Chapter 13

21 1 1
                                    

AVILAH

HALOS nasa dalawangpung kalalakihan ang aking nasa harapan ngayon. Mga nagsusugal at kung ano-ano pang ilegal na ginagawa.Nagising ako ay nakatali ang aking paa't kamay at naka-tape ang aking bibig. Sumulyap ako sa butas na bahagi ng lugar, madilim na sa laaba at mukhang malayo ang lugar na ito sa tabing kalsada.

Nangangalay na ang aking batok at nangangati na ako. Bukod sa may mga nakatambak sa loob ay malamok din. Bumukas ang malaking pinto, napaayos ang lahat at tumayo.

"Boss, gising na yung babae." sabi ng isa na tinutukoy ako.

Nanliit ang aking mata, habang palapit sa akin ang lalaki na tinatawag nilang boss. Bumungad sa akin ang lalaking mahaba ang buhok, kasama nito si TJ na hindi makatingin sa akin.

"TJ!" sigaw ko kahit naka-tape ang aking bibig."Tangina mo!"

"Tanggalin mo nga yung tape."utos ng boss sa isa.

Lumapit ang inutusan nito at tinanggal ang tape sa akin, malakas akong bumuga sa hangin sa sobrang init ng aking bibig. Nilapitan ako ng boss at hinarang aking panga.

"Eto ba bagong babae ni Suarez?" tanong nito.

"Oo." sagot ng gagong TJ.

Agad akong umangal."Gago kaba? Hindi ako babae ng lalaking 'yon!" sigaw ko.

Humigpit ang hawak nito sa aking panga." Eh ano? Girlfriend?" ngumisi ito na parang aso.

Iniwas ko ang aking mukha ngunit mas malakas ito sa akin.

"Hindi! Hindi ko papatulan 'yon!" sagot ko.

Malakas na binitawan ng lalaki ang aking panga at tumayo. Kumuha ito ng sigarilyo at nagsindi tsaka umupo sa sirang sofa na malapit sa akin.

"Palaban bagong babae ng gagong 'yon ah." aniya nito at sumulyap sa akin.

Sabing hindi ako babae nun eh.

"Swerte ng gago." nagsalita pa ang kasabay nitong dumating bukod kay TJ.

"Ano bang kailangan n'yo ha?" lakas-loob akong nagtanong.

Sabay-sabay nila akong nilingon.

"Sa'yo wala, kay Suarez meron." sagot ng isa.

Tumaas ang kilay ko." Anong connect ko?"

Inis akong tiningnan ng isa pa." Babae ka nun eh, malamang gagamitin ka namin para pumunta s'ya rito."

"Hindi nga n'ya ko babae or girlfriend!" muli akong umangal." Ang kulit mo ah!"

Dinuro ako nito." Tangina mo! Huwag ka ng tumanggi pa."

Sarkastiko akong natawa." Hindi yon tanggi, totoo 'yon."

Natigil kami sa sagutan ng lalaki nang batukan ito ng kasama, tumingin ako sa boss nila at inangasan ito ng tingin.

"Hindi ka talaga babae ni Suarez?" naniniguradong tanong ng boss.

Umirap ako." Nangangalay na ako ah. Sabing hindi eh, sino bang nagsabi sa'yo n'yan at fake news pa?" atsaka sumulyap kay TJ.

"Ako." sumagot si TJ at humakbang malapit sa akin."Totoo naman, dahil nakikita ko kayo ni Axcel magkasama lagi."

"So, yun lang basehan mo?" tanong ko at tumango ito." Paano kung kasama ko lang s'ya lagi, para matyempuhan at papatayin ko siya ha?"

Natawa ito." Imposible..."

Nginisian ko siya." Walang imposible sa akin, TJ." seryosong sabi ko.

Natahimik ito at tumingin sa kapatid, sumenyas ang kapatid sa isa pang kasama.

Avilah And The Worst Section [EDITING]Where stories live. Discover now