CHAPTER THIRTY-ONE

2.9K 67 38
                                    

Si Jeffrey. Si Jeffrey at ako habang natutulog. Natutulog ng magkatabi sa kama ko. Parehong walang pang-itaas at magkayakap. 'Yan ang litratong nakita ng lahat. 'Yan ang dahilan kung bakit nila ako tinitingnan ng masama.

Lumayo ako kaagad. 'Yon lang ang tangi kong nagawa sa kabila ng nakita ko at halos lahat ng estudyante sa school. Kahit na alam kong gusto nilang marinig ang paliwanag ko, hindi ko nagawang makapagsalita. Tumakbo lang ako palayo.

Hindi ko pa alam noong una kung saan ako dapat magpunta. Para akong isang batang naliligaw sa mall sa oras na iyon habang hinahanap kung saan ako dapat magtago. Hangga't maari kasi, ayoko munang harapin ang lahat ng gustong malaman ang katotohonan sa likod ng larawang nakita nila. Kaya naisip kong magpunta na lang sa library at doon muna magtago. Alam kong doon, walang kakausap sakin.

Ngunit habang papunta ako sa library ay nakita ko sa di kalayuan si Mr. Santiago, ang lolo ni Jeffrey, na siyang kinakatakutan kong makaharap sa oras na iyon. Kaya naman pinili ko na lang na umalis ng campus. Naisip ko na bumalik na lang ulit sa bahay para makaiwas.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng campus ay sumakay kaagad ako sa taxi na dumaan. At habang nakasakay ako sa taxi papauwi ay hindi ko maiwasang matulala dahil sa mga nangyari. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. May parte sakin na malungkot dahil pakiramdam ko, napahiya na naman ako sa karamihan. Pero sa isang banda, naisip ko din naman na mabuti na nangyari 'yon para malaman na rin ng iba ang namamagitan samin ni Jeffrey.

Napahinga na lang ako ng malalim.

Ilang saglit pa habang nasa taxi ay nakita kong dumaan si Ian sakay ng motor niya. Alam ko agad na si Ian iyon dahil sa suot niya kahit pa naka-helmet ito at dahil na rin sa motor na gamit niya. May ilang beses na rin kasi akong nakasakay doon. Agad ko namang sinabihan ang driver ng taxi na sundan siya. Gusto ko kasing magpaliwanag dahil alam kong galit siya sakin. I mean, hindi niya naman magagawang magpakalat ulit ng litratong ganun kung hindi siya galit.

Hindi na nagtanong pa ang driver at agad namang sumunod sa sinabi ko.

Pareho lang din pala kami ng naisip na gawin ni Ian, ang umuwi sa bahay. Siguro gusto ring makaiwas ni Ian sa mga tao gustong mang-usisa kung ano ang nangyayari. Nang makita kong pumasok sa apartment si Ian ay bumaba na rin ako sa taxi. Nagdalawang-isip pa ako kung kakatok ba ako sa pinto. Ilang minuto rin akong nakatayo sa harap ng apartment niya.

Hanggang sa magbukas na nga ito na siyang ikinagulat ko.

"Ian," ang agad kong nasabi.

"Anong ginagawa mo dito? May klase ka diba," sagot naman ni Ian. Bahagya naman akong nagtaka dahil medyo kalmado ang tono niya.

"Aalis ka? San ka pupunta," tanong ko ng makita kong may dala-dala siyang itim na sports bag.

Huminga lang ng malalim si Ian at di ako sinagot. Pagkatapos ay pinapasok niya ako sa loob ng apartment. Sabay kaming naupo. Hindi ko inasahan ang ganung pakikitungo niya sa akin. Akala ko hindi niya ako magagawang harapin dahil sa nagawa ko.

"So, may.. May lakad ka?" Hindi ko alam pero 'yon lang ang nasabi ko pagka-upo namin. Gusto ko lang kasi malaman kung saan talaga siya pupunta. O kung pupunta na ba siya sa Florida ulit para tuluyan ng makaiwas sakin.

"Seriously? 'Yan lang ang sasabihin mo?"

Medyo napahiya naman ako sa sinabi niya. Tama nga naman, sa dami-dami ng dapat kong ipaliwanag, yun lang talaga nasabi ko.

Pero hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. At nang napansin niya ang katahimikan ko, siya na lang ang nagsimulang magpaliwanag.

"I'll be attending a workshop for three days. Some well-known international photographer kasi invited our club for an exclusive training with him after seeing our works nung photo exhibit namin kagabi. Sa school yung meeting place namin, kaya lang I had to go back here kasi nakalimutan ko yung ibang equipment namin."

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon