CHAPTER 1

443 21 7
                                    

🦋🥀

LANNA AURORA

"HI LANNA!" Napatalon ako ng biglang may sumulpot sa aking harapan.

Si Trevor.

Taga-bayan siya at lagi na lang nagpapalipad hangin. Alam ko naman ang ibig-sabihin ng mga paglapit-lapit niya sa'kin. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na may asawa na 'ko pero ayaw niyang maniwala. Sa totoo lang ay na-iinis na 'ko sa kakulitan niya. Hindi na 'ko natutuwa.

Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit. Ayoko namang maging bastos at itaboy siya. Pupunta kasi ako ngayon sa palengke para bumili ng mga rekado sa lulutuin ni Birghiva mamaya. Ako ang inuutusan niya lagi. Samantalang nasa trabaho niya si Devian kaya kaming dalawa lamang ang magkasama ngayon sa bahay.

"Hello. Excuse me," Lalagpasan ko sana siya pero hinawakan niya bigla ang braso ko. Kumunot ang noo ko. Umatras ako kaya nabitawan niya ako.

Mabuti naman!

"May kailangan ka ba? Nagmamadali kasi ako." Sabi ko sa kanya.

Ngumisi lang siya sa'kin at itinaas ang dala-dalang cassava cake. Wala man lang akong reaksyon.

"Ngumiti ka naman sa'kin, Lanna. Ang ganda-ganda mo sobra." Nangilabot ako ng makita ko ang gilagid niya. Parang gusto ko ng tumakbo palayo. "Nga pala, dinalhan kita nito oh. Tanggapin mo sana." Itinapat niya sa mukha ko ang kahon ng cassava cake. Wala siyang palya sa pagbibigay sa'kin ng kung ano-ano. Kung titingnan mo ang lalaking ito, hindi mo aakalain na marami siyang pera. Ang sabi niya sa'kin, Chairwoman daw ang ina niya sa may bayan. Akala niya yata ay madadala niya 'ko sa mga sinabi niya. May pagka-mayabang kasi itong si Trevor. Ang gwapo ng pangalan pero ang mukha niya–never mind.

Umilag ako habang nakakunot pa rin ang aking noo. Bahagya akong nakaliyad para iwasan siya. Hindi ba niya makita na hindi ako interesado sa kanya?

Tumuwid ako ng tayo at huminga ng malalim. Nagdadalawang isip ako kung tatanggapin ko ba ang binibigay niya sa'kin.

Sa huli, tinanggap ko rin ang bigay niya.

"S–Salamat. Kailangan ko ng umalis, Trevor. Nagmamadali kasi ako." Dali-dali akong naglakad paalis at iniwan siya roon sa may tapat ng bahay. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Dire-diretso ako sa paglalakad. Laking pasasalamat ko na hindi na siya sumunod sa'kin. Dahil kung hindi, baka mapilitan akong sumakay ng tricycle, ma-iwasan lang siya.

Napatingin naman ako sa hawak-hawak kong box. Hay. Nagkaroon pa tuloy ako ng isa pang bitbitin.

Medyo malayo-layo pa ang aking lalakarin pababa sa bayan. Ganito lagi ang gawain ko. Ang maglakad. Nasanay na rin kasi ako. Tsaka, masarap at sariwa ang hangin. Kapag pa-uwi lang ako sumasakay ng tricycle dahil mahal ang singil nila. Trenta ang isang tao. Nanghihinayang kasi ako. Exercise ko na rin ito.

Habang naglalakad ako ay may napansin akong babae na naka-upo sa gilid ng kalsada at nakayuko. Napatigil ako at pinagmasdan siya ng mabuti. Tumingin-tingin ako sa paligid. Kami lang dalawa ang tao. Lumapit pa 'ko ng kaunti. Hindi siya umiiyak at naka-subsob lang sa tuhod niya. Napansin kong sobrang puti niya. Payat at ang kanyang buhok, kulay ginto. Para siyang kumikinang sa ilalim ng sikat ng araw. Naka-puting bestida pa siya katulad ko. Dirty white nga lang ang kulay ng sa'kin at medyo mahaba.

Chase Of A FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon