Kabanata 8

5.1K 134 5
                                    

"Is she the Governor's other woman?"

"She used her body to seduce the Governor."

"Oh my God! She's a homewrecker!"

"What a gold digger, bitch!"

"Social climber!"

"Whore!"

"Urghhh!" Pinaghahampas ni Lucia ang unan dahil sa mga mapanirang komento na nabasa tungkol sa mga larawan na magkasama sila ng gobernador.

Ito ang pinakaayaw niya mangyari, ang madikit ang pangalan sa iba at mahusgahan ng kung anu-ano. They didn't know the whole story. Why is it easy for them to judge other people? Tao rin sila, nasasaktan.

"Lucia, calm down. Hayaan na lang natin kung ano ang sabihin nila. Kahit ano pa ang gawin mo't sabihin, masama man o mabuti, may masasabi at may masasabi pa rin ang ibang tao. Sometimes there are people who don't deserve our explanation," paliwanag ni Ate Martha, nagpapakalma.

How can she calm down if what people say to her is so painful? Hindi man totoo ang mga paratang sa kanya, ngunit naaapektuhan pa rin siya. Umiwas siya sa mga eskandalo na maaari niyang kasangkutan, nakinig sa mga sinabi ng ina niya kahit nasasakal na siya sa pagkontrol nito para lang hindi makaladkad ang pangalan sa kontrobisya. Nito lang, itong pagbabakasyon niya lang dito sa lolo't lola niya ang sinuway niya. Nakiusap siya't nagpumilit sa ina para makapagpahinga kahit panandalian, tapos eto ang mangyayari? Karma niya ba 'to sa pagsuway sa ina niya? Nais lang naman niya makalaya kahit saglit, makalayo sa mata ng madla.

"Why are they so quick to judge me? They don't know the story. They don't know who I am as a person. They don't know everything! Why!" aniya, nagagalit. Hindi siya makakalma hanggat pinagpipyestahan ng masasakit na salita ang pagkatao niya.

Agad napatingin si Martha sa pintuan nang makarinig sila ng sunod-sunod na pagkatok habang patuloy sa pagwawala ang kanyang alaga. Naiintindihan niya ito. Sa loob ng sampung taon nito sa pagmo-modelo, ngayon lang ito nakatanggap ng ganoong paninira. Ang alaga niya na maingat sa lahat. Ang alaga niya na ayaw na ayaw makaladkad ang pangalan sa eskandalo, ngayo'y siyang kinakaharap.

"Lucia, apo!" Dinig ni Martha na tawag ni Donya Luiza mula sa labas ng silid. "Martha, ano ang nangyayari d'yan? Dinig na dinig namin kahit sa labas ang pagsisigaw ni Lucia?" nag-aalalang boses ng Donya.

Akmang sasagot si Martha nang tumunog ang kanya dalawang cellphone at cellphone ng kanyang alaga. Magkasabay ang mga 'yun. Nalilito siya sa kung ano ang uunahin.

"Martha!" sigaw muli ng Donya.

"She's fine, lola! Lucia is okay. Don't worry," sagot niya saka dinampot ang cellphone ng kanyang alaga.

Mama's Calling...

Shit! Sa nakarehistro pa lang sa screen nito, kinakabahan na siya. Sunod na dinampot niya ang kanya't tiningnan, PEP Philippines calling. Habang sa isa pang cellphone ay tanging numero ang tumatawag.

"Martha, open this door." Boses iyon ng Tito Alfred nito na sunod-sunod ang ginawang pagpihit sa seradura.

"Lola, Kuya Alfred, okay lang po si Lucia. Naglalaro lang po kami ng charades. Nagkatuwaan lang po kami kaya napapasigaw siya," pagsisinungaling niya.

Spare me, Lord. Trabaho lang po ito walang personalan. Piping daing niya sa itaas. Naramdaman niya na nawala ang ingay sa labas kaya sinagot niya ang tawag ng ina nito.

"T-Tita?" Ramdam niya ang bawat lakas ng pagkabog ng kanyang puso.

"Goodness, Martha!" hiyaw nito halatang galit. Lagi naman. Kapag pagdating sa anak nito, parating galit at masyadong mahigpit. " What happened to Lucia? Bakit ganito ang nababasa ko sa mga social media? Ano ang relasyon niya sa Governor na ito? May asawa ba ang taong iyan, huh?!" Nailayo niya ang tenga sa cellphone dahil sa ginawang panininghal nito. "Answer me, Martha! What is their real relationship?"

His Way of Branding [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon