Chapter 31

21.1K 689 148
                                    

"Ephraim, tell the boys to get ready. I'll just send Astreille home, I'll be back after."

Kinagat ng dalaga ang ibabang labi bago tumikhim. Nang matapos ang binata sa pakikipag-usap sa telepono, agad na lumapit si Astreille sa boss niya.

"B-Boss," she called his attention.

Umangat ang labi nito bago siya kurutin nang bahagya sa pisngi. "Na-uh, baby, call me Xord whenever we're alone."

She smiled awkwardly. "Xord. 'Yung about s-sa gagawin ninyo, puwede naman talaga akong tumulong," pangungumbinsi niya rito.

"No. I'll take you home, come on. You have to rest--"

"Sa bahay na lang ninyo gawin 'yung trabaho ninyo, dali na," mabilis na pagputol niya sa sasabihin ng lalaki.

"What?"

"Kasi, mas magiging komportable kayo sa pagpapahinga since may dalawa namang bakanteng kwarto roon. 'Saka marami ring laptop na puwedeng gamitin doon para magawa ninyo nang maayos 'yung trabaho ninyo. I can also help you guys if you need something, kaya s-sige na, pumayag ka na," Astreille pleaded him.

Ngumiti ang lalaki sa harapan niya bago siya halikan nang marahan sa pisngi. "How can I say no when your eyes are pleading? I don't want to turn you down, my baby."

She giggled a little, she can't wait to welcome her new friends inside her house. Paniguradong matutuwa rin si Marie dahil may mga bago siyang kaibigan na ipapakilala rito.

"Tara na, sabihin na natin kila Teodore. Tulungan na kita sa mga gamit mo," she excitedly said while grabbing his arm gently.

Natatawang umiling ang lalaki dahil sa aksyon niya. He carefully let go of her hand. "I can handle my stuffs. Come on, prepare your things. We're going."

Kagat labing tumango ang dalaga bago pumasok sa opisina niya. She carried her bag and the purple teddy bear before going out. Pumaskil sa mga labi ng lalaki ang isang pilyong ngiti nang makitang yakap yakap niya ang stuff toy na binigay nito.

Xord held Astreille hand before accompanying her inside the elevator. That teddy bear is quiet helpful, he inserted a microchip inside it so he can hear Astreille's words inside her office whenever he's not around.

Humigpit ang kapit ng binata sa baywang ng dalaga nang makita ang excitement sa mga mata nito.

Agad na bumitaw si Astreille mula sa pagkakahawak ng lalaki nang makarating sila sa ground floor. They immediately Teodore and the other three, they're about to ride the elevator but they saw them.

"Uy, boss. Akyat na ba kami sa office mo?" Kyel said while looking at them.

"I'll just send Astreille home. We can talk about it later," sagot ng binata.

"Ay, sige. Ingat kayo boss. Princess huwag kang didikit diyan kay boss kasi may lahing demonyo 'yan," Teodore joked around before sticking his tongue out to tease Xord.

Xord rolled his eyes in a manly way. "I'm just kidding. Come with us."

"Ha? Bakit boss?" takang tanong naman ni Greg sa gilid.

"Astreille told me that we can stay in her house for one night, so we'll be more comfortable. At alam ko namang mabababa ang resistensya ninyong lahat kahit wala naman kayong ginagawa, you guys needs to rest also. There are two vacant bedrooms inside her house. So, come on." Nakatulala lang ang apat na lalaki sa boss nila dahil sa mga sinabi nito.

Astreille just waved her hand to them before Xord pulled her away from the boys.

It's their first time hearing Xord exceed the limit of 10 words. Kung magsalita ito ay limitado lang, minsan nga ay iling at tango lang ang binibigay nito sa kanila.

He sounded calm also while talking to them. Lagi pa naman itong bwisit at galit sa mundo, pero ngayon, ibang iba.

"Feeling ko talaga may something sa dalawang 'yon na hindi nila sinasabi sa atin," Teodore said while grinning widely.

"E 'diba si Astreille na mismo tumanggi? Sabi niya wala namang something--"

Mabilis na binatukan ni Kyel si Greg. "Tanga!"

"Aray! Ba't ka nambabatok, may sapak ka ba sa utak o inggit na inggit ka sa kagwapuhan ko?" Greg exclaimed.

Kyel just raised his middle finger. "Sinong tao ang nagtatago ng sikreto tapos aamin? Malamang wala!"

"Pero paano kung assuming lang tayo, tapos wala naman talaga?" Greg added.

"Sayang, bagay pa naman sila Astreille at boss. Isang demonyo at isang anghel. Isang iyakin at isang mahilig magpaiyak, saan pa kayo," tumatawang sabat ni Teodore sa dalawa.

Ephraim just shook his head while grinning. "Mga chismoso. Sumunod na raw tayo doon, bilisan n'yo."

The three men relaxed their faces before following Ephraim. Nakarating sila sa parking lot kung saan nila natagpuan ang dalawang tao na abala sa pag-uusap.

Tumikhim si Ephraim para kuhanin ang atensyon ng dalawa.

Astreille immediately smiled at them before waving her hands. Nakangiting kumaway naman ang apat na lalaki sa kaniya.

"Drive Astreille's car, she'll come with me," Xord said before throwing Astreille's car key to Ephraim.

Natatarantang sinalo naman iyon ng binata dahil sa pagkabigla. "Bukas boss, paano pauwi?"

"Sumabay na lang kayo sa akin bukas. Besides, you can take a rest for tomorrow. Consider it as one day day off." Sumisipol na napatalon ang tatlong lalaki nang marinig 'yon.

"Ephraim, go straight to Astreille's house. Wait for us there, dadaan muna kami sa grocery para bumili ng stocks. I know that you guys are a bunch of hungry wolves." Lumingon si Xord sa dalaga. "Astreille, let's go."

Astreille flashed a sweet smile before waving goodbye to the four guys. "Ingat kayo! Ba-bye!"

"Bye princess! Huwag ka masyadong lalapit kay boss, ha! Baka mahawa ka ng kasamaan niya!" nakangusong sigaw ni Teodore.

The girl just let out a giggle before riding Xord's car. Hinintay na lang ng apat na lalaki ang pag-alis ng mga 'to bago bumaling sa kotse ng dalaga.

"Tara na mga tanga, baka mamaya imbes na sila 'yung hintayin natin, tayo pa ang hintayin nila. Another pasa na naman from Xord Knights," tumatawang sabi ni Greg.

Ephraim shook his head while laughing. Kahit kailan talaga ang mga 'to.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon