14

11.1K 357 7
                                    

[14:Lunch]

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Marahas kong hinila ang damit ni Dustin dahilan para mapalapit siya sakin. Ito na yung part na hahalikan ko siya. Nawala na sa isip ko ang mga susunod na linya!

"Cut! Alisha, more emotions! Tsaka wag ka mag-alala, di niyo kailangan mag-kiss ng literal, ilapit niyo lang yung mukha niyo sa isa't isa. Kukuhaan namin yung kissing scene sa isang magandang angulo para mukhang naghahalikan talaga kayo!" sigaw ni Director Lee

Napatango naman ako at tumingin ulit ako kay Dustin.

"What's happening? Naiilang ka ba sakin, Ali? Don't tell me, sa tagal nating magkakilala ngayon ka pa nainlove sakin?" asar ni Dustin at napaikot nalang ang mga mata ko

Ito kase yung pinakaunang role ko na may kissing scene! Kinakabahan ako!

"Lakas mang-asar ah. Wag nalang natin ituloy yung dinner natin kasama si Alas." wika ko at napanguso naman siya

"Blackmailing! Inaasar lang kita para mawala yung kaba mo! Tsaka di lang naman ikaw ang kabado sa scene na 'to 'no. Ew, it's like kissing my sister." wika niya naman at di ko na siya pinansin dahil binuhay na ulit nila ang mga camera

Kailangan ko nang magawa ng tama 'to. Nakailangang take na kami ng scene na 'to.

"Ready, Action!"

Marahas kong hinila ang damit ni Dustin at matama siyang tinitigan.

"Mahal kita!" pagbitaw ko ng linya

Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Napigil ako sa paghinga ng marealize na sobrang napalapit pala ako sakaniya. Sobrang lapit to the point that our nose touches. Plus, the intense stare from Dustin.

He is really a good actor. Hindi talaga nakakapagtaka ma sobrang sikat niya.

"Cut! That's a good take!" sigaw ni Director Lee

Agad akong lumayo kay Dustin at huminga ng maluwag.

Napansin ko na may ilang fans si Dustin na nasa set at pasekretong pinipicturan si Dustin. Walang nakakaalam kung saan kami nagshoshooting, paano kami nahanap ng mga 'to?

Umiling nalang ako at dumiretso na sa dressing room. Buti nalang wala na akong susunod na scene.

Saktong pag-upo ko ay nag-ring ang cellphone ko.

'Drake is calling...'

Bakit siya tumatawag?May problema ba?

"Hello?"

"Lady Alisha...Nag-away ba kayo ni P-president?"

Napakunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Drake. Bakit parang sobrang hina ng boses niya at parang pagod na pagod?

"Hello Drake, anong nangyari? Buhay ka pa ba?" tanong ko sakaniya

"Buhay pa pero pag di mo sinuyo si President...mamamatay kaming lahat dito. Kagabi di nya kami pinatigil sa pagtratrabaho. Pagpasok niya palang sampung tao na yung tinanggalan niya ng trabaho. Tapos lahat ng presentation, ni-reject niya kahit di niya pa tinitingnan. Kanina pa sya tingin ng tingin sa cellphone niya, hinihintay yata tawag mo. Please, pakisuyo si President Han kung may konsensya ka pa." pakiusap niya sa kabilang linya

Napapikit ako dahil sa mga narinig ko. Grabe magselos, nagrerebelde.

Hay naku, Aushi...ang sakit mo sa ulo.

-----

-𝐀𝐮𝐬𝐡𝐢'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

Kumukulo ang dugo ko sa tuwing napapatingin ako sa picture na sinend sakin ni Alas.

How can they let a married woman do a kissing scene? If not only for my wife, I'll would definitely make their agency go bankrupt.

Kahapon yung ex niya, ngayon naman yung Dustin na yun?! Bakit ang dami kong kaagaw sa asawa ko?

"President, yung presentation--"

"Reject them all." wika ko at tinapon ang sinubmit nilang files sa basurahan na katabi ng table ko.

I don't feel like reading these files. I just want to vent my anger on them.

"Gawin niyo ulit yung mga presentation. Kailangan bukas maipapasa niyo sakin yun." wika ko at napalunok naman sila

Next week na dapat matatapos ang project na 'to. I'm really busy, right now.

Napalingon kaming lahat kay Drake ng tumunog ang cellphone ko na hawak niya.

Sino naman ang tatawag sakin ngayon? Ayaw ko sa lahat tinatawagan ako habang nasa meeting!

"P-president, your wife is calling!" wika ni Drake

My wife?!

Napatayo agad ako sa kinauupuan ako at hinablot kay Drake ang cellphone.

Lumayo muna ako ng konti sa kanila bago ko sinagot ang tawag.

"Hello wifey!" masiglang bati ko sakaniya

"Hello, Aushi? Busy ka ba?" tanong niya sakin

I am...but who cares, my wife is more important.

"No, I'm not. Why?" tanong ko sakaniya

"Pupunta ako sa company mo mamaya. Magdadala ako ng pagkain, sabay tayong mag-lunch." masayang sagot niya at napangiti naman ako

"Really? Sure!"

"By the way, don't be too harsh on your employees. Since hindi ka naman busy, bakit kailangan nilang magtrabaho ng walang tigil? Let them take a break, okay?" wika ni Alisha at napatango ako

Sabi ni Mom,mas lalo akong mamahalin ni Alisha pagsusundin ko lahat ng sasabihin niya.

"Noted, wifey~"

"Sige na, bibili na ako ng lunch." wika niya bago pinatay ang tawag

Nakangiti akong bumalik sa kinauupuan ko.

"Meeting dismiss. Ipasa niyo nalang ang presentation, next day. Take a break!" utos ko sakanila

Masaya silang tumayo at lumabas ng opisina ko.

"Wow, the President's wife saved us. That move was heroic.".komento ni Drake na halos himatayin na sa sofa

Di ko nalang siya pinansin.

I knew it. My wife really loves me.

***

Extra Chapter:

-𝐀𝐥𝐚𝐬' 𝐏𝐨𝐯-

Nanliit ang mata ko ng makita ko ang picture ni Mommy at ni Tito Dustin sa isang fansite.

Sobrang magkalapit si Mommy at Tito Dustin habang hawak hawak ni Mommy ang damit ni Tito Dustin. Their nose touches too.

Probably from the shooting scene.

Wait, if I send this to Daddy? He'll probably get jealous and do a move, right?

Isinend ko kay Daddy ang picture with a caption "They're shooting the kissing scene"

Pag nalaman ni Mommy na ako ang nagsend kay Daddy baka magtampo siya kasi kinakampihan ko si Daddy.

I don't want to be a traitor's on my Mommy's eyes but I'll just help my Daddy a little.

Sorry nalang sa mga madadamay sa galit ni Daddy.

Napangiti ako ng makita kong na-seen na ni Daddy ang picture.

Yes, mission accomplished.

Nagulat ako ng may magsarado ng laptop ko.

"Alas, no gadgets during class!" wika ng teacher ko at kinuha ang laptop ko

Ang bilis naman ng karma.

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now