Chapter 17

76.7K 1.1K 53
                                    

GEORGE

Tatanda na naman ako.

Dati-rati gusting-gusto kong tumanda.  Ngayong matanda na ako, gusto ko naming bumata.  Kung pwede lang sana mapako ang edad ko sa twenty-five.  Umaga pa lang nagmessage na sa akin si Chantal at Lois, tinatanong kung anong balak ko sa araw na yun.  Gusto ko sana umuwi kina tita at dalawin si Loopy.  Ang tagal ko na siyang hindi nakikita.  Sana lang nandito si Pavlo.  Alam kaya niya na birthday ko ngayon?  As his wife, dapat alam niyang birthday ko.  Pero paano naman niya malalaman kung hindi ko sinasabi?  Nagbihis muna ako para magjogging sa labas.  Kailangan kong magpapayat dahil sa mga Greek sausages na inalmusal ko ng mga nakaraang araw.  Buti na lang at wala si Pavlo, kundi magiging kasinlaki na ako ng aparador kakain ng mga niluluto niya.  Matapos magbihis, lumabas ako ng kwarto nagpaalam muna ako kay fish.  Napapangiwi ako tuwing tatawagin ko siyang fish.  Alam ko deep inside, gusto rin niyang magkaroon ng pangalan.

“Fish,” tawag ko sa kanya.  Bigla siya lumangoy papalayo sa akin.  See?  Ayaw niya ng pangalan niya.

“Ipupush kong magkaroon ka ng name, pangako yan.  Nag-iisip pa ako ng pangalang babagay sa’yo.”  Pero lumalangoy pa rin siya palayo sa akin.  Ano kaya ang babagay sa kanya?  Kakausapin ko pa sana si fish nang may nag-doorbell.  Sino naman kaya ang bibisita ng ganitong araw?  What if surprise ito galing kay sweetcakes ?  Pagbukas ko ng pintuan, isang surpresa nga.  The viper in flesh ang tumambad sa harap ko—si Cerena.

Tiningnan niya ako mula hanggang paa na parang pinupulaan ang damit ko.  Kapula-pula naman talaga ang t-shirt kong may picture ni bugs bunny at leggins.  Magjojogging ako at hindi rarampa sa park.

Tinignan ko rin siya mula ulo…mukhang paa!  Maganda lang pala siya ng malayuan.  Pag malapitan na, hindi na siya ganun ka-striking.

“Hi,” bungad niya sa akin, sabay taas ng kilay hanggang Mount Apo.

“Hi.”  Hindi ako papatalo.  Tinaasan ko rin siya ng kilay hanggang Mount Everest.

“Can I come in?”  Hindi niya hinintay ang sagot ko.  Sasagot sana ako pero, tinulak niya ng kaunti ang pinto at pumasok sa loob ng unit.  I stand akimbo in front of her.  Tinignan niya maigi ang unit namin.

“That is far enough, miss.”  I emphasized the word miss.

“If you are looking for my husband, he is not here.  He is on a business trip—”

“I know,” sagot niya at lumingon sa akin.  “I just wanted to know who he picked over me.  What could he possibly see in you?”Hindi ko gusto ang ngiti niyang may kasamang pangungutya.

“As far as I know, he liked his woman—tall and slim.” At tinignan na naman ang ako mula ulo hanggang paa.  Nakakababae na siya ah.  Nagpipigil lang ako.

“Maybe he changed his preference, especially when he met me.  Are your claws always out—or do you out them away at night?”  I gave her a dazzling smile.

“Clever girl, I must say.  By the way, did you know that we had SEX days before your so-called engagement?”  Nabigla ako sa sinabi niya.  Ayoko sanang isipin ang mga pinaggagawa nila noong magkaniig sila.  Inalala ko maigi ang mga oras bago ang engagement namin.  No wonder ilang araw siyang hindi nagpaparamdam sa akin.  Kasama pala niya ang alupihang dagat na nasa harapan ko.

“Oh,  that came as a surprise, huh?  Your husband and I—used to share something special.”  Talagang emphasized ang words na husband and I.

Kinalma ko ang sarili ko at ngumiti.  “Oh that is used to,” I shot back.  “That was way before.  I am really sorry.  Pavlo and I never wanted to hurt anyone.” I gave her a concerned look.

A Wife for a WhileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon