Chapter 2

490 14 5
                                    

AVILAH

KITA ko ang kanilang gulat sa kanilang mukha. Hindi nila inaasahan na isang tulad ko ang susulpot sa lugar na ito.

"Eh, ano naman kung babae ako?" tanong ko.

"Hoy Kendrick! Nagdala pa talaga kayo ng babae n'yo!" sabi ng isang lalaki na mukhang lider ng mga nakasibilyan.

"Hindi ko kilala 'yan." sagot naman ng tinawag nitong Kendrick.

Nilingon ako nung lalaki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa."Edi sino 'yan?" takang tanong nito.

Hindi ko pinansin ito at tumalikod na, pero hindi pa ako nakakalayo nang may humbalot sa braso ko.

"Ano ba?" inis kong tanong sa lalaking pumigil sa akin.

Ito yung lalaking sinigawan ko kanina, paano na kase tatanga-tanga.

"Akala mo papatakasin kita? Hindi, lalo na may nakita ka." madiin na pagkakasabi nito.

"Hindi ako magsusumbong, huwag kang mag-alala.Kaya bitawan mo ko." paninigurado sa lalaking ito.

Imbes na bitawan ay mas diniinan nito ang hawak sa braso ko.

"Do you think I will believe you?"

Napairap ako."Hindi ko naman sinabi na maniwala ka. Bitaw!" sigaw ko at pilit na bumibitaw sa hawak nito.

Hindi ko namalayan nakalapit na ang iba sa amin, doon ko nakita ang mga itsura nila na puno ng mga galos.

"Miss, ang tulad mo hindi dapat nasa ganitong lugar." sabi ng mukhang lider ng kabila."Ano bang ginagawa ng isang tulad mo rito?" tanong nito at akmang hahawakan nito ang mukha ko ay agad akong umiwas.

"Don't touch me!" naiinis na sigaw ko."Tsaka ano bang pake n'yo kung nandito ako? Napadaan lang naman ako." sabi ko.

"Kilala mo kami 'no?" tanong nitong lalaking may hawak sa akin.

Napairap naman ako."Hindi ko kayo kilala.Hindi naman kayo sikat para makilala ko."

"Pakawalan mo na,Axcel." sabi ng kasama nito.

Sakto naman na nag-ring ang phone, binitawan ako nang may hawak sa akin kaya nasagot ko ang tawag.

"Where are you,Avi? Nag-aalala na sa'yo sila Mommy!"

Mariin akong napapikit nang marinig ang sermon ni Kuya Lance, hindi ba pwedeng "hello" or "hi" muna.

"Kuya, pauwi na ko. Traffic lang." pagsisinungaling ko.

Talaga ba, Avi? Eh, naipit ka nga sa away ngayon eh. Ano bang pumasok sa utak ko at nakichismis pa ko.

"Traffic? Kanina pa sinabi ng driver na magcocommute ka.Anong oras na oh!"

"Oh,kuya kalma."

Sige inisin mo pa

"Sinasabi ko sa'yo,Avi. Nextime hindi kana makakalabas.Please, umuwi kana."

Avilah And The Worst Section [EDITING]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz