3

1.8K 82 3
                                    

HALOS isang taon pagkatapos ng pagbisita ay nakaalis na rin si Jet ng Safe Haven at naisama ng Doctora papunta sa Spain. Doon ay legal na inampon rin siya ng Doctora. Hindi naman nagbago ang pakikitungo sa kanya ng Doctora simula nang unang ampunin siya nito. Pinag-aral siya nito sa isang magandang eskuwelahan, ibinibigay ang lahat ng pangangailangan niya at sinusuportahan siya sa mga gusto niya. Mabait ito at kahit madalas na abala dahil sa trabaho. Pero naiintindihan niya ito. Para rin naman sa kapakanan ng mga tao ang ginagawa nito, sa mga pasyente nito. Balang araw ay magiging ganoon rin siya.

Lahat ng mga sakit na dinanas ni Jet sa malagim na trahedya na dinanas niya at ng pamilya ay nabayaran ng dahil sa pagdating ni Esperanza. Naging masakit ang pagtanggap sa pagkawala ni Jonathan pero iniisip na lang niya ang magandang buhay at simula sa piling ng Espanyolang Doctor.

Hindi rin naman nagbago ang pananaw ni Jet sa buhay kahit ilang taon na ang nakalilipas. Lalo pa nga siyang naging determinado na maging matulungin at maging Doctor dahil sa nakikita niya sa ginagawa ni Esperanza.

Naging masipag si Jet sa pag-aaral dahil nangarap siya nang malaki. Hindi naman siya nahirapan roon. Kahit nasa ibang bansa ay hindi nahirapan na maka-adjust si Jet. Mataas daw ang IQ niya kaya naging madali para sa kanya na makasabay academically. Palagi siyang nakakasama sa mga nangunguna sa klase. Isama pa na magaling rin siyang makasama. Nagkaroon siya ng mga panibagong kaibigan sa Spain. Naging maayos ang buhay niya roon.

Labing anim na taong gulang siya nang una niyang makitang umiiyak si Dra. Esperanza. Masiyahin ito kaya naman naging matindi ang pag-aalala niya nang makita ito sa ganoong kondisyon. Nilapitan niya agad ito at tinanong kung ano ang problema.

"We are a family, right? We are supposed to help each other. You can tell it to me, mama." Pamimilit niya rito nang tumanggi itong sabihin sa kanya ang problema.

Niyakap siya nito. "Oh, mi hijo, Jet... Its just someone from my past,"

"Means?"

"My first love, the love of my life, he died..."

"Oh!" hindi niya mapigilang mapakomento. Sa ilang taon na pagsasama nila ay walang sinoman na lalaki siyang nakita sa buhay nito. Iyon pala ay mukhang stuck pa rin ito sa unang pag-ibig nito. "I'm sorry to hear that."

"Le amo, Jet. He was the love of my life. But I can't have him. I lost him. And now, I won't even have the chance to be with me again."

"If you love him, why did you let him go?"

"Because its complicated. Its right to let him go. He came from a family that do arrange marriages and he was already engaged to someone before we met each other. I can't have him."

Jet felt sorry for his mother. Hindi niya alam na may ganoong pinagdaanan pala ito. Mahal na mahal rin siguro nito ang lalaki kaya hindi na ito nag-asawa pa na muli.

"But why didn't you fight for your love him?"

"Its not the right thing to do. He came from a well-off family. A political family. The girl he did marry was part of the bargain. He will do it for his family. It was for the betterment of his life and his family,"

Tumango-tango si Jet. Somehow, sa kabila ng edad niya ay naiintindihan niya ito.

"So I'm telling you now, Jet, if you would love someone, don't choose it to be complicated. It maybe a romantic one to have---like Romeo and Juliet---but in reality, it isn't. It was hard to endure. Especially if you really love that someone,"

Tumango-tango muli si Jet at napangiti. "Don't worry, Mama. I don't feel like doing the thing...yet. Heck, I can't even see myself being in love to someone,"

Pinindot ng ina ang ilong niya. "Its because you are still too young. And so determined to your studies and future career. Someday, you'll feel it, too. But can you promise me one thing, Jet? I want you to be a good boy always the way you are right now. Don't be a player. Make sure that if you will enter into a relationship, love her like she is the one you knew you are going to marry. That she is the one."

"I'll always be your good boy, Mama. You can hold on to me on that. I promise."

International Billionaires Book 4: Jet MartinezWhere stories live. Discover now