CHAPTER 3

353 11 7
                                    

🦋🥀

LANNA AURORA

TAHIMIK KONG pinagmamasdan ang mga bulaklak dito sa may likod ng bahay. Alas-otso pa lang ng umaga. Katatapos ko lang maligo kaya narito ako sa labas at nagpapa-araw. Sariwa ang hangin kaya madalas kong ginagawa ito. Maganda ang lugar kung saan kami nakatira. Tahimik dahil malayo kami sa siyudad. Maraming bulaklak sa paligid. Madalas, nakikita ko si Birghiva na dinidiligan ang mga bulaklak na ito. Tumingala ako at nilanghap ang sariwang hangin. Ilang saglit pa ay idinilat ko muli ang aking mata at tinanaw ang mala-paraisong tanawin.

Maya-maya pa ay may nakita akong kulay asul na paru-paro. Nag-iisa lang ito. Katulad ng mga bulaklak, napakaganda rin nito. Sinusundan ko ito ng tingin habang palipat-lipat sa mga bulaklak.

"Ang ganda!" Bahagya akong yumuko at tinitigan ang paru-paro. Akmang hahawakan ko sana pero lumipad din ito agad. Napa-nguso ako at hinayaan na lang.

Nagdesisyon akong bumalik na sa loob. Pero bago 'yon ay may narinig akong kaluskos. Napalingon ako sa aking likuran. Kumunot ang aking noo sa aking nakita. Isang itim na pusa ang naka-tingin ngayon sa'kin. Mataba at magka-iba ang kulay ng kanyang mga mata. Ang isa ay kulay kahel at ang isa naman ay kulay asul. Ang cute!

Nilapitan ko ito sabay luhod. Nakatingin lang ito sa'kin. Parang nanghuhusga. Hindi man lang ito umatras o tumakbo. Pero nakita kong gumalaw ng bahagya ang buntot nito.

Napa-isip ako.

Sino kayang may-ari sa pusang ito? Naligaw kaya? Ngayon lang kasi ako nakakita ng pusa rito sa bahay.

"Hello–" Napasinghap ako ng tumaas ang ulo nito at nilagpasan ako.

Nabitin sa ere ang kamay ko. Hindi ako mapaniwala na ini-snob ako ng isang pusa. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at sinundan ito ng tingin. Papasok ito sa bahay habang maarteng naglalakad.

"Uy, bawal kang pumasok diyan!" Dali-dali ko itong hinabol. Baka magalit si Birghiva!

Pagkapasok ko sa loob ay napatigil ako. Hawak na ni Birghiva ang itim na pusa habang hinahaplos-haplos ang katawan nito. Napatingin silang dalawa sa'kin.

"What?" Tanong ni Birghiva sa'kin habang nakataas ang kilay.

Umiling ako habang palipat-lipat ako ng tingin sa kanya at sa pusang hawak niya.

"Ikaw ba ang may-ari... sa kanya?" Sabay turo ko sa pusa. Hindi niya 'ko sinagot at ibinaba ang pusa. Agad itong tumakbo paakyat.

Umupo si Birghiva sa sofa at kinuha ang mga libro na nasa tabi niya. Kumuha siya ng isa at nagbasa. Nakatayo lang ako sa tapat niya.

"He's Gustav. My cat." Tumango-tango ako.

"Ang ganda po ng kulay ng mga mata niya."

"Of course. He's unique." Sagot niya sa'kin.

Tumango ako ulit.

"Ngayon ko lang po siya nakita rito sa bahay."

"Obviously." Hindi na 'ko sumagot at ngumiti na lamang. Alam ko namang hindi niya 'ko gustong kausap.

Dahan-dahan akong tumalikod upang umakyat sa aking kuwarto. Pero bago 'yon at narinig kong tinawag ako ni Birghiva.

"Bakit po?"

Chase Of A FallenWhere stories live. Discover now