Prologue

32.8K 536 23
                                    

[Prologue: Our Start]

"Congratulations on your wedding, Anya and Brian!" masiglang bati ng stepmother ko kay Anya at Brian habang nagsasalita sa stage.

Napangiti ako habang iniinom ko ang wine na nakalagay sa mesa. Napakaganda ng wedding banquet na ito at halos lahat ng sikat na artista at businessman ay dumalo sa kasal nila. Medyo kilala kasi ang pamilya namin.

Napatingin ako sa kabilang table at nakita ang mga bagong kasal.

Ang taksil kong ex-boyfriend at ang malandi kong stepsister.

Imbis na mapangiwi sa pait ng wine ay napangiwi ako ng makita ko ang pagmumukha nila.

Ah, where should I start?

Well, nahuli ko lang naman silang gumagawa ng milagro...sa mismong kwarto ko. Sinabi nilang nalasing lang daw sila pero pinilit silang magpakasal ng stepmother at tatay ko dahil may nangyari na daw sakanila. Baka daw madungisan ang pangalan namin kung mabuntis si Anya pero walang aako sa anak nito. Ayaw daw nila mapahiya si Anya.

Pero ako okay lang mapahiya. Okay lang na ikasal ang boyfriend ko sa kapatid ko. Okay lang na pag-usapan ako ng mga tao at sabihin inabandona ako ng sarili kong kasintahan.

On a second thought, do I still need a cheater in my life? No, so maybe it's a good thing they got married.

Simula dati ako naman talaga ang tinuturing nilang 'black sheep' sa pamilya Arcena

"Alisha, are you enjoying the night?"

Dahil sa malalim na pag-iisip ay di ko namalayang nakalapit na pala sakin si Anya.

Akala niya siguro maiinis ako sa tanong nya. Kung gusto niya akong inisin kahit wag na siyang magsalita, kusa akong maiinis dahil sa pagmumukha niya.

Peke akong ngumiti at uminom ng wine.

"I enjoyed it. The wine is nice." sagot ko sakanya

Plastikan ba kamo? Expert ako dyan. My acting skills have always been the best.

"Cut your act, Alisha. Alam kong gusto mo na akong patayin ngayon. Lahat ng sayo, aagawin ko. Ako lang ang pwedeng maging tagapag-mana ng kompanya ng Arcena. Because I will always be better than my big sister!" wika niya

Hindi nya binanggit yun ng malakas at hindi rin masyadong mahina pero sapat na para matawa ako ng malakas.

Ang lakas naman ng confidence ng isang 'to. Nang-agaw na nga ng boyfriend pati kompanya gusto rin agawin. Edi, isalaksak nya sa bunganga nga. Pakialam ko sa kompanyang yun, tsaka ayaw ko sa lalaking taksil.

"Sorry, my little sister but the tradition says the heir of Arcena company will always be the 'Eldest child'. At ako yun. Anak ka na nga lang sa labas, magdedemand ka pa." kalmado kong wika bago uminom ulit ng wine.

Nakita ko ang mukha niyang nanggagalaiti sa galit at pinigilan ko naman ang pagtawa ko.

"Wag ka masyado uminom.Baka pag naglasing ka magwala ka pa sa mismong wedding banquet ko." paalala niya na may halong pang-iinis

"Mataas ang alcohol tolerance ko at lalong hindi ako magwawala." wika ko at nginitian siya

"Really? Can you drink this glass of wine without getting drunk?" tanong nya at binigyan niya ako ng isang baso ng wine

Hinahamon nya ba ako? Kinuha ko ang baso sa kamay niya at inubos ito ng isang lagukan. Nung binaba ko yung baso ay nakabalik na si Anya sa upuan niya.

Huh? What was that all about?

Mayamaya ay naramdaman ko n uminit ang pakiramdam ko at umikot ang paningin ko.

Sh*t, I've been drugged by that witch!

May aphrodisiac yung baso ng wine na binigay nya sakin! Isa yung drug na nagpapataas ng sexual desire ng isang tao.

Kailangan ko nang makauwi bago ako tuluyang tablan nung drugs. Paniguradong hindi ko makokontrol ang sarili ko pag may lalaking lumapit sakin.

Sobrang init ng pakiramdam ko!

Pinilit kong tumayo at tinahak ang daan papuntang elevator. Nasa isang hotel kasi ginanap ang wedding banquet.

Umiikot na ang paningin ko at pakiramdam ko ay matutumba na ako ng may biglang umalalay sakin.

"Young girls nowadays, drink alcohol more than their limited capacity
" wika nung lalaki

I'm not drunk, I'm drugged for pete's sake!

Binuhat nya ako dahil hindi ko na makontrol ang aking mga paa.

"Anong ginagawa mo? Ibaba mo ko!" sigaw ko

Lalong uminit ang pakiramdam ko nung maramdaman ko ang katawan niya.

Hindi ko maaninag ng husto ang mukha nya dahil naging blurred na ang paningin ko.

Wala ako sa sariling tinanggal ang butones ng polo niya. Hindi ko na mapigilan sobrang init na talaga ng pakiramdam ko.

Pumasok kami sa isang kwarto at inilapag niya ako sa isang kama.

Hinubad ko ang pang-itaas kong damit dahil sa sobrang init.Hindi ko na makontrol ang sarili ko!

"So hot! It's so uncomfortable!"angal ko

Naaninag ko na paalis na sana ang lalaki pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Don't go! Please, help me!" pakiusap ko sakaniya sobrang init na talaga ng pakiramdam ko

Hindi ko na alam kung anong ginagawa ko. I know I should jist go home but I can't control myself.

Hindi ko na kaya!

"You asked for it."

Yun lang ang huling sinabi niya bago ko maramdam ang pagpalapat ng labi niya sa labi ko.

------

Nagising ako ng maramdaman ko ang pagsakit ng likod at baywang ko. Pagbangon ko ay tsaka ko lang rin naramdaman ang pagkirot ng ulo ko.

Anong nangyari? Tsaka nasaan ako?

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang wala akong suot na damit at nakakalat iyon sa sahig.

Anong nangyari?! Wala akong matandaan sa nangyari kahapon. Maliban nalang dun wedding banquet at ang pag-drugged sakin ni Anya!

I can't remember anything.

Napatingin ako sa magulong bedsheet at ang amoy ng pabango ng lalaki na kumapit sakin.

But one thing is for sure. I slept with somebody.

Nagulat ako ng may pumasok sa pinto at iniluwa si Papa, and stepmother ko at si Anya.

Nanlaki ang mata ko at nagmamadali kong tinakpan ang katawan ko gamit ang kumot.

"Wala ka talagang kwenta! Isa ka kang malaking kahihiyan!" sigaw ni Papa at nagpakawala ng isang malakas na sampal sa mukha ko

"Sinabi samin ni Anya na umalis ka ng wedding banquet kasama ang isang matandang lalaki! Wala ka na ba talagang dignidad, Alisha?!" sabat naman ng stepmother ko

Kahit ayaw ko ay kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Bakit nangyayari ang lahat ng 'to?

"That's not true! Sinet-up ako ni Anya!" sigaw ko at sinampal naman ako ng stepmother ko

"At ngayon dinadamay mo pa ang kapatid mo sa maling ginawa mo?Simula ngayon di ka na parte ng pamilyang Arcena!" sigaw ni Papa at lumabas na sila ng kwarto

Binigyan muna ako ni Anya ng isang ngiti bago umalis.

Di na ako parte ng Arcena? Hindi ko alam kung bakit parang nabunutan pa ako ng tinik nang marinig ko ang salitang yun.

I really underestimated that scheming b*tch.

Hindi ka pa panalo, Anya.

Makakaganti rin ako sa lahat ng sakit na idinulot mo...

***

President's Wife, Don't Run Away!Where stories live. Discover now