27

9.7K 290 7
                                    

[27:Choice]

-𝐀𝐥𝐚𝐬' 𝐏𝐨𝐯-

Inayos ko ang sleeves ng suit ko bago ako humarap sa salamin.It looks nice.

After a long journey,their wedding day finally came.

Gaano kaya kaganda ngayon si Mommy?

"Apo,lapit kay muna kay Lola.Aayusin natin yung buhok mo."

Napalingon ako ng makita si Lola na may hawak na suklay.Agad akong lumapit sakanya at inayos nya agad ang buhok ko.

"Lola,nasa simbahan na po ba si Daddy?"tanong ko kay Lola at tumango naman sya

"Susunod na rin tayo dun after ko makapagbihis.Tapos ang Mommy mo ang huling dadating."nakangiting sagot nya sakin

Napatango nalang ako.Kahit ayaw kong aminin,naeexcite rin ako.Lalo na nung sinabi sakin ni Kuya Drake na pagkatapos daw ng kasal nila Mommy pwede na akong magkaron ng bagong kapatid.

Boring kase dahil ako lang mag-isa.Pero sana mahilig rin sya sa computers dahil wala naman akong ibang alam na laro maliban sa computer.

"WAAAHHH,ALAS MISS NA MISS KA NA NAMIN!"

Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ng isang babae at isang lalake.Hindi ako nagkakamali sa pagkakarinig ko.

Si Tita Kristy at Tito Dustin yun.Di na naman ako makakahinga sa mahigpit na yakap nila at hindi na naman nila ako tatantanan sa mga kwento nila.

Tatakbo pa sana ako pero huli na ang lahat at nayakap na nila ako.

"Ano ba--pfft..Di ako makahinga!"sigaw ko at tsaka nila ako binitawan

Narinig ko ang pagtawa ng lolo at lola ko dahil sa reaksyon ko.

"Hindi mo ba ako namiss?"nakangusong tanong ni Tito Dustin at umiling naman ako

"HAHAHA!Hindi ka namiss ni Alas.Kase si Tita Kristy ang namiss ni Alas,diba baby boy?"tanong naman ni Tita Kristy

"To be honest,mas namiss ko yung aso ni Tita Kristy."sagot ko at sa pagkakataong yun ay humagalpak naman ng tawa si Tito Dustin

Napabuntong-hininga nalang si Tita Kristy.

"Bahala na nga.Mauuna na ako sa reception baka ako maubusan ng lumpiang shanghai."wika nito at tinalikuran ako

"Hoy,aattend pa tayo ng misa.Tsaka sa sobrang garbo ng reception,mukhang walang shanghai dun!"pahabol na sigaw ni Tito Dustin bago sinundan si Tita Kristy.

Finally,i get rid of them.

Napansin kong wala na rin si Lola at Lolo.Nagpapalit na rin siguro ng damit.

Nasa kwarto si Mommy at pinagbawalan nila akong pumasok kase dapat surprise daw ang entrance ni Mommy.Lalo tuloy akong naeexcite.

Nagtaka ako ng makita ang isang babae na papasok sa bahay namin.Hindi sya pamilyar sakin kaya kumunot ang noo ko.

"I-ikaw yung anak ni Ate Alisha?K-kay President Han?!Totoo nga yung rumors wahhh!"sigaw nya pagkakita sakin

Tumakbo sya papunta sakin at hinimas-himas ang buhok ko.Mukha ba akong pusa?

"Para kang mini-version ni President Han!Btw,i'm Lily yung assistant ng Mommy mo!"pakilala nya at tumango lang ako

"Pumunta ka na sa kwarto ni Mommy,baka hinihintay ka na nya."wika ko nalang

Napakamot ako sa batok bago binuksan ang pinto ng mansyon.

Wala akong kasama ngayon dahil pati si Kuya Drake,Manang Liz at Manong Kiko ay naghahanda na para sa kasal ni Mommy at Daddy.

Pinagmasdan ko ang langit mula sa bakuran ng mansyon.

After this day,we will became a formal family.No more contracts.

Narinig ko ang mga yabag sa likod ko.

"Kuya Drake,pwede bang mauna na tayo sa sim---"

...!

Nagulat ako ng may magtakip ng panyo sa bibig at ilong ko.Nagpilit akong nagpumiglas sa pagkakabuhat sakin pero anong laban ng batang tulad ko?

Isang kotse nalang ang nakita ko bago ako mawalan ng malay.

------

-𝐄𝐥𝐢𝐣𝐚𝐡'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

"Boss,nandito na po yung bata."wika ng mga inutusan ko

Ininom ko muna ang isang baso ng wine bago tumango.

Naglakad ako patungo sa kwarto kung saan naroon ang bata.Natutulog ito,siguro dahil sa pampatulog na nakalagay sa panyo.

I heard this child has an outstanding talent on computers.Too bad he looks like his dad.

I would spare him if he look like his Mom.

May nakakabit na rin na bomba sa katawan nito.

I take a picture and send it to Alisha.This will surely make her panic to the point that she will forgot everything.

Ang anak nya ang kinuha ko at hindi si Alisha because i want her to come to me willingly.Para magmukhang sya ang kusang lumapit sakin.

Soon...we will be reunited again.We will also have our own child.And a happy family.

Tingnan natin kung sinong pupuntahan mo...ang asawa mo na naghihintay sa simbahan o ang anak mo na nanganganib ang buhay?

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now