namang masama dun?"tanong naman ni Aushi

Nakakalokong ngumiti si Ashianna bago nagsalita.

"Parehas kayong maikli yung pasensya!"natatawang sagot ni Ashianna

Muntik na rin akong matawa sa sinabi ni Ashianna dahil totoo naman.

"Ah ganun?"

Napangiti nalang ako ng marinig ang malakas na tawa ni Ashianna habang kinikiliti sya ni Aushi at Alas.

Never na yata ako masasawa sa sigawan,tawanan at asaran nila.Hindi-hindi ko pagsasawaan ang mga araw na magkakasama kami.

Because these three are my main source of happiness.

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now