Chapter 48

18.6K 658 139
                                    

"Xord," nakangiting bati ng dalaga sa nobyo na ngayon ay nakaupo sa sofa.

Xord immediately raised his head to smile at her. Tinapik nito ang espasyo sa tabi ng sofa na inuupuan. Agad namang lumapit si Astreille sa lalaki bago ito yakapin nang mahigpit.

"Good evening! Bakit ka napadalaw?" tanong ng dalaga rito.

Hinalikan ng lalaki ang mga labi niya bago masuyong haplusin ang malambot niyang mga pisngi.

"I came here to see you. How's Miyuki by the way?" pangangamusta ng binata. Ngumiti naman nang matamis si Astreille.

"She's fine. Nagising siya kaninang tanghali, sabi niya okay naman na raw 'yung pakiramdam niya. But I told her to rest, 'saka ko na siya pagsasalitain tungkol sa mga lalaking 'yon kapag malakas na ang katawan niya. She must be traumatized because of that incident," malungkot na pagkukwento ni Astreille.

Tumayo naman si Xord sa pagkakaupo bago tanawin ang kwarto ng nobya sa itaas. "Those assholes are too excited to kill her. I wonder what happened to her," mahinang bulong niya.

Kinagat ni Astreille ang ibabang labi. Nag-aalala rin siya para kay Miyuki, alam niya kung paano lamunin ng takot ang sistema ng babae nang makita niya 'to sa daan. And Astreille doesn't want Miyuki to experience that kind of pain again. Kaya kailangan niya itong protektahan.

"By the way, baby--" Natigil sa pagsasalita si Astreille nang makita kung paano umangat ang sulok ng labi ni Xord sa narinig.

"So you're calling me baby now?" nakangising tanong ng binata sa kaniya.

She swallowed hard before answering. "Why? Is that bad? Y-You kept on calling me baby also, bakit ako bawal?" nakatungo niyang tanong.

Nilapitan siya ng nobyo bago siya yakapin nang mahigpit. "Nah. Masaya nga ako na tinatawag mo akong gano'n. So keep on calling me baby, I might smile more."

Napahagikhik ang dalaga bago yumakap pabalik. "Ngumiti ka na rin sa harapan nila kuya Ephraim at kila Teodore. Lagi kang nakabusangot kapag kaharap mo sila, ang saya kaya nila kasama."

Dumilim ang mukha ni Xord sa narinig, bahagya siyang lumayo sa nobya bago ito titigan nang masama. "You like being with them?"

"Yes. Kaibigan ko sila, e," inosenteng tugon ni Astreille.

"You're happier with them?"

"No!" Mabilis na umiling ang dalaga bago halikan ang pisngi ng lalaki. "Mas masaya ako kapag kasama ka, syempre. Ikaw ang mahal ko, e."

Xord smirked mischievously while kissing Astreille's neck. "It sounds good."

"What?"

"You, telling me you love me, it sounds good. It makes me happy." Mariing pinikit ni Xord ang mga mata habang hinahagkan ang nobya.

After years of waiting. His efforts are all worth it. Sa mga sakripisyo na ginawa niya, lahat 'yon ay sulit sa tuwing maririnig niyang mahal siya ng dalaga.

"I love you so much, Xord. I want to make you happy everyday, kapag ba sinabihan kita ng I love you araw-araw, lagi ka nang ngingiti?" pilyang tanong ng dalaga.

He let out a chuckle before caressing her cheeks. "Kahit minu-minuto pa."

Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga bago lumayo nang bahagya sa kaniya. "Wait, you told me you're going to introduce me to someone? Nag-text ka sa akin kanina?"

"I did?"

"Aww. You forgot?" nakangusong tanong ng dalaga.

Xord smiled before shaking his head. "Just kidding. Yeah, I'm going to introduce you to someone. I was actually waiting for his text. Dito ko siya pinapunta."

"Sinong ipapakilala mo sa akin?" excited na tanong ni Astreille sa kaniya.

Tumikhim muna ang binata bago sumagot. "My first love."

Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Astreille nang sabihin niya 'yon. "Y-Your first love?"

Ilang segundo pa ang lumipas bago tumango ang lalaki. He took the mirror on the table before facing it to Astreille. "Here. She's my first love."

Biglang bumusangot ang dalaga nang ma-realize ang sinabi niya. He chuckled when she hit his chest. "Kinabahan naman ako! Xord naman, e. Ano nga, sino nga?"

Xord tucked the strands of her hair behind her ear before smiling.

"My brother, Froze. He said he wanted to meet me before going to Korea. Gusto ko ring makilala mo siya."

Rumehistro ang saya at excitement sa mukha ni Astreille. "That's fun! You should have told me earlier! Halika, baka may gusto siyang kainin. Ipagluto natin siya."

"He'll just pass by. Saglit lang ang gagong 'yon. Hindi mo siya pwedeng lutuan," masama ang mukha na sabat ng binata dahil sa pagseselos.

"Xord naman parang ewan. Kapatid mo 'yon, bakit nagseselos ka na naman?" natatawang turan ni Astreille rito.

Xord was about to answer when they both heard a loud beep noise from outside. Maingat na inalalayan ng lalaki ang dalaga para isama sa labas.

When they opened the gate, bumungad agad sa kanila ang lalaking nakasakay sa motor habang tinatanggal ang helmet na suot.

"Ass hole, long time no see," nakangising bungad nito habang nakatanaw kay Xord.

Maingat na pinakawalan ni Xord ang baywang ng dalaga bago lapitan ang kapatid. "Bunso, kumusta ang pagiging tanga?"

Agad na sumama ang mukha ni Froze. "Anong bunso? Gusto mong ihagis ko sa mukha mo si Primo? Tangina, layas!"

Xord chuckled as he watch him get off from his bike. Nilingon ni Froze ang dalaga sa likuran, napansin naman 'yon ni Xord kaya agad niyang tinabihan ang dalaga.

"One of your flings?" Froze asked.

"Fuck you. I never had any flings in my whole life. She's my woman!" galit na singhal ni Xord.

Froze gave a laugh with that. "I clearly know how our mind works, I'm just testing you, kuya. By the way, hi there, I'm Froze Knights."

Malugod na tinanggap ni Astreille ang kamay ng lalaki bago ito ngitian. "Hi! I'm Astreille."

"Nice to meet you. You look gorgeous, I'm sure you'll be friends with my woman."

"Tinakasan ka nga, e. You'll fly to Korea because of Arrow, right? Nanghihina ka na ba Froze?" pang-aasar ni Xord sa kapatid.

Agad na sumama ang timpla ng mukha ng kapatid sa narinig. Nilingon nito ang nobya niya. "Break up with Xord, isa siyang insekto."

Natatawang tumungo na lang ang dalaga sa pag-aasaran ng kapatid.

She's happy whenever Xord's brothers are around. Kahit hindi aminin ng nobyo sa kaniya, masaya ito tuwing kausap ang mga kapatid niya. And Astreille always want to see the love of her life happy.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now