Chapter 5

22.6K 683 268
                                    

"Bye, Jez," nakangiting paalam ng dalaga sa kaibigan nang ihinto niya ang sasakyan sa apartment nito.

Jezreel kissed her cheeks. "Bye, sweet heart. Balitaan mo ako kapag nasa Bulacan ka na, ha? Text me from time to time, I need to make sure that you are safe."

Astreille giggled sweetly before hugging her bestfriend. "Ayana's waiting for you outside, look. And promise, mag-iingat talaga ako, master."

Her bestfriend chuckled with her tone. Ginulo nito ang buhok niya bago siya tapikin nang marahan sa balikat. Nilingon nito ang nobya mula sa labas ng sasakyan.

"I gotta go. See you tomorrow. Kailangan ko pang kumilos dahil may boyfriend duty pa ako," nakangising saad nito habang tinataas ang magkabilang kilay.

Astreille frowned with what she heard from Jezreel. "You are a girl, e, paano naging boyfriend?"

"I'm a girl, pero pusong lalaki, sweet heart," sabat nito habang nakaangat ang sulok ng labi. Jezreel just kissed her forehead gently before getting off from her car.

Hinintay muna ni Astreille na makapasok ang kaibigan sa apartment nito kasama ang girlfriend. Nang masigurong ayos na ang lahat ay pinaandar na niya muli ang sasakyan.

Buti na lang at hinayaan siya ng commander nila na umuwi nang maaga para magpahinga. Natapos na rin naman kasi niya agad ang trabahong nilatag sa kaniya kaya pinayagan siya nito.

She slept straight 3 hours dahil mahaba-habang byahe ang tatawirin niya para mapuntahan ang auntie niya.

She just sighed heavily before resting her back at the car's seat. This is gonna be a long ride.

TARANTANG napapreno si Astreille nang mabangga ang sasakyang lumiko sa harapan niya. She panicked when she saw how expensive that car is.

She looked around to see if there are other cars around them, pero madaling araw na kaya wala na siyang nakitang iba pang kotse sa paligid.

Kahit nanginginig ang mga kamay ay pinilit niyang bumaba sa kotse para tingnan ang pinsalang nagawa niya. Kung bakit ba naman kasi siya lutang habang nagmamaneho, hindi sana mangyayari 'to.

She took a step back when the owner of the car got off. Hindi niya makita ang mukha nito dahil bukod sa itim ang lahat ng suot nito, may suot din itong itim na mask na tumatakip sa ibabang bahagi ng mukha ng lalaki.

Napansin ng dalaga kung paano pagmasdan ng lalaki ang unang bahagi ng sasakyan nito kung saan may pinsala. Nang lumingon ito sa kaniya, agad na nagtama ang mga mata nila dahilan para panlamigan si Astreille.

Natulala siya habang nakatingin sa mga mata ng lalaki, magkaiba ang kulay ng mga mata nito na naghahatid ng takot at kaba sa kaniya.

Kahit nanginginig ang mga kamay ay pinilit niyang magsalita. Ilang beses niyang niyuko ang ulo. "S-Sorry po, sorry po t-talaga. Nagmamadali l-lang po talaga akong mag-drive. Pasensya na p-po."

He didn't answer, nakatitig lang nang malalim ang lalaki sa kaniya na mas lalo pang nagpalakas sa dagundong ng dibdib ng dalaga.

Ilang beses siyang napalunok. "Babayaran ko n-na lang po 'yung pinsala. S-Sorry po talaga, nagmamadali lang po ako kaya kailangan ko ng umalis. Ito po 'yung calling card ko, t-tawagan n'yo na lang po ako if may kailangan kayong ipagawa."

She handed him her calling card. Tinatagan niya ang kamay dahil ayaw niyang mapansin ng lalaki ang panginginig ng kamay niya.

Hindi pa rin sumasagot ang nasa harapan niya, wala na siyang nagawa kung hindi ang kuhanin ang palad nito at siya mismo ang naglagay ng calling card dito.

"S-Sorry po talaga, huwag ninyo po akong ipapakulong, please. Babayaran ko po talaga lahat ng gastusin sa pagpapaayos ng sasakyan. K-Kailangan na po kasing operahan 'yung tito ko," naiiyak na pagpapaliwanag niya rito.

Hindi niya alam kung nakailang hingi na siya ng tawad dito, ang importante ay makapunta na siya sa Hospital dahil kailangan na siya ng kamag-anak niya.

"Go."

Para siyang nanigas sa kinatatayuan nang marinig ang malamig na boses ng lalaki. Hindi nakapagsalita ang dalaga ng ilang minuto dahil sa takot.

"P-Po?" she managed to answer back.

"You can go," pag-uulit nito.

Napangiti si Astreille sa tuwa bago dambahin ng yakap ang lalaki. "Thank you po, thank you talaga."

Kumawala siya rito bago iyuko ang ulo. "Tawagan n'yo na l-lang po 'yung number diyan, ako n-na po lahat magbabayad sa gastusin. Pasensya na po talaga sa a-abala."

Hindi na muling sumagot ang lalaki kaya humakbang na siya papalayo rito. She immediately went inside her car. Sumakay na rin ang misteryosong lalaki sa sasakyan nito kaya napanata na ang dalaga. Muli niyang pinausad ang sasakyan para dumiretsyo sa Hospital kung nasaan ang auntie niya.

Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok ng puso niya habang inaalala ang lalaking 'yon. His presence can make someone faint.

Gusto niyang mahimatay kanina habang kaharap ito. His deep voice and his eyes, those are scary. Ngayon lang siya natakot nang ganito sa buong buhay niya.

Who's that guy?

"ATE Astreille!"

She opened her arms to welcome her cousin, Marie, for a hug. Napapikit siya nang mayapos ang bata. She miss her family so much because she's longing for this.

"Marie, kumusta ka? Anong nararamdaman mo ngayon?" naiiyak niyang tanong dito.

Pinunasan ng bata ang mga luha sa pisngi nito. "A-Ayos lang po, ate Astreille. Si inay po, siya lang naman po 'yung inaalala ko, pati si itay. Ayoko pong makita silang nahihirapan."

Nakangiting hinaplos ni Astreille ang buhok ng pinsan niya. "Magiging maayos din si papa mo, ha? Magtiwala ka lang, Marie. Atsaka nandito naman na ako. Ako na ang sasagot sa lahat ng bayarin ninyo, okay? Kailangan na lang nating magdasal para maging ayos ang papa mo."

Tumango si Marie bago siya yapusin muli. Astreille gladly accepted it before embracing her cousin. Alam niyang mahirap ang pinagdadaanan nito lalo na at bata pa lang naman si Marie.

Kailangan niyang ipalabas na malakas siya sa harapan ng mga 'to. Dahil wala na silang paghuhugutan pa ng lakas, kung hindi ang isa't isa.

---

Mag-u-update ulit ako mamayang hapon mga mahal. Good morning!

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon