Chapter 1 - Escape

26.3K 360 30
                                    

Chapter 1

Limang araw na mula nang sabihin sa 'kin ni Papa ang tungkol sa Arranged Marriage thingy na 'yon. Hanggang ngayon hindi parin ako maka-get over. Limang araw ko na rin na hindi sila kinakausap dahil masama ang loob ko sa kanila at nalulungkot ako. Bakit? Eighteen years old palang ako at wala pa sa isip ko ang pagpapakasal. Ni hindi nga ako nagka-boyfriend dahil mas inatupag ko ang pag-aaral para mas lalong maging proud sila sa 'kin, pero aaminin ko na minsan ay nag part time model na rin ako sa mga sikat na magazines dito sa Pilipinas. At nalulungkot ako dahil wala akong mapagsabihan tungkol doon sa Arranged Marriage. Ang Mama ko kasi ay nasa Paris, nandoon ang fashion company niya. Hiwalay na sila ni Papa, mahigit sampung taon na rin. And the good thing is I never caught my father in the act with another woman. Mas ginugol niya ang oras niya sa kompanya.

Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko habang nakahiga sa queen size bed ko. Pumatak ang isang luha mula sa kaliwang bahagi ng mata ko. Napakurap ako at napaupo bigla. Napatingin ako sa paligid ng kwarto ko na white and pink ang kulay ng wallpaper. Sa kanan, nandoon ang malaking clothes cabinet ko at malapit doon ang pinto papasok sa bathroom at katabi naman ng Pink Queen Size Bed ko ang Vanity Table ko na white and gold ang design of color. Sa harap ko naman nandoon ang Bookshelves, LCD flat screen TV, DVD and CD storage rack, at may malapit na sofa roon. Napatingin naman ako sa kaliwa, bukas na bukas ang glass door papunta sa terrace nitong kwarto ko, at nililipad ng hangin ang puting kurtina niyon.

Napahiga ako ulit sa kama and I wonder what will happen if I'll escape? Kanina ko pa 'yan naiisip pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang plano ko. Panigurado, ilang araw kong hindi mararanasan ang masarap na buhay. 'Yun bang may mag aasikaso ng kakainin ko in breakfast, lunch, merienda and dinner. Also I can't use my credit card to go shopping every week and I couldn't have a chance anymore to go to salon and spas.

Nagulat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko agad 'yon at tinignan ang caller ID. BESTY ALEXA.

"Hello?" walang ganang pagkakasabi ko.

"Bes! Parang hindi ka masaya na tumawag ako sa 'yo?" malungkot niyang saad.

"Ah. Hindi naman sa gano'n. May iniisip lang kasi ako," pagdadahilan ko.

"Kwento ka naman. But first, can I come in to your room?"

"Uh. Sure."

Narinig ko naman agad na may kumatok. Ang bilis talaga nitong si Bes. Ganyan 'yan eh, tatawag minsan kung malapit na talaga siya rito sa bahay kapag trip niya talagang bumisita rito. Pero buti nalang napatawag siya kundi makakalimutan ko na kung sino pa ang isa pang tao na pwede kong pagkwentuhan. Pinagbuksan ko agad siya ng pinto at sinugod niya ako ng yakap.

"Besty! I really, really, really miss you so much! Tagal din nating hindi nagkita eh," sabi niya. Bumitiw na rin siya sa pagkakayap at nagtaka sa nakita niyang expression ko. "Problem?" tanong niya agad.

Hinila ko siya agad papasok sa kwarto ko at sinarado ko na 'yong pinto, naupo kami sa carpeted floor sa ibaba ng kama ko. Hindi pa man ako nagkukwento sa kanya ay nararamdaman ko nang maiiyak ako ilang sandali na lamang dahil naaalala ko na naman 'yong mga pinag usapan namin noon nila Papa at Lolo.

"Kwento ka na, Bes. Makikinig ako," sabi niya at tipid na ngumiti sa 'kin.


*FLASHBACKS*

"You're arranged to be married."

There! Literal na napanganga ako sa sinabi ni Papa. Hindi agad ako nakarecover kung hindi lang ako tatapikin sa balikat ni Lolo. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas sa bibig ko. Shock parin akong napatingin kay Papa baka sakali kasing bawiin niya ang sinabi niya. Pero hindi niya ginawa...

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon