Chapter 6

24 2 0
                                    

AVILAH

NAPAG-USAPAN namin nila Kyolo na magvideo-call, ngunit sa gc lang naming tatlo nila Jax. May gc ang Section 10, pero gusto ko malaman ang pinag-usapan nila Jaren at Axcel kanina kaya gumawa kami ng gc na kaming tatlo lang nila Jax at Kyolo ang makakapag-usap.

Napakamot ako sa aking ulo ng makita ang name ng groupchat. Ano ba ang naisipan ni Kyolo at ganito ang pangalan. Ano ba aasahan mo,Avi. Si Kyolo yan eh.

"Avi, malalagot kami neto eh!"

Napairap ako sa sinabi ni Kyolo pero may tama rin naman s'ya. Kakapasok lang nito sa video call ay agad na itong nagrereklamo, napakamot na lang sa kanyang ulo si Jax.

"Sabihin n'yo na. Dali!" hindi ko pinansin ang reklamo nito.

"Avi, siguraduhin mo na hindi kami masisisi, ha? Baka masapak kami ni Axcel." dagdag pa ni Jax.

"Oo!Oo na! Sagot ko kayo, jusko takot na takot kayo sa mokong na yon." natatawang sabi ko.

"Bakit ba curious na curious ka pinag-uusupan nila. Dapat si Jaren na lang kinakausap mo."

Napakamot ako sa aking ulo. Hindi ko nga pala nakwento sa kanila na hindi kami okay ng pinsan ko.

"Hindi kami okay ni Jaren. Hindi n'yo ba nahahalata, ang init ng ulo sa akin tsaka obvious naman nung first day palang." sagot ko at konportableng sumandal sa aking gaming chair.

"Naku po! Hindi lang pala kay Axcel kami lagot,pati na rin kay Jaren." agad na nagsalita si Kyolo at mukhang problemado ang mukha."Avi, yung sinabi mo ha?"

Agad ko itong sinenyasan na tumigil."Tulad ng sinabi ko, sagot ko kayo. Tiwala lang mare." pangungumbinsi ko pa.

Maski ako hindi ko alam ang gagawin. Inuuto ko lang sila para magkwento, pero ako pa rin bahala sa kanila kahit maski ako ay lagot kay Axcel at Jaren.

"So, yun nga matagal ng may alitan ang Section 10 at grupo nila Ronald. Iyong leader kasi nila na na-expelled, si Axcel ang may dahilan. Kaya itong sila Ronald, naghamon ng away at nagrerevenge kay Axcel." panimula ni Jax habang may ginagawa na kung ano. Pare-pareho kaming tatlo na nakaharap sa computer, halata naman ito sa set-up."Eh mga talaw naman 'yong mga yon, nagtawag ng galing sa ibang school. Kaya minsan ayaw namin siputin eh, madumi maglaro ang gago." gigil na sabi ni Jax at saglit na sumulyap sa amin.

"Bakit ba hindi pa matapos-tapos yung laban niyo, akala ko ba malakas kayo?"

"May sumingit kasi noong last na ayaw, ending pinagpaliban na lang. Thank you—" nanlaki ang mata ni Jax at agad na tinakpan ang bibig. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Nag-thank you s'ya. Pero sa akin?

Napatingin ako kay Kyolo na masama ang tingin sa amin...kay Jax? Pero ano raw? Bakit sakin nagpapasalamat 'to? Nandon ba ako, eh Hindi ko nga—

Wait?

"Tanginamo, headlock ka sa'kin!"

"Ang hihina n'yo mga bobo!"

"Hayop ka! Mang-aagaw!"

Avilah And The Worst Section [EDITING]Where stories live. Discover now