Kabanata 7

5 1 0
                                    

"Okay na ako, tange" I sighed

"Andito crush mo hoy, kaya umayos ka na jan" sabi sa akin ni Javion at hiniwakan ang aking kamay

"Wag mo hawakan kamay ko baka makita niya, baka sabihin jowa kita"

"Edi bala siya"

"F.O na talaga tayo, sige ka"

"F.O? nu yun? feeling ogok?"

"Sira ka talaga"

Nagtawanan kaming dalawa at napatingin ako sa kabilang dulo at si Azriel nga, nakatingin siya sa akin o sadyang feeling lang siguro ako

Nag start na mag on yung makina at umaandar na yung viking. Nasa pinaka taas na kami at panay sigaw ang mga kasama ko, pati si Javion ay panay kapit sa aking braso. Pero rinig na rinig ko talaga ag sigaw ni Carlo at kita ko pa na tinataas nina Kia Ady at Fleara ang kamay nila ngunit sa isang kamay ni Fleara ay humawak sa kapit

"Lian, pag namatay ako dito, Sorry sa lahat ng kasalanan ko" sabi ni Javion sa akin at sumigaw pa "Mama sorry na"

The viking is so wild! When we reach the highest part para akong mahuhulog and when we're going down parang lumalabas yung kaluluwa ko and I love how it scares me!

Dahil dun natawa ako ng sobra, natakot ako pero humawak lang ako sa kapit at medj sumigaw

"Mama" sigaw ko nung mataas na talaga "Mama"

"Azriel, crush kita potangina" na sigaw ko nung naka tingin ako sakanya at napatingin naman si Carlo sa akin

"Kuya, tama na. Ayoko pala mamatay" sigaw ni Carlo "Maging make up artist pa ako kuya"

Napatingin ako ulit sa banda nila Azriel at panay sigaw ang mga kasamahan niya habang siya ay natawa lang sa mga reaction ng mga kasamahan. Mas lalo siyang guma-gwapo pag naka ngiti at naka tawa siya, yung dimples niya nakikita

Natapos ang ride at bumaba na kami pero medjo ako naginaw dahil sa hangin at dahil siguro lumalalim na ang gabi.

"Az!, sama sama nalang tayo para mas masaya" sabi ni Kevin sa kanyang pinsan na hindi ko iyon inaasahan "libre mo din ako, may utang ka pa kaya sa akin"

Sumang ayon naman ito at totoo nga na mas marami mas masaya

Nakita ko ang isang booth na may shooting game, kung saan dapat matamaan yung mga teddy bear na statue na plastic at maliit para maka kuha ng premyo

"Kia! Dun tayo oh" sabi ko kay Kia at tinuro yung Booth na nakita ko

"Gaya ba ng dati? Paramihan? G! ka ba Kevs, Jav at Lian?" Yaya sa amin ni Kia "G ako kaya tara na"

Sumang ayon kami at naglaro na. Alala kasi nung mga highschool,gabi na iyon, at paalam namin ay gagawa kami ng project pero nauwi pala sa perya

"Talo na kayo, Bano niyo kaya mag laro, nakaka wala ng gana" pa confident na sabi ni Kia sakanila

"Tingnan nalang natin ha, Kayo dalawa tas kami dalawa din ng bro ko" sabi ni Javion

"Bakit ba kasi tayong dalawa palagi, Javion? Mag papa buhat ka lang sa akin eh" Kevin said to Javion at inakbayan ito "pero sige na nga"

"Kunwari pa 'tong 'to, gusto din naman ako maging partner" pagyayabang niya at inakbayan ang kaibigan

"Napaka dal dal niyo, tara na. Ang Matalo dapat mang libre ha" sabi ko sakanila "Kevin, paki sabi sa pinsan mo, penge goodluck kiss naman jan oh" I joked

"Hoy! Amelia, napaka landi mo talaga, mana sa'kin" sabi ni Carlo at kinurot yung tagilaran ko

"talandi mo, gaga ka! okay lang yan, maganda naman tayo" sabi ni Fleara na pabulong sa akin "share tayo jan kay Azriel ha"

Unraveling your HeartWhere stories live. Discover now