20

1.3K 54 2
                                    

DIRETSONG nilagok ni Jet ang hawak-hawak na beer. Isang tradisyon na yata ng pagkakaibigan nila na kapag may problema ang isa ay kailangan nilang pag-usapan iyon sa Golden Cash Clubhouse and Resort. Gusto sanang baliin ni Jet ang tradisyon nila na iyon dahil maraming pinaalala sa kanya ang lugar. Doon niya madalas na dinadala ang pinoproblema niya ngayon at ang simpleng pagpunta roon ay nagpapabalik sa kanya ng mga magagandang memorya na pinagsaluhan nila. Mga pangyayari na maaaring maging memorya na lamang. Hindi niya matanggap iyon kaya nakakadagdag lamang ng sakit. Pero dahil wala ng iba pang pribadong lugar sila na maaaring puntahan upang magkausap-usap ay wala siyang choice kundi tiisin ang sakit. Isama pa na ang lugar ang pinakamalapit sa mga tahanan nila---lalo na sa mga may asawa na sa grupo na hangga't maaari ay ayaw mawalay ng matagal sa pamilya ng mga ito.

Ngunit sa kabila ng lahat, nagpapasalamat pa rin siya na narito ang kanyang mga kaibigan para damayan siya. May outlet siya sa nararamdamang sakit. Iyon nga siguro ang perks ng isang lalaking walang kapatid. Sa kaso niya, nawalan siya. Minsan ay naiisip niya pa rin si Jonathan, lalo na kapag nakakasama ang mga kaibigan na siyang itinuring na niyang kapatid. Pero sa tuwina ay madalas na inaalis na rin niya sa isip ito. Eventually, pagkatapos ng nalaman niya ay tinanggap na niya na hindi na sila muling magkikita ng kapatid. Namuhay na lamang siya na ang mga kaibigan ang tinuturing na kapatid niya sa buhay.

"Kapag nag-iinom kami, ikaw palagi ang nagpapatigil sa amin. Hindi ka ba nag-aalala sa atay mo at---"

"Damn me for being a Doctor. I'm out of the phase now. Gusto kong makalimot,"

Tumaas ang isang kilay ni Augustus. Halos lahat ng kaibigan niya ay naroroon sa lugar maliban na lamang kay Cedrick. Pagkatapos ng ilang pagkakataon na hindi nagpakita si Vincent ay nakabalik na ito muli sa Pilipinas. Napansin niyang tila may malaking pinagbago ang kaibigan niya sa dating ito. Mukhang may galit pa rin ito sa mundo dahil tahimik ito. "We are here, Jet. Kaya nga tayo nagtipon-tipon rito, 'di ba? We are here to resolve your problems. Props lang ang mga beer dapat. Sabihin mo sa amin ang problema mo. Is this about Tita Esperanza?"

Umiling si Jet. "We are good. She is good."

Kumunot ang noo ni Ed. "Eh tungkol saan ang pagdadrama? About your career? Oh, siguro nga. Wala ka namang love life kaya hindi dapat maisip iyon."

He glared at Ed. Ito ang palaging nang-aasar sa kanya sa kawalan niya ng love life.

"What?" naguguluhang tanong nito. "Bakit mukha kang galit... 'wag mong sabihin na, mayroon ka na girlfriend at iyon ang pinoproblema mo, ha?"

Bumuntong-hininga si Jet. "I had."

All eyes stared widely at him.

"Had? You mean you really had a girlfriend? How come we didn't know about that? Naglihim ka sa amin, Jet? Pero ikaw mismo ang nagsabi sa amin na wala kang dapat ilihim sa amin? Remember what you said when it was the time Ed has some problems?" sermon ni Augustus.

"I can't believe this. You really had a girlfriend. Tell me, ilang araw ka ng naglilihim sa amin?" si Ed muli.

Sinubukan niyang magpaliwanag sa mga ito. "It was---"

Hindi pa man tapos si Jet ay pinutol na siya ni Ed. "At parang sa lagay mo ngayon ng nararamdaman mo ay mahal na mahal mo ang babaeng ito. Pain and sorrow is painted all over your face. Nag-iinom ka nang higit sa ginagawa mo rito. Was she really worth it? Do you really love her that much? Hah. Puwede nga. If you really love her this much, maybe you'd like to marry her, too! Oh boy, you don't marry a man you just met!"

Tumaas ang isang kilay ni Vincent. "That last line was familiar."

Ngumisi si Nikos. "Frozen. Pinapanood palagi ni Nicollo 'yan. Seriously, Ed?"

Namula si Ed. "Sorry. Soon to be Daddy. Masyadong naghahanda kaya napapanood na rin ng Disney,"

Napailing-iling si Jet sa itinakbo ng usapan. Bumalik ang tingin sa kanya ni Ed. "So ano nga? You really love the girl this much to marry her?"

"Hindi niyo ako binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag kanina kaya kung anu-ano ang naging conclusion niyo..." wika ni Jet at pagkatapos ay ipinaliwanag sa mga kaibigan ang totoong nangyari sa pagitan nila ni Aila at ang problema sa relasyon nila.

As expected ay lumabas ang pagkagulat sa mukha ng mga ito. Pero sa apat na kasama ay si Vincent ang pinaka tila naapektuhan sa sinabi niya. Parang exaggerated na ang panlalaki ng mga mata nito pati na rin ang pagdidilim ng mukha nito. "Sinasabi mo sa amin na pumayag ka sa ganoong klase ng relasyon?"

"I didn't even know she was arranged to be married! Pinagkakatiwalaan ko siya kaya akala ko ay wala siyang itinatago sa akin. Pumayag ako sa ganoong klase ng relasyon dahil malaki ang tiwala ko sa kanya. Wala, eh. Ganoon ko siya kamahal. I was blinded by the love I have for her. Isa pa ay iniintindi ko rin siya dahil alam ko na may pagkukulang ako sa kanya. Ako ang nasa Spain at hindi ko siya maaaring palaging nakakasama. Pero isang malaking pagkakamali na nagtiwala ako nang lubos. Gaano man siya kainosente ay mayroon pa rin pala siyang itinatagong sikreto. I should have known. Hindi ko man lang naggawang mag-research..." nabulalas ni Jet sa sobrang inis.

Kailanman ay hindi niya pinagdudahan si Aila. Malaki ang tiwala niya rito kaya naman kapag may mga bagay ito na hindi gaanong kinukuwento o sinasabi kagaya ng pamilya nito ay hindi na siya nagtatanong pa. Ngunit mali na sobra siyang nagtiwala kay Aila. Kaya pala hindi nito gusto na palaging pag-usapan ang pamilya ay dahil sa isang kilalang pamilya pala talaga ito kabilang at may itinatagong sikreto ito sa kanya.

Tama si Jet na pinadudahan niya ang mga naging kilos ni Aila nang maghiwalay sila sa Spain. Iyon naman pala ay talagang may plano ito kaya ganoon. Nang sabihin nito sa email nito na makikipaghiwalay ito sa kanya pagkatapos ng ilang araw na panlalamig nito, alam niya na kailangan niyang gumawa ng kilos. Bumalik muli siya sa Pilipinas para makausap ito. Nararamdaman kasi niya na malaking problema iyon na kinakailangan ng isang personal na pag-usap. Nakompronta nga niya ito at hindi niya maggawang tanggapin iyon. Naging maikli lang ang pag-uusap nila pero naging napakasakit ng lahat. All the time, alam nito na mauuwi lang sa wala ang relasyon nila pero hindi man lang nito naggawang sabihin iyon sa kanya.

Jet knew this would happen. Pumasok siya sa isang komplikadong relasyon na bata pa lamang siya ay pinagsabihan na siya ng Mama niya na huwag niyang gawin. Sa una pa lang, alam niyang maaaring siyang masaktan. Pero masyado niyang minahal si Aila kaya hindi niya gaanong inisip iyon. Nagtiwala rin siya rito na hindi siya sasaktan nito. Pero nabuhay siya sa pantasya...

"We are not that active in our home country. Hindi natin masisisi si Jet na hindi niya naisip na maaaring anak pala ang girlfriend niya ng isang sikat na politiko," wika ni Nikos.

"But that's not really the problem. Ang sakit ang isipin na hindi pinagkatiwalaan ni Aila si Jet tungkol sa relasyon nila. Like seriously, hindi ba niya naisip na kaya naman siyang ipaglaban ni Jet kung sakali?" sabi ni Augustus.

"Isa pa, mayaman si Jet. He could help the family financially. Madalas naman ang labanan sa isang eleksyon ay tungkol sa pera, hindi ba?" wika ni Ed.

"Well, naiintindihan ko nang kaunti ang tungkol roon. Wala silang pakialam sa yaman dahil ang gusto nila ay suporta ng isang politiko na makukuha kung makikipag-strong family ties sila sa ibang pamilya." Wika ni Vincent.

"I still don't get it," si Ed muli.

Umiling-iling si Vincent. "Hindi niyo talaga naiintindihan. Mahirap pigilan ang mga arranged marriages. Lalo na kapag nakasalalay pa ang honor ng pamilya mo roon." May kakaiba sa tono ni Vincent.

Natahimik silang apat at napatingin rito. Seryosong-seryoso ang mukha nito.

"Arranged marriages really sucks," pagpapatuloy naman nito.

Tumaas ang isang kilay ni Ed. "Bakit ka ganyan makapagsalita? Parang may pinaghuhugutan."

Huminga nang malalim si Vincent. Kinuha nito ang beer at dire-diretsong nilagok. Pagkatapos ay tumiim ang bagang na nagsalita ito. "Damn yeah. Because I'm one of the victims of the damn arranged marriage traditions." Pag-amin ni Vincent na ikinanganga nilang lahat.

International Billionaires Book 4: Jet MartinezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon