Chapter 1

452K 7K 481
                                    

"Hi, Vince!"

Ngumiti siya sa isang kaklase na bumati sa kanya pagpasok sa isang malaking bahay. Punong-puno ng tao ang buong sala. Nasa gilid ang mga upuan. Pasyahan sa pagpapatugtog ang DJ sa isang tabi. The expensive marbled table was laid with liquors.

He should not have come. Hindi siya sanay sa ganito. Apat na taon din siyang umiwas sa ganitong sitwasyon. Pero dahil graduate na siya, napagpasyahan niyang paunlakan ang pag-aaya ng mga ka-batch niya.

Amelia, one of the popular girls of their batch, hosted the party. Nag-iisang anak ito ng isang buisness tycoon at isang former actress. They went away for the weekend and loaned her the house for the said party.

Katatapos lamang ng graduation nila kanina at karamihan ay sa party na dumiretso. It's been the talk of their school since January. Excited ang lahat sa party na ito. They even cancelled their plans with their own families just to be there.

One big final bash na nga raw kasi. After that, real world na. No more partying.

Tinanggap niya ang isang plastic cup na may lamang alak. Iniabot iyon ng kaklase niyang si Ashton.

"Overflowing drinks, p're!" nakangiti nitong sabi sa kanya.

He nodded and moved to the side. Labas-masok ang mga tao. May naghahalikan sa may hagdan. May naghahalikan sa sofa. May naghahalikan sa may pintuan. Kahit saan siya lumingon, may naghahalikan. Sa gitna ng sala ay nagsasayaw naman ang mga babaeng hindi niya mamukhaan. Napapalibutan ang mga ito ng mga lalaki sa party.

Some were grinding their hips to the rhythm of the music and their partners. Nailing na lamang siya.

"Hi! Vince, right?"

A girl in a sequined black dress approached him. Plunging ang unahan ng dress nito na parang kinulang sa tela. She's not wearing any bra, by the looks of it.

"Yes."

"I'm Carla!" pakilala nito.

Nakipag-kamay siya.

"I'm Junie!" singit ng isa. This one's wearing low-cut jeans and a cropped top.

"Hello," bati niya saka siya naglakad palayo.

Hinanap niya ang mga kabarkada niyang namilit sa kanya sa pagpunta. But in the sea of people, it seems impossible to find them.

--

"Here, babe!"

Pilit na ngumiti si Moira nang makita ang ka-date niya. Nasa pool side ito, may katabing babae. It's not that she minds. Hindi naman niya ito talagang gusto. She just went out with him because the party's not open to everyone. Kailangang kasali ka sa kaga-graduate na batch, o ka-date ka ng sinuman sa batch na iyon.

Good thing there was Drew, her neighbor. Medyo close niya ito kaya nang nag-aya itong dalhin siya bilang date ay hindi na siya nag-atubiling sumama. Isa lang naman ang dahilan kung bakit gusto niyang pumunta.

But there are too many people around. Mahanap kaya niya ito?

--

Doon na lamang sa veranda nagpunta si Vince. Marami pa ring tao. Parang sa lahat yata ng sulok ng bahay ay may tao. But at least, the people there weren't making out. Some are simply dancing. Ang iba naman ay tahimik lang kagaya niya.

He peeked at the pool area when it became noisy down there. May isang grupo ng mga lalaki na sabay-sabay na naghubad at tumalon sa pool. He groaned. Those are his friends. Mukhang nagpapatanggal ng tama ng alak ang mga ito. Pababa na sana siya para puntahan ang mga ito nang makita niya ang isang pamilyar na mukha.

The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon