26

3.4K 95 11
                                    

NAKABAKASYON ngayon ang Mama ni Jet sa Pilipinas at ngayong araw ay nagyaya itong mamasyal sa Tagaytay. Dahil abala si Jet ngayong araw ay si Aila ang sumama sa matanda. Isang buwan na rin ang nakalilipas simula nang magkaaayos sila at ngayon ay masasai ni Aila na napakaaayos na ng lahat sa buhay niya, lalong-lalo na sa relasyon nila ni Jet.

Hindi kagaya ng inisip ni Jet ay naging madali para sa kanya na maintindihan siya ni Nathan. Sinabi nito na mahirap para rito na tanggapin ang pag-ayaw niya pero hindi rin naman raw nito gustong ipagpilitan ang sarili nito rito. Nang dahil roon ay napaiyak siya sa sobrang tuwa. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon kadali ang pamimilit niya kay Nathan. Pero kung mahirapan man siya sa pangungumbinsi rito, sa tingin naman niya ay hindi rin magtatagal iyon pagkatapos ng isang malaking rebelasyon tungkol rito at kay Jet.

Kaya pala ganoon na lang ang pagtataka niya sa sarili na nakikita niya si Jet rito. Kaya pala magkamukha ang mga ito. It was because he was Jet's long lost brother.

"Ilang taon rin ako umasa noon na magkikita tayo. Hanggang sa dumating sa akin ang balita tungkol sa batang nabiktima ng sindikato na inakala ko na ikaw. Kasing edad mo lang rin siya at may malaki siyang balat sa likod. Ngunit isang pagkakamali lang ang lahat..." pagkukuwento ni Jet kay Nathan na pinaniwalaan naman ang nadiskubre at sinasabi ni Jet. Nakumpirma lalo ni Jet na si Nathan nga ang nawawalang kapatid nito nang tignan nito ang likod nito at mayroong malaking balat nga roon. Isama pa na kaya naman naniwala agad si Nathan ay dahil may naramdaman rin itong kakaiba nang makita ang lalaki.

"Bata pa lamang ako ay inamin na sa akin na ampon lang ako. Madalas na iniisip ko rin kung sino nga ba talaga ang tunay na pamilya ko. Buhay pa ba sila? Kung may kapatid ba ako? Kung may pag-asa ba ako na makikita ko silang muli.... Pero namuhay ako na iniisip na imposible na iyon. Napakabata ko pa nang mawala ako at ni hindi ko nga daw masabi ang tunay na pangalan ko. Tanging Jonathan lang daw ang nasasabi ko noon kapag tinatanong ako nang matagpuan ako nila Papa na natutulog sa harap ng bahay nila noon."

"Hindi ko alam kung ano ang nangyari kung bakit bigla ka na lang nawala sa evacuation center noon. Pinilit kitang hinanap, nagsumbong ako sa pulis, pero dahil siguro bata pa ako ay hindi nila ako ganoong inasikaso. Isama pa na mahina rin ang kapangyarihan nila sister. Naiintindihan ko rin na hindi lang ako ang inaasikaso nila kaya naging mahina at hindi matagumpay ang paghahanap. Sumuko ako sa 'yo, Jonathan. Nang ampunin ako ni Dra. Esperanza at kahit alam kong kaya niyang i-afford ang lahat ng pag-iimbestiga tungkol sa 'yo ay hindi ko ninais pa na gawin. Napakasakit ng mga nangyari at ayaw ko ng balikan ang mga iyon. Gusto ko na lang na kalimutan ang lahat. Pero talagang malaro ang tadhana. Pinagtagpo muli tayo..."

Ngumiti si Nathan. "Hindi ko rin inaasahan pero naniniwala ako na maaaring ikaw nga ang nawawalang parte ng pagkatao ko. There's something unusual happened to me when you hugged me. Napakamapaglaro ng tadhana..."wika nito. "Pero siguro ay lahat rin ay nangyayari na may rason. Kaya naging medyo huli na si Aila na ipaglaban ang pag-ibig niya sa 'yo ay dahil gusto rin ng tadhana na magkita tayo."

Hinawakan ni Jet ang kamay niya. "Yes. She leads me back to you."

Tinapik ni Nathan ang likod nito. "And because of that, nararapat ko lang talaga na pagbigyan siya sa gusto mo. I'll give her back to you..."

Hindi sikreto kay Aila ang tungkol sa pagkakaroon ng kapatid ni Jet bago ito inampon ni Dra. Esperanza. Pero dahil na rin sa inakala nito ay patay na ang lalaki ay hindi kailanman dumapo sa isip niya na kahit naiisip niyang kamukha nito si Nathan ay maaaring ito na pala iyon. Isama pa na nasanay rin siya na "Nathan" ang tawag rito imbes na sa totoong pangalan nitong "Jonathan". Iyon kasi ang nickname ng lalaki at mas prefer rin nito na tawagin ito sa ganoong palayaw.

International Billionaires Book 4: Jet MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon