Kabanata 4

11 1 0
                                    

Pumunta muna kami sa kung saan pi-nark yung kotse na dala nila at napag sunduan namin na mag check-in sa hotel na chineck-inan nila Azriel and suprisingly 2 rooms lang yung available kaya kinuha namin yung dalawang superior room that consists 2 beds.

Sa isang kwarto ay may malaki laki din yung room at may dalawang kama kaya kumuha pa kami ng extra bed

"Lian! Dito ka tulog ha? Kasi, pag nag swimming yun sila Azriel sama tayo" sabi ni Carrie

"ayoko! Uwi nalang ako" sabi ko

"Ang KJ mo talaga, sige ka pag ayaw mo aagawin ko yan talaga yang bebe mo" sabi ni Kia "gusto mo agawin ko siya?"

"Agawin mo na Kia, tas landiin natin mamaya" sabi ni Ady kaya binato ko sakanya yung unan

"Di ka talaga mag ka jowa pag di ka dito matutulog" sambit naman ni Fleara

Isa pa 'tong isa 'to! Masyado naman ako nila mamimiss.. hayss ako lang 'to chill!

"'yaw mo dito matulog? sige para di ka rin mag ka jowa" sabi ni Senthy at nahiga "dito ka o di ka na magkajowa?"

"tangina niyo talaga, sige na dito na hayop kayo"

I feel so welcome with my friends, I love them.

Sa kwarto nito ay dito kami ni Fleara, Ady, Kia at Senthy bali tabi kami ni Kia siguro matulog tska si Fleara at Ady naman sa isang kama at si Senthy sa extra bed

"Hoy! bakit niyo ba ako ilalagay sa kabilang kwarto? pero okay lang naman, nandun naman yung mga papi" sabi ni Carlo

"Aminin mo na, gusto mo lang eh" sabi si Ady "may pa "bakit niyo ba ako ilalagay sa kabilang kwarto?""

Ady started to mickmik Carlo's voice and Carlo began to pinch Ady's side

"tanga! tara na alis na tayo, sakay pa tayo sa viking"  sabi ni Kia

"wag kang umiyak Amelia ha" Javion said

"baka ikaw iiyak, tanga" I fired back

"Mga tol! Sabay daw si Azriel satin kasi yung kotse na dala niya flat tska naiwan na siya ng mga kasamahan niya"

Nung sinabi ni Kevin yun agad akong napangiti at kinuha ko na yung cellphone ko na naka charge

"naks naman! excited ah" tukso ni Fleara sakin "excited ka ba mare?"

"tabi kayo mamaya ha tas sadyain mo na nahulog cellphone mo" sabi ni Ady

"tingin mo Ady hindi maging tanga yan? wag kang magpapa katanga uy! baka ma turn off yun sayo" sabi ni Kia

Baka nga ma fall 'yun sa'kin dahil sa pagka tanga ko..eh

"Goodluck nalang sa pag landi mo" supportado ni Senthy

"gurl! kami na tabi ni bebe mo please na kasi" sabi ni Carlo

"gago ka, ngayon lang kami mag ka tabi eh. Pero sana magkatabi kami. Uy Kevin! tabi kami ng pinsan mo ah" sabi ko

"sige na nga dami mong sat sat"

Hindi ako mapakali ngayon dahil hindi ko alam kung maayos ba itsura ko o mabaho ba ako kaya nakaka wala ng confidence at panay tanong lang ako sakanila

"Javion, mabaho ba ako?" tanong ko kay Javion na inamoy ko ying shirt ko

"Oo, Ang asim mo" he said with an emphasis on the word asin

"Tanga ka! Amoy asim ka din uy!" Sabi ko sakanya at inamoy

Papansin 'tong si Javion mukha namang paa

"Hindi ka naman mabaho Lian, may perfume ako kung gusto mo gamitin" sabi ni Fleara

Savior!

"Mahiya ka naman sa tabi ng crush mo Lian babes. Ang gwapo tska ang ganda ng damit niya tas ikaw mukha ka ng basahan" sabi ni Javion "pero mas gwapo ako dun"

"alam mo Javion babes. Ang lakas ng hangin, natutumba na nga ako sa lakas ng hangin eh" sabi ko nag action pa

"Kung hindi ka makapali, kuha ka nalang damit at mag palit ka" sabi ni Fleara

Agad kaming nag sunduan at napag desisyonan na hindi nalang ako tatabi kay Azriel sa kotse kasi nahiya ako at pumilit na sa front seat nalang maupo. The car is an Innova Crysta in a color black

"Kala ko ba dito ka sa tabi ni Azriel ha Amelia?" Tanong ni Carlo

"gago, kelan ko ba sinabi yun?" tanong ko sakanya na kunwari innocente

"yung sagot mo Amelia panis" sabi ni Kia

"wag kang tumitig hoy amelia, baka ma tunaw yan" sabi ng secreto sakin ni Senthy ng naka upo siya sa likod ko

"okay lang naman siguro, mahal ko naman" sabi ko sakanya ng pabulong at ngumiti

Ang gwapo nga ni Azriel he was wearing a men's black short and a plain oversized white shirt. Kahit ano suot nito ang gwapo talaga

Nakarating na kami sa plaza at na pag desisyonan ko nalang na umuwi muna at mag palit ng damit at kukuha narin ng damit pero wala akong nakita na tricycle o habal-habal dito, halos nito ay puno

"uy! uwi muna ako ha. Kuha lang ako damit sa bahay tska mag palit na rin" sabi ko sakanila

"dun nalang tayo kita sa 7/11 or sa basketball court" sabi ni Fleara "ay teka wala ka bang kasama? Maglalakad ka lang?"

"mag lakad lang ako sayang pamasahe tska wala ding masasakyan"

"eh pano pag nawala ka? pano pag may mangyari na masama sayo? sympre ayaw namin mapahamak yung tanga namin na kaibigan" sabi ni Javion at napangiti ako "samahan na kita para walang mangyare na masama"

Napatingin ako kay Azriel pero feel ko naman wala siyang pake kaya yan siguro ang dahilan kung bakit nakaka fall siya. Nakakafall talaga yung mga walang pake sayo. Ano ba 'tong nakain ko ngayo'ng araw at bakit parang na-aattach na ako sakanya?

"Tara na, Lian para ma abutan pa natin yung fireworks, 6 na oh" Napag sunduan din namin na maglakad kami ni Javion

Unraveling your HeartWhere stories live. Discover now