Kabanata 7

5.7K 138 8
                                    

KUNG pagbabasihan ni Valentin ang nararamdaman ngayon, tanging pananabik ang nangibabaw roon. Pananabik na masilayan muli ang mukha ng dalaga. Pananabik na makita muli kung paano siya irapan at bigyan ng masamang tingin sa tuwing pinupuna niya 'to, kung paano siya sagut-sagutin.

Buhat nang makita ng personal 'to, mas lalo niyang napagtanto sa sarili ang damdaming nabubuo sa kanyang puso. Ngunit kailangan niyang kontrolin ang anumang nararamdaman. Ayaw niyang bigyan 'to ng dahilan na iwasan siya't maging masama lalo sa paningin nito.

Kanina nang tawagan ito ni Fiore ay pina-loud speaker niya ang usapan ng dalawa. Nasa opisina niya si Fiore nang sandaling 'yun. Sa mahinhin na pagsasalita ng dalaga, ramdam niya roon ang kapaguran at lalim ng bawat paghinga na ikinakunot ng kanyang noo, nagtataka. Nakinig siya hanggang sa sinabi nito na wala ito sa bahay. Bigla naramdaman ni Valentin ang kakaibang kaba o mas tamang sabihing takot. Bumalik 'yung takot na kaytagal niyang hindi naramdaman at iniiwasan. Pamilyar sa kanya iyon.

Sa kabila ng kasiyahan at kasabikan ni Fiore habang binabaybay nila ang sinabing mall ng dalaga, kabaliktaran naman ang sa kanya. Hindi siya mapakali. Kung anu-anong hindi kaaya-aya na pangyayari ang tumatakbo sa kanyang utak. Sa pagkakaalam niya, unang beses pa lang gumala ng dalaga sa lugar nila, kaya wala pang alam 'to sa pasikot-sikot. Sa side mirror, kita ni Valentin ang paghahabol ng sasakyan ng kanyang mga bodyguard. Mabilis ang kanyang pagpapatakbo kung kaya't napapalayo siya sa mga ito.

"Hinahabol ba natin si kamatayan, Kuya Val?" utas ni Fiore habang mahigpit na nakahawak sa hawakan sa gilid ng uluhan nito. Hindi niya 'to sinagot at mas itinuon ang atensyon sa daan. Ilang sandali pa'y narating nila ang parking lot ng mall. "Damn! That was a hell ride!" Fiore exclaimed as she unbuckled the seatbelt.

Agad lumabas si Valentin ng kanyang sasakyan, hindi na hinintay pa ang pinsan. Malalaking hakbang ang ginawa niya patungo sa entrada ng mall. Nakasunod naman sa kanya si Fiore.

"Excited ka, Kuya Val? Ikaw ba ang ime-meet?"

"Shut up, Fiore!" Masarap talaga busalan ang bibig ng babaeng 'to.

"Shut up daw, Fiore, dahil may napaghahalataan," bubulong-bulong nito sa sarili na narinig niya. Hindi na lamang niya pinansin 'to nang sa bawat tao na nadadaanan at nakakasalubong nila'y binabati siya. Hanggang sa natunton niya ang restaurant na sinabi ng dalaga kay Fiore.

Valentin's eyebrows almost met with the visible group of people outside the restaurant, trying to peek inside as if they wanted to see something. May dalawang security guard ang naroon, pilit humahawi sa mga tao upang hindi makalapit sa salaming pintuan.

Nagkatinginan sila ni Fiore. "Naiisip mo ba ang naiisip ko, B1?" anito. Minsan, hindi niya masabi kung anong klaseng utak mayroom ang pinsan niyang 'to.

Nagpapatawa ba ito? Dahil kung oo, hindi siya natatawa. That was not how he felt at that moment. All he wanted was to see Lucia.

"Sir—"

"Just wait for me here," agap na pagputol sa bodyguard niya na nakasunod sa kanila, saka siya naglakad papasok ng restaurant.

"Good afternoon, Gov. Tabl—" salubong sa kanya ng waitress, ngunit hindi niya pinansin ito't nag-diretso sa paglalakad. 

"No need. Our friend is here."  He heard Fiore answer the waitress.

Our friend? Kailan niya pa naging kaibigan ang dalagang iyon? Tss! Ayaw nga niya maging kaibigan iyon.

Hinanap ni Valentin ang kanina pa gustong makita ng kanyang mga mata. He saw a four-seater table in the corner that there were two women sitting there. Kahit nakatalikod ito sa kanyang gawi, sa hulma at hugis pa lang ng katawan nito't klase ng pagkakaupo ng tuwid, kilalang-kilala na niya. Isama pa ang kakaibang nararamdaman habang nakatingin siya rito. 

His Way of Branding [COMPLETED]Where stories live. Discover now