11

11.9K 386 12
                                    

[11: Like Father, Like Son]

-𝐀𝐥𝐚𝐬' 𝐏𝐨𝐯-

Napailing ko habang tinititigan ang daddy ko. Kanina pa ito nakatitig lang sa blankong papel.

He's probably still worrying about my Mommy being taken away by someone. Well, that is not impossible, my mom is beautiful and many men pursue her.

Isinara ko ang laptop ko at tinanggal ang headphones na nakatakip sa tenga ko.

"You've been staring at that paper for half an hour." wika ko at napatingin naman siya sakin

"I-I'm reading it!" sagot naman niya sakin at napakunot nalang ang noo ko

"Uhm...you're staring at a blank paper. What are you reading, a microscopic letter?" sarkastikong tanong ko at napahilamos sya sa mukha niya

Kahit magandang lalaki ang tatay ko at maraming babae ang nagkakagusto sakaniya...nagtataka parin ako kung bakit di siya marunong mangumbinsi ng babae. Paano niya makukuha si Mommy kung ganito siya kabagal?

Di ba siya nanonood ng romantic movies? Para naman makakuha siya ng idea kung paano makuha ang loob ng Mommy ko.

"Nabasa ko yung script ni Mommy. May kissing scene sila ni Tito Dustin. Si Tito Dustin ang naghatid sakanya dito kagabi, di rin malayo na magustuhan nila ang isa't isa dahil matagal na silang magkaibigan. Hindi rin naman masama yun para sakin dahil mabait sakin si Tito Dustin. Tinuturing niya ko na parang sarili niyang anak. Kung hindi ka gagalaw, mauunahan ka." lintanya ko

Nagdilim naman ang ekspresyon niya. Good, now he has a motivation.

"On Mommy's daily life, sa buong araw nya 70% nun kasama niya si Tito Dustin while ikaw na nasa bahay lang ay 30% lang. Payag ka ba nun?" gatong ko pa at napatayo na siya sa upuan niya.

"Of course not! Let's go, let's visit your Mommy!" sagot niya at habang pinapaikot ang susi ng kotse sa daliri niya.

That's it. That's the energy I wanted from him.

Napangiti ako habang kinukuha ang laptop at headphones ko.

For the record, I actually don't want to help him but I miss my Mommy so much that's why I gave him reasons to visit my Mommy. So, my plan is successful.

Paano ba yan, Daddy? Nautakan na naman kita.

-------

-𝐀𝐥𝐢𝐬𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐨𝐯-

"Breaktime na muna!" sigaw ni Director Lee

Hays salamat! Gutom na gutom na ko!Gusto ko na kumain!

Napataas ang kilay ko ng makita ko si Drake na papalapit sakin. Bakit 'to nandito?

Lumayo ako sa set para kausapin si Drake. Mahirap na baka may makaalam na may koneksyon ako kay Aushi.

"Lady Alisha!" tawag niya sakin

Lumingon muna ako sa paligid bago siya kausapin.

"Bakit ka nandito? Hindi pa namin uwian. Breaktime pa lang." wika ko at tinuro niya naman ang sasakyan

Huh? Anong meron dun?

"Nasa loob po si President Han at si Young Master. Gusto daw po nila kayo makasama mag-lunch." wika niya at nagliwanag naman ang mukha ko.

Nandito si Alas?!

Tumakbo ako papunta sa kotseng tinuro ni Drake at nagmamadali kong binuksan ang pinto ng kotse. Mabuti na nga lang naka-park ito sa medyo tagong lugar kaya malabong may makakita samin.

"Mommy!" sigaw ni Alas at bigla akong niyakap.

Sinarado ko na ang pinto ng kotse at niyakap rin siya pabalik.

Namiss ko 'tong batang 'to. Lagi kasing tulog tuwing uuwi ako e. Pakiramdam ko tuloy ay nawala ang pagod ko dahil sa yakap niya.

"Mommy, pinagluto ka ni Daddy ng tanghalian oh!" wika ni Alas habang nakaturo sa pagkain na nakalagay sa bento box

HAHAHA ang cute!

"Thank you!" nakangiting pasasalamat ko ay Aushi at ngumuso naman siya

"Walang thank you kiss?" tanong niya at sinamaan ko siya ng tingin

Kiss? Ikiskis ko kaya sa pader yung nguso mo?

Di ba siya nahihiya? Nasa harapan kaya namin si Alas!

Umayos na ng upo si Alas.

"Kumain na tayo, 15 mins lang ang breaktime namin dito." wika ko at kumuha na ng kutsara at tinikman ang luto ni Aushi

Hmmm, he's a good cook.

Masayang kaming kumakain habang si Drake naman ay nagbabantay sa labas ng kotse.Buti nalang natandaan parin ni Aushi yung kondisyon ko sakanya.

Pinunasan ko na ng tissue ang bibig ko ng mapansin ko na malapit na matapos ang 15 mins na breaktime namin.

"Pupunta na ulit ako sa set. Malapit na matapos ang 15 mins breaktime ko." paalam ko sakanila

"Babye Mommy!" sagot ni Alas at hinalikan ako sa pisngi

Lalabas na sana ako ng hinila ako pabalik ni Aushi sa kotse.Bakit na naman?!

"Rule 6." wika niya habang nakaturo sa labi nya

Ipagpipilitan niya parin ba yun?

"Ayoko nga, aalis na ko!"sagot ko sakaniya

"Hindi pwede. Pinagbigyan na kita nung isang beses, di na kita pagbibigyan sa pangalawang beses." wika niya at di parin binibitawan ang kamay ko

"Aushi, isa! Nakakahiya ka, nandyan si Alas oh!" katwiran ko at ngumisi naman siya at tinakpan ang mata ni Alas

Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin para halikan.

Our lips collided and I can almost taste his sweet lips. Lumakas ang tibok ng puso ko mung mga sandaling yun.

W-WHAAAAAAAAA! I'm having a mental breakdown!

Nang makabawi na ako sa gulat ay agad ko syang tinulak. He smirks while having a satisfied face. Napatakip nalang ako sa namumula kong mukha.

How can he do that infront of Alas?!

"Don't worry, Mommy. Wala akong nakita, promise!" wika ni Alas na halatang pinipigilan ang pagngiti

AAAAAAHHHHH! Yung ngiting yun...nakita ni Alas lahat huhuhu!

Magkasundo talaga padating sa kalokohan ang mag-amang 'to!

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now