CHAPTER 2

387 16 9
                                    

🦋🥀

LANNA AURORA

NAGISING AKO ng may maramdaman akong humahaplos sa aking buhok. At sa pagdilat ng mga mata ko, nabungaran ko si Devian. Bahagya siyang nakatungo sa'kin. Ng makita niyang nagising ako, tumuwid siya ng tayo at umupo sa kama.

"How's your sleep?" Tanong niya sa'kin. Napatingin ako sa may bintana. Nakita kong madilim na sa labas. Hindi ko namalayan na napahaba na pala ang tulog ko.

"Listen to me! Hindi ka sasama sa kanya!"

"Hindi ko alam ang sinasabi mo–"

"Meus es tu! Tu tantum meum, Aurora!"

Bigla akong napatingin kay Devian ng maalala ko ang eksena na nangyari kanina bago ako mawalan ng malay.

"Devian..."

"Hmmm?" Sinilip ko muna siya. Baka kasi galit siya sa'kin dahil sa ginawa ko. Kapag naaalala ko ang mga mata niyang namumula dahil sa galit ay natatakot ako sa kanya.

"Galit ka ba... sa'kin?" Yumuko ako ulit at nilaro-laro ang dulo ng kumot na nakapatong sa'kin.

"Bakit ako magagalit sa'yo?" Nag-angat ako ng tingin sabay ngiti.

"You're not mad?"

"Yeah."

"Talaga? Salamat!" Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Akala ko talaga galit ka sa'kin. Kanina kasi eh, sobrang higpit ng hawak mo sa braso ko. Tapos... sinigawan mo pa 'ko." Sabay nguso ko.

"What are you saying Aurora? Wala akong matandaan na sinigawan kita." Napabitaw ako sa kanya at tiningnan siya. Nagtataka.

"H–Huh? Pero... sinigawan mo 'ko kanina! May sinabi ka pa nga na hindi ko naintindihan." Kumunot ang noo niya at parang iniisip kung may sinabi siyang ganoon sa'kin. Pero, hindi. Nangyari ang mga iyon kaninang umaga. Tanda ko pa.

"Were you dreaming?" Napaatras ako at nagtataka siyang tiningnan. Nagbibiro ba siya?

"Hindi, Devian. Totoo ang sinasabi ko. Kaninang umaga–" Natigilan ako ng ilapat niya sa labi ko ang isa niyang daliri. Umusog siya palapit sa'kin at hinalikan ang kaliwang balikat ko. Biglang uminit ang pakiramdam ko ng gawin niya 'yon sa'kin. Sa sobrang init ng labi niya, halos matunaw ako. Ito ang unang beses na hinalikan niya 'ko sa ibang parte ng aking katawan.

Pagkatapos ay hinawakan niya ang aking pisngi at tinitigan ako sa aking mga mata. Hindi ko alam pero parang nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Parang saglit itong naging kulay dugo at naging abo ilang segundo lamang.

"That was just a nightmare. Sa sobrang haba ng tulog mo, nanaginip ka. Let's eat?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na ibaba ang tingin sa kanyang labi. Mapula at maganda ang labi ni Devian. Pero, kahit asawa niya 'ko, kahit isang beses, hindi niya pa 'ko nahahalikan sa labi. Hindi ko rin matandaan na ikinasal ako sa kanya. Nagising na lang ako at nagpakilala siya sa'kin na asawa ko raw siya. Ang sabi niya, naaksidente raw ako at nagkaroon ng amnesia. At sa hindi malamang dahilan, naniwala ako agad sa kanya.

"Wife?" Napakurap ako ng bigla niya 'kong tawagin. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala siya harapan ko at nakalahad ang kaliwang kamay niya sa'kin. Napalunok ako at tinanggap iyon. Dahan-dahan niya 'kong hinila patayo at magka-hawak kamay kaming lumabas ng kuwarto. Medyo magulo pa ang aking buhok at wala rin akong sapin sa aking paa. Ang lamig pa naman ng sahig. Pinagmasdan ko siya habang hila-hila niya 'ko. Matangkad at maganda ang pangangatawan ng aking asawa. Kahit sinong babae yata ay mahuhumaling sa kanya. Pero kahit asawa niya 'ko, hindi ako nababaliw sa kanya. Normal naman iyon hindi ba? Itim na itim ang buhok niya at sobrang ganda ng kanyang tindig. Minsan, gusto ko siyang tanungin kung paano kami nagkakilala pero kapag nagtatanong na 'ko sa kanya, iniiba niya agad ang usapan.

Chase Of A FallenWhere stories live. Discover now