21

1.3K 55 1
                                    

KINABUKASAN ay napagdesisyunan ni Aila na pumunta sa bahay ng Ate Ailene niya. Full-time housewife at mother ang Ate niya kaya alam niya na nasa bahay ito nang walang paalam na binisita niya ito.

Sa ngayon ay tatlong taon ng kasal ang kanyang Ate sa lalaking pinili rito ng ama nila at mayroon na rin na isang anak na babae na ngayon ay mag-dadalawang taong gulang. Kasama ang Ate niya ay magiliw rin siyang sinalubong ni Andrea---ang anak nito.

"Hindi ko inaasahan ang pagbisita mo, Aila. Anong mayroon?" tanong sa kanya ng kapatid nang niyaya siya nito na pumunta sa hardin ng bahay ng mga ito kung saan hinainan sila ng katulong nang makakain.

"H-hindi ba puwedeng bumisita ako sa 'yo ng walang dahilan?" Sa totoo lang ay hindi rin niya alam kung bakit naisip niya na bisitahin ito. Basta ang alam niya ay kailangan niya lamang na may makasama dahil natatakot siya na mabaliw siya kapag naiwan lang siyang mag-isa. Masyado niyang iniisip ang mga nangyari sa nakaraan. Sobrang bigat ng damdamin niya kapag naiisip niya na sinaktan niya si Jet.

Tinitigan siya nang mataman ng kanyang Ate. "There's been something unusual in you."

Naglihis siya ng tingin. Tumingin siya kay Andrea na masayang nilalarong mag-isa ang doll house nito sa tabihan. "She looks happy."

Ngumiti ang kanyang Ate. "Of course. Maayos naman ang buhay namin rito. Masaya ang pagsasama namin ni Andrew. Mahal na mahal rin niya si Andrea."

Tumingin siya sa kanyang Ate. Simula nang ikasal ito sa piniling lalaki para rito ng kanyang ama ay wala naman siyang narinig na reklamo rito. Mukhang tanggap nito ang nangyari at naka-adjust rin sa sitwasyon. Ayon rito ay mabait naman ang asawa nito kaya wala itong naging problema. Sa di kalaunan rin daw ay natutunan rin ng mga ito na mahalin ang isa't isa lalo na nang dumating sa buhay ng mga ito si Andrea. Kapag naiisip niya na maaaring maging miserable ang buhay niya kapag siya naman ang ipinakasal ng kanyang ama sa lalaking hindi niya mahal ay iniisip niya ang Ate niya. Ganoon rin ang kanyang mga magulang na pinagkasundo rin noon. Arranged marriages did just fine for them. Umaasa siya na magiging ganoon rin ang sa kanya.

"But you. You don't look so happy. Dinadamdam mo ba masyado ang engagement mo kay Nathan?"

Tumingin siya sa kanyang Ate pero hindi siya nagsasalita. Ngunit sapat na ang reaksyon ng mukha niya para malaman nito ang problema.

"You really fall for that guy that you can't get up." Mukhang alam rin nito ang tinatago niyang relasyon kay Jet.

"Ate..." hindi na napigilan ni Aila na mapaiyak.

Lumapit sa kanya ang kapatid at pinakalma siya. "Wala namang mali roon."

Umiling siya. "Everything's wrong, Ate. Mahal na mahal ko si Jet at sobrang sakit na isipin na hindi kami puwede. Sobrang sakit dalhin na nasasaktan ko siya dahil napakahina ko para ipaglaban ang pag-iibigan namin..."

"Naiintindihan kita, Aila. Iniisip mo lang pamilya natin kaya ka sumunod sa gusto ni Papa. Well, ganoon rin naman ako noon. I have a boyfriend then but I didn't fight for the love I have for him. Not because I am weak. Its because he wasn't worth it."

Nagulat siya sa pag-amin ng kanyang Ate. Wala siyang kaalam-alam tungkol roon.

"Inamin ko sa kanya ang tungkol sa tradisyon ng pamilya natin. But he doesn't even care at all. Hindi ko man lang siya nakitaan ng willingness na lumaban para sa akin," naging mapait ang ngiti ng kanyang Ate. "Naging mahina siya. O siguro ay dahil na rin hindi sapat ang pagmamahal niya sa akin. Tinanggap ko iyon. Pero ikaw, mahal na mahal mo si Jet. Hindi ka magkakaganito kung hindi ganoon. Hindi mo rin siya mamahalin ng ganyan kung alam mo na kulang ang pagmamahal na ibinigay niya sa 'yo. Kaya kung malaki ang tiwala mo sa kanya na kaya ka niyang ipaglaban dahil mahal na mahal ka niya, lumaban ka. Hindi pa naman huli ang lahat."

Nalagay sa matinding pag-iisip si Aila sa mga sinabing iyon ng kanyang Ate. Mahal siya ni Jet at nararamdaman niyang kaya nitong ipaglaban siya kung sinabi lang niya iyon rito. Pero natakot siya noon kaya hindi niya naggawa. Ayaw niya ng gulo. Mahina siya kaya hindi niya kayang harapin iyon. Gusto niyang mabuhay sa pantasya lang at ngayon ay kailangan na niyang gumising kahit ayaw niya. May paraan pa rin naman para mabuhay sa kanyang pantasya at iyon ay kung makakaya niyang ipaglaban ito....

Umuwi si Aila nang bahay nila na iniisip pa rin ang mga sinabi ng kanyang Ate. Dumiretso siya sa kuwarto niya. Lumapit siya sa cabinet niya at sa secret area noon kung saan niya nilalagay ang lahat ng mga memorabilia niya kay Jet. Nakalagay sa isang may lock na drawer ang kahon na naglalaman noon. Kinuha niya ang kahon at dinala sa kama. Doon nakalagay lahat ng mga pag-uusap nila na talagang nilimbag niya pa mula sa mga chat nila online. Kapag naiisip niya ito at nalulungkot siya ay palagi niyang binabalikan iyon. Ang mga pag-uusap nila ang nakakapagpangiti sa kanya. Ang lahat ng tungkol kay Jet ang kasiyahan niya.

Kinuha niya ang isang papel. Mula roon ay nahulog naman ang isang plastic na naglalaman ng mga hibla ng buhok. Natatandaan niyang kailan lang niya inilagay sa kahon ang plastic na iyon. Hibla ng buhok ni Jet iyon.

Isa ang hibla ng mga buhok na iyon sa makakapagpatunay nang wagas na pagmamahal sa kanya ni Jet. Isa iyon sa mga witness nila. May isang bahagi ng gilid ng buhok ni Jet ang hindi nito pinapagupitan at pinuputol. Palatandaan kasi ang buhok sa tagal ng hindi nila pagkikita. Ginugupit lang ang buhok niyon kapag pumupunta ito ng Pilipinas at siya lang ang maaaring gumawa noon. Ang hibla ng buhok ngayon ay ang huling pinutol niya mula sa pagdating nito ilang buwan na ang nakakaraan.

Isa ang mga araw ng muling pagbabalik nito na hindi malilimutan ni Aila. Iyon kasi ang unang beses na nahuli si Jet sa usapan nila. Ayon kasi rito ay niligaw ito ng mga kaibigan nito at sinabing malapit lang sa kinaroroonan ng mga ito ang Sienna College kung saan siya bagong nagtatrabaho. Iyon kasi ang unang beses ni Jet na makapunta sa lugar dahil kakalipat lang rin niya roon. Nakita niya ang pag-aalala at pagod sa mukha ni Jet dahil sa pagiging huli lang nito sa usapan nila. Ayaw nito na makitang naagrabyado siya. He always respected her. Gusto nito ay palagi siyang safe. Gagawin nito ang lahat para sa kanya. And she loved him so much because of that.

Alam ni Aila na magiging worth it kung ipaglalaban niya si Jet. Great love, naalala pa niya na minsang sinabi sa kanila ng Mama nito. Kaya ba niyang patunayan iyon? Kaya ba niyang lumaban para kay Jet?

Hindi na naman mapigilan ni Aila ang sarili na mapaiyak sa magulo niyang damdamin. At habang ginagawa niya iyon ay naramdaman niya na bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Sa tuwina, kapag alam niyang mahuhuli siya sa pagre-reminsce sa memorabilia nila ni Jet, ay mabilis pa sa alas kuwatrong nililigpit niya iyon. She was always been discreet. Pero ngayon ay tila ipinako siya sa lagay niya kahit malaki ang hula niya kung sino ang maaaring pumasok.

"You really fall hard for that guy..." malamig na malamig ang boses ng kanyang ama.

Nilakasan ni Aila ang loob at hinarap ang kanyang ama. Madilim rin ang mukha nito.

"You are officially engaged now, Aila. Nangako ka sa akin. Panagutan mo iyon. Tanggapin mo ang sitwasyon mo ngayon."

Umiling si Aila. "P-Papa... I'm really sorry. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Jet. I couldn't afford to leave him. I couldn't afford to hurt him because hurting him is also hurting myself, too." Sa wakas ay nahanap na niya ang tapang na kinakailangan niya. Kailangan niya iyon. Mahal niya si Jet. Maaaring huli na nang kaunti pero hindi pa rin tapos ang lahat. Gusto niyang maging matapang na ngayon dahil napagtanto niya na hindi niya kayang tanggapin na mabubuhay ito na wala ito sa piling niya.

Lumapit ang kanyang ama sa kanya. And the next thing he did, shock the hell out of her.

International Billionaires Book 4: Jet MartinezWhere stories live. Discover now