Chapter 5

38 1 0
                                    

AVILAH

ISANG linggo na ang nakalipas simula nang lumipat ako sa Last Section o Section 10. Sabihin na nating kilala bilang WORST SECTION. Sa loob ng ilang araw ay naging maganda ang pakikitungo nila sa akin, pero kung tungkol sa amin Laxton?

Pass po

Ngayon naman, nasa teacher's table kami sa unahan ni Kyolo at Jax. Parehas kaming tatlo na salubong ang dalawang kilay, habang nakatingin sa dalawang tao na nandito ngayon sa loob ng room bukod sa aming tatlo.

"A-axcel, please take me back..." pagmamakaawa ng babae na nasa harap ni Axcel.

Napaubo ako sa sinabi nito kaya napalingon ito sa akin, masama ako nitong tiningnan at nag-iwas lang ako ng tingin. Natawa lang si Kyolo at Jax sa ginawa ko. Lunchtime ngayon kaya walang katao-tao sa room, kaming tatlo nila Kyolo ay dito lang kumain pero hindi namin inaasahan na may drama pa lang nagaganap dito sa loob.

"Can you just fvcking leave me alone?" halata ang pagkairitado ni Axcel sa babae."Don't ever come near me, Sopia." he said and stood up.

Pero bago ba ito makalabas ay agad na humarang ang babae na tinawag nitong Sopia.

"No! I won't do that! I still love you, Axcel!" malakas na sigaw nito.

Napasinghap ako sa sobrang gulat at nanlaki ang dalaawang mata. Hindi ko inaasahan na may namamagitan pala sa dalawa, wala naman sa itsura ni Axcel na nagseseryoso ito sa babae. Kaya hindi ko ito inaasahan.

Napatingin kami sa may pintuan nang pumasok ang ibang Section 10, natigilan ang mga ito sa nadatnan na eksena.

"Bakit nandito 'yan?" kunot ang noo na tanong ni Carlos.

"Hoy! Tigilan mo na nga si Axcel, Sopia!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Ram at lumapit sa dalawa.

Sinamaan ito nang tingin ni Sopia." Shut up! Hindi ka si Axcel." mariin na sabi nito.

Nakatingin lang ako sa babae. Parang narinig ko na ang boses na 'yon, ngunit hindi ako sigurado kung s'ya nga iyon.

"Eh ano naman? Lakas mo mang-iwan, tapos ngayon nandito ka at nagmamakaawa ka balikan ka ni Axcel?" sarcastic na tanong nito sa babae.

Hala! Ang kapal naman.

"Shut up! You don't know anything, you're not the one I had a relationship with so shut up!"

"Ay! Englishera ang ate n'yo." hindi ko mapigilang magcomment.

Natigil lang ang drama nang dumating si Jaren. Si Jaren ang kumausap kay Sopia sa labas, himala nga at nakumbinsi nito na umalis ang babaeng 'yon.

"May ex pala si Axcel." biglang lumabas sa bibig ko.

"Wala kang ex?" tanong ni Jax na parang nabigla pa.

Umiling ako."Wala akong naging ex. Hanggang talking stage lang." seryosong sagot ko.

Ngumuso si Kyolo." Luh, buti pa kayo. Samantalang ako, walang-wala."

Inirapan ko ito." Magpasalamat ka na lang. Payapa buhay mo." sabi ko rito.

"Oo nga pala. Hindi namin nakwento sayo si Sopia." si Jan na ngayon lang naalala ang nakalimutan." Hindi naman sila nagtagal ni Axcel at parang hindi naman sila seryoso."

Avilah And The Worst Section [EDITING]Where stories live. Discover now