Kabanata 6

6K 163 20
                                    

"Hindi ka ba magpapadesinyo ng gown mo para sa nalalapit na okasyon ng mga Romero?" tanong ni Ate Martha nang makalapit siya sa puwesto nito.

Nandito sila ngayon sa paddock o 'yung tinatawag na fenced training for horses. Nakasakay siya sa kanyang kabayo habang nanunuod lang sa kanya si Ate Martha. Nakapatong ang mga braso nito sa bakod at nakapangalumbaba.

"Hindi na siguro." Wala siyang gana magpagawa. Ayaw na nga lang sana niyang pumunta kung hindi lang kabastusan sa nag-imbita sa kanya. Personal pa naman silang pinadalhan. Maliksing bumaba siya sa kabayo't hinimas-himas ang makintab na kulay tsokolate nitong katawan at buhok. "Salamat, Mang Lito," aniya sa tagapangalaga pagkalapit bago ibinigay si Caro, ang ipinangalan niya sa kabayo.

"Walang anuman, senyorita," yumuko ito saka hinila si Caro pabalik sa kwadra.

Hinarap niya si Ate Martha, na nakasunod ang tingin sa kanya. "Beach tayo?" biglang pag-aya niya na ikinakunot nito ng noo. Sa klase ng tingin na ibinibigay nito sa kanya ngayon, alam na niya.

"Why do you look sluggish? Is there a problem? What is it?" See? Kapag tingin nanunuri na ang ibinigay nito sa kanya, asahan na niyang mapapansin at mapapansin nito kung may problema o bumabagabag sa kanya. Kahit sabihin pa niyang wala, hindi ito maniniwala.

She sighed as they walked back home. "Mom called me last night. She said they can't come home here, so it means we won't be able to spend Christmas with them." The excitement she felt while waiting for Christmas suddenly disappeared. Noong nakaraang taon din ay hindi niya kasama ang mga 'to nagdiwang ng pasko. She was in Paris at that time because of her work while her parents were in New York.

Bago nagtungo ng Iceland ang kanyang mga magulang at siya sa Milan, napagkasunduan nila na dito sila magkita-kita sa Pilipinas dahil sa planong mag-pasko at bagong taon na magkasama. Umasa siya, pero nabigo na naman uli.

"What's the reason? Why can't they come home?" may pagtataka sa boses ni Ate Martha.

"Work? I guess?" 'di sigurado niyang sagot.

Ang sabi ng ina kagabi ay may trabaho ito dahil pinakiusapan ng head nurse nito, pero hindi siya naniniwala doon. Hindi sa pinagdududahan niya ang kanyang ina, pero kasi....ramdam niya na may itinatago 'to sa kanya.

Bago pa tuluyang lamunin ng lungkot si Lucia, inaya na lang niya si Ate Martha na mag-mall. Saka na lang muna sila mag-beach pagbalik nito. Uuwi kasi ito ng Negros, sa probinsya nito para doon mag-pasko at mag-bagong taon. Hanggang sa petsa biente-dos lang niya ito makakasama at flight nito sa biente-tres ng tanghali. Babalik lang ito sa kanya pagkatapos ng bagong taon.

Inilugay lamang ni Lucia ang mahabang kulot na buhok dahil malaking tulong 'yun, in case of emergency. Tiningnan niya ang kabuuan sa malaking salamin. Not bad.

Isang loose black t-shirt na may tatak na Saint Laurent at Levis 501 medium-rise cut-off short ang kanyang sinuot. Mahaba ang t-shirt na natakpan halos ang kanyang short kaya minabuti niyang i-tuck in 'yun. Isang Saint Laurent, Cassandra 05 leather sandal na itim lang din ang kanyang ipinares. Komportable sa paa dahil flat at hindi masyadong nakakaasiwa sa kanyang katangkaran. Nang maayos na siya sa kanyang suot ay agad niyang inabot ang black Chanel Wallet On Chain Timeless leather crossbody bag, na nakapatong sa kanyang sofa at lumabas na ng silid.

"Lola, alis na kami," paalam niya rito na nasa hardin, inaayos ang mga alagang bulaklak.

"Huwag kayo magpapagabi, Lucia. Magagalit ang iyong lolo," paalala nito. Iyon din ang sabi ng kanyang lolo kanina nang magpaalam siya.

"Opo. Doon na lang din po kami mananghalian then after that uuwi kami agad." Nagmano siya rito at humalik sa pisngi. Nagpaalam din si Ate Martha sa kanyang lola.

His Way of Branding [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon