[24] Be Your Everything

50K 648 68
                                    

Yung mga mahilig manghingi ng UPDATES jan at yun lang ang tanging alam i-comment kayo na po next time ang magsulat at mabagal ako pasensya. Sa mga nakakaintindi na hindi madaling mag-isip ng kwento. Maraming salamat. Yey! <3 7 pages siyaa~ hihi. 

Sa mga tunay na supporters ng story na ito sa inyo lang po ako hihingi ng tawad, sorry mabagal update ha? nahihirapan din kasi ako mag-isip para dito eh.

______________________________________________________

Reino's POV

Ikinuyom ko ang kamay ko. We needed to talk. Rain and I. This drama has been lasting for far too long now. Naglakad ako patungo sa kung nasaan siya.

And my heart beated erratically as I saw her standing...pero---

"Bakla ka! Bakit ka umiiyak? istorbo ka sa pag-eemo ko asan ka ba?" nagaalalang tanong nito, then she turned around at namataan niya ako. It looks like she was so worried about the person on the other line.

"Sige pupunta kami jan"

Kami? she says?

"Oo wag kang mag-alala! papunta na kami nakuuu ka! Tawagan mo na din si Ran dali! Gimmick nalang tayo ha? O siya tahan na wag ka ng umiyak nakakapangit yan!"

I looked at her with questioning eyes after her phonecall

"It was Lena" sabi nito, great! wala na ang dramatic atmosphere naming dalawa.

"What happened?" I asked at naningkit ang mga mata niya

"Eh ano pa nga ba? eh di yung magaling na kaibigan mo nanamang si Aston! kuuu talaga makakalbo ko ang lalaking yun! Bakit ba kayong mga lalaki ang hilig niyo manakit ng mga babae ha?" anito

"Wow ah! parang kami lang ha? Eh kayo ngang mga babae eh mandurog kayo akala niyo wala kaming feelings!" I retorted at nagsukatan kami ng tingin. Ano nanaman? oo sabi ko mag-uusap kami pero heto nanaman kami nagtatalo. Eh paano kasi....ah basta!

"Bakit sino ba ang nauuna?!" balik tanong niya sa akin

"Pwede ba Rain? ceasefire muna tayo ha? kahit ngayon lang? puntahan na natin yang kaibigan mo at baka kung ano'ng gawin niyan eh parehas pa mandin kayo." sabi ko

"Parehas na ano?!"

"Wala! Tara na nga!" sabi ko lang sa kanya saka ko hinigit yung kamay niya

"O! Bakit ka nanghahawak ng kamay? May pagnanasa ka sakin noh?" pagtataray nito, naihilamos ko lang ang kamay ko sa mukha ko

"Kamay lang? pagnanasa na agad? agad agad? wow ha?"

"Oo nga pala! aanhin mo naman ang kamay ko eh may Titania ka naman" she harrumphed

"Titania ka ng Titania! Ikaw yata may gusto sa ate ko eh, yung totoo Rain? Tapatin mo nga ako! Tomboy ka ba?" sabi ko sa kanya

TFMO 3: Chasing FatesWhere stories live. Discover now