Chapter 37 - Letting You Go

8K 114 22
                                    

Chapter 37 - Letting You Go



[[ 3rd Person POV ]]



3 days passed...



"Bhest! I miss you.." malumanay na sabi ni Alexa sa kaibigan niya at niyakap niya ito mula sa gilid.



Bigla nalang may tumulong luha sa mga mata ni Lyn. At pinunasan agad ito ni Alexa gamit ang kanyang kamay..



"Prislyn.. namimiss ko na talaga ung bestfriend ko na nakikita kong ngumingiti ng totoo at hindi pilit.." naluluhang sabi ni Alexa.



Sa tatlong araw na nakalipas gumaling na ang daddy ni Lyn at nagpapahinga lamang ito sa ngayon dahil hindi muna pwedeng magtarabaho ito.



At sa mga araw na nagdaan ramdam ni Alexa na nagbago ang bestfriend niya. Dahil kung ngumiti ito ay pilit at minsan tila wala pa ito sa sarili.



Nag aalala na talaga siya sa bestfriend niyang si Lyn at kung pwede nga lang ay mag joke siya ng isang tanong dito tulad ng 'bhest buntis ka ba?' pero hindi niya ginawa dahil alam niyang nasasaktan parin ito sa paghihiwalay nila ni Niel.



"Bhest, shopping tayo." may ngiti sa labi na saad ni Alexa kay Lyn. Tumango lamang si Lyn at sumunod nalang kay Alexa na hila-hila siya nito papunta sa kotse nito.



"Manong sa pinakamalapit na mall po na madadaanan natin." sabi ni Alexa sa driver niya.



"Bhest, bakit ganun? Ang sakit sakit parin. Kahit na ilang araw na kaming di nagkita. Ang sakit parin." mahinang sabi ni Lyn habang nakayuko at patuloy na tumutulo nanaman ang luha sa mga mata nito.



"Prislyn Saige Villano, pwede bang ako muna na bestfriend mo isipin mo ngayon? Kahit ngayon lang please? Nalulungkot na rin kasi ako dahil miss na miss ko na ung bestfriend kong masayahin." naluluhang sabi ni Alexa sa kaibigan na nakatingin lang sa kanya.



"Alexa, im sorry. Miss ko na rin bestfriend ko.." niyakap ni Lyn ito at pareho silang umiiyak sa loob ng sasakyan.. Nakarinig sila ng putok at agad silang naghiwalay sa pagkakayakap.



"Ma'am Alexa naFlat po ung gulong ng sasakyan."



"Anak ng pusang orange! Manong naman eh.. nagdadrama kami dito sa backseat tapos biglang naflattan tayo? Sige manong magtataxi nalang kami.." napatingin naman si Alexa kay Lyn.



"Waaaahh! Ngumingiti ang bestfriend ko! Ajuju! Im so happy!" sa sobrang saya ni Alexa sa nakita niya ay niyakap niya ang bestfriend niya.



Pagkababa nila ng sasakyan ay agad naman silang pumara ng taxi para makapunta agad sa Mall. Walang alam si Lyn na may binabalak si Alexa kaya siya sinama siya nito sa mall.



Pagkarating nila sa Mall ay nagwindow shopping lang muna sila at pilit na pinapasaya ni Alexa ang kaibigan. Naisipan muna nilang kumain pagkatapos ay magshoshopping na talaga sila.

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon