o8

19 0 0
                                    

...ayokong mapahamak ka.

Pagkasabi nya nun, tumingin sya sa akin. Matagal-tagal rin kaming nagkatinginan tapos bigla na lang syang tumawa ng malakas. Nakaka inis! Kala ko pa naman talaga sya parin yung dati na mabait at di pala pintas. Kala ko pa nga dati bakla si Zen ehh. Paano ba naman mas astig pa kong gumalaw sa kanya. Pero as I see now? He did changed.

Di parin sya tumigil sa kakatawa kaya tinapunan ko ng corn chips at nashoot sa bunganga. Nagchoke naman siya. 

Buti nga sayo!

Tumayo na ako nun at kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng Convenience Store. Pagtingin ko sa labas ang lakas ng ulan. Sobra! Napaka bad timing naman oh.

Jara I'm so-

Napatigil siya sa pagsasalita at nakatingin lang siya ng diretsyo. Hindi ko alam saan siya nakatingin pero nakikita ko na malungkot ang kanyang mga mata.

May waiting shed sa tabi nung Convenience Store kaya dun na lang kami nagpalipas. Habang tumatagal kami dun lalong lumalakas ang ulan at kumokonti ang mga tao at sasakyan na dumadaan.

Napatingin ako sa cellphone ko at nakitang walang message ni tawag. Napatingin rin ako sa oras, 7pm palang. Ang bagal ng oras pagumuulan.

Have you ever wondered why people are sad if it's raining?

Nagulat ako nung bigla na lang syang nagsalita at nagtanong. Hindi ko naman alam anong sasagutin. Sa States kasi kung umuulan man masaya parin kami. Patuloy lang sa mga ginagawa. Madalan rin umulan dun, snow pa parati.

Have you ever tought there's someone for you behind this crowded world?

Of course, depende na lang kung hahanapin mo siya o hindi.

But what if I already found her, pero feeling ko hindi ako yung "right one" niya?

Is he talking about Diane? Sa tono niya parang oo. Kung hindi ko siguro alam na sila magiging curious talaga. But what the heck? I heard about it all.

Paano mo naman masasabi na hindi siya ang "right one" kung sinagot ka niya dba?

Napatingin siya sa akin na para bang may alam ako sa kanila ni Diane. Meron naman talaga eh. 

Tama nga ako. Nagchuckle siya. Tama na sa alin? Ikaw nga yung nakita kong palayo sa room 302 kahapon. 

Napa upo ako ng maayos ng di-oras nun. Nakita niya pala ako? Paano? Kailan? Ba't di ko napansin? Ba't di niya ako sinita? 

Sana kung ano man yung narinig o nakita mo, ilihim mo na lang. Alam kong bestfriends kayo nila Mitch pero sana kahit ito lang eh di mo sabihin sa kanila. Maasahan ko ba?

Inabot niya ang kamay niya, a sign of shaking his hands perhaps. Tiningnan ko lang ito pero syempre tinangap ko. 

Pagabot ko sa kamay niya, may bigla na lang tumunog. Ang tugtog pa nga eh Jeepney ng Spongecola. Binitawan niya ang kamay ko at umabot sa bulsa niya. Cellphone lang pala niya. 

Hello D? Yes. I'm here at the Convenience Store. Waiting for the rain to stop... I know I know. Don't worry I'll go home when the rain stops. I will D, I will. Okay. You keep safe too. Love you!

Habang kausap niya si Diane sa phone nakatingin lang ako sa kalsada, napaka tahimik na at ang naririnig ko na lang eh ang mga luhang binubuhos ng ulap at ang boses ni Zen. 

Di ka ba magpapasundo?

Dad and Mom isn't home. They went to Bora for my cousins birthday.

Wow! Rich. Tiningnan ko siya ng masama. Ayaw na ayaw ko talaga na sinasabihan ako o ang family namin na mayaman or whatever. Sorry. Sorry.

Bigla naman nagvibrate ang phone ko at pagtingin ko, text message from Chloe.

Sender: CHLOE<3

Hey girl! how's first day of work with Mr. Arrogant? txt me okay?ü

Ito talaga si Chloe ang tingin kay Zen, arrogante. Sabagay, minsan yun talaga ang image niya eh. Pero I guess kung kikilalanin mo siya ng husto okay naman siya, pilyo nga lang at times. 

Kung di ko siguro to kababata, sinuntok ko na to. Pero ang malaking tanong bakit nga ba natigil ang communication namin sa kanila? Ewan ko ba. Matanong ko nga minsan si Mom.

Mag aalas otso na Jara. Di ka pa ba uuwi? Kung maghihintay pa tayo na matapos ang ulan baka abutin pa tayo ng bukas dito. Gusto mo ha-

Ligo tayo sa ulan Zen.

ZENSITIZED (c)vainballerinaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें