Chapter 38 - He's Leaving

7.8K 123 20
                                    

Chapter 38 - He's Leaving



Nagising nalang ako kinabukasan na may doctor na kinakausap si Mama. Para akong nahihilo kaya pinikit ko ang mata ko at binuksan ulit ito ng dahan dahan at halos masapok ko kung sino ung nakita ko. -_-



"Ano ba yan?! Lawrence! Okay ka lang? Ang lapit ng mukha mo ah!"



"Tss. Tinitignan ko lang kung totoong magigising ka nga. By the way tanghali na kaya bumaba ka na at kumain."



Di ko nalang siya pinansin at tumingin ako ulit kay Mama na kausap ung doctor.



"Mom, ano po nangyari?" tanong ko at nilapitan naman agad ako ni Mama.



"Dahil sa sobrang stress mo kaya nahimatay ka kagabi at ngayon ka lang nagising. Prislyn, di mo sinabi sakin na bumalik na pala lahat ng ala-ala mo."



"Sorry ma. Madami kasi akong iniisip this past few weeks. Alam mo naman ung nangyari diba Mom?"



"Oo.. kaya ngayon kumain ka nang madami dahil nangangayat ka na." binalingan ulit ni Mama ung doctor. "Doc, salamat po at sa susunod na tatawagin namin kayo preggy na anak ko. ^_^"



O___O "MA!"



"Joke lang anak. Syempre kasal muna..hehe! Sige baba na ko."



Tumango nalang ako saka binalingan si Lawrence na nakaupo sa couch habang nagtitext. Ung GF niya siguro yun.



"Hoy! Lawrence, mauna ka na bumaba susunod nalang ako."



"Okay." sagot niya na hindi manlang tumingin sakin dahil panay ang text.



Naligo na muna ako saka ginawa ko na ang mga dapat gawin bago lumabas ng kwarto.



"Upo! Kumain na tayo."



"Di ka pa naglunch?"



"Sasabihin ko bang kumain na tayo kung nakapaglunch na ako?"



Sabi ko nga eh! Sungit! >__> Inirapan ko nalang siya saka kumain nalang ako.



"Kumain ka ng marami dapat malakas ka para di ka nanaman mahimatay mamaya dahil may pupuntahan tayo."



"Saan naman aber?"



"Sa airport."



Pagkasabi niya nun parang may tumambol sa dibdib ko na parang kinabahan ako bigla.



"Bakit sa airport? May susunduin ba? O may aalis?"



"Basta."

HousemateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon