Kabanata 10

5.5K 159 23
                                    

"Isuot mo mga 'to, Lucia." Inabot ni Ate Martha sa kanya ang aviator sunglasses niya, black cap, at black face mask. Hindi na siya nagreklamo at sumunod dahil nadala na siya. Ayaw na niya mangyari uli ang nangyari noong nakaraang tatlong araw.

Aalis sila kasama ang lola niya upang puntahan ang boutique na pagmamay-ari ni Fiore na nasa sentro ng Lucena. Gusto ni Fiore na ito ang pupunta sa kanila, pero mamayang tanghali pa raw dahil abala ito ngayong umaga dahil sa mga kamag-anak nito na magsusukat sa ipinagawang mga gown para sa okasyon. Tumanggi siya't sinabi na siya na ang pupunta dahil lalagpas siya sa ibinigay na palugit ng kanyang ina kung hihintayin pa niya 'to.

Isinama ni Lucia ang kanyang lola para mabilhan rin ng maisusuot. Ayaw pa sana nito dahil meron naman daw ilang perasong filipiniana dress ito na ginamit noon at iyon na lang daw ang gagamitin para hindi sayang sa pera, ngunit hindi siya pumayag. Ayaw niya bumili ng para sa kanya habang ang luma nitong damit ang susuotin. Kaya walang nagawa 'to kundi ang sumama sa kanya kahit pa pinipilit nito na pera nito ang gagamitin. Hindi pa rin siya pumayag at ipinilit rin na siya ang gagastos sa lahat. Minsan lang niya magawa iyon, kaya susulitin niya.

"Okay, we are all set. Let's go!" ani Ate Martha at nanguna na sa pagtayo. Hinintay niya ang kanyang lola at sabay sila naglakad palabas ng bahay.

Naabutan nila ang kanyang Tito Alfred na naghihintay sa itim na Range Rover nito. Ito ang magmamaneho sa kanila dahil day off ni Mang Pedring.

"Kay ganda ng mga dilag ko!" bulalas ni Tito Alfred habang inilalayan ang ina nito saka siya sumunod.

"At ikaw naman maloko," sabat ng lola niya.

"Nuh! Life is too dull and boring if we are serious, mama," katwiran nito. "Hey, missy, don't make a scene again, huh? I don't want my handsome face to be scandalized," baling nito sa kanya't akmang hahawakan ang kanyang mukha nang mabilis niyang tinampal ang kamay nito.

"Tito, stop it! Ang sakit mo mangurot! Not my face," nakanguso niyang reklamo.

"Tss! Arte ng apo mo, Ma, por que lumalablyp!" panunukso nito na ikinalaki ng kanyang mga mata.

Akmang hahampasin niya 'to nang mabilis lumayo at isinirado ang pinto ng backseat kung saan sila nakaupo. Nang makaupo 'to sa driver seat, doon niya nahampas ang braso nito't pinangigilang kagatin.

"Ouch!" daing nito.

Siya naman agad ang lumayo at bumalik sa kanyang upuan at nag seatbelt. Sinilip siya nito sa rear-view mirror, ngunit binilatan niya lang 'to at tinawanan. Nakaganti din siya.

Later on, Tito Alfred asked his mother while his driving. "Ma, what do you think of that young governor? Gusto mo iyon, Martha, 'di ba?"

Kunot noo tiningnan ni Lucia ang Tito Alfred niya sa rear-view mirror at nakitang nakangising nakatingin 'to sa kanya. Hindi talaga siya nito titigilan.

"Hindi naman ako gusto nu'n."

"Bakit sino ba ang gusto?"

"Gusto mo ba talaga sagutin ko 'yan, Kuya Alfred? Bakit hindi natin tanungin 'yong nagustuhan niya?" pagsabay ni Ate Martha sa Tito niya. Palihim niya inabot ang buhok ni Ate Martha sa likuran at hinila dahil nasa gitna nilang dalawa ang lola niya. Imbes na masaktan sa ginawa niya'y tumawa lang 'to. "Oh, someone is annoyed here."

Tumawa na rin ang Tito Alfred niya, "sa tingin mo, missy, sino ang naguatuhan ni Gov?"

"Bakit hindi niyo itanong sa kanya, tito? Malay ko ba do'n!" Pag-irap niya.

Dahil sa panunudyo nito, naalala na naman niya ang sinabi sa kanya ng gobernador kahapon. Dahil din doon kung kaya't kulang siya sa tulog. Anong oras na nga ba siya nakatulog kagabi? Tuloy, nangingitim ang ilalim ng mga mata niya paggising kanina. Pasalamat na lang siya sa concealer dahil nagawang takpan nu'n ang eyebags niya.

His Way of Branding [COMPLETED]Where stories live. Discover now