Chapter 14

19 1 1
                                    

AVILAH

AGAD akong tumakbo nang maalis ko ang tali sa akin. Nagtago ako sa gilid ng isang container at inalis ang pagkakatali naman ng aking kamay. Matapos kong gamitin ang tuhod kay TJ, ay agad ko siyang iniwan. Rinig ko pa ang mahihinang mura nito sa akin.

Napatingin ako sa buong paligid, madilim at mukhang tago nga ang lugar. Sa likod ng mataas na pader ay malalaking puno ang naroon, sa ibang bahagi naman ng lugar ay mga tambak at malalaking container. Mula rito rinig ang ingay sa loob, hindi ko na alam ang nangyayari. Gusto kong sumilip ngunit sa aking dadaanan posibleng nandon si TJ at nakaabang.

Lumabas ako sa aking pagtataguan at balak bumalik sa loob. May narinig akong tumatawag sa pangalan na alam kong si TJ at hinahanap ako. Mula sa aking pwesto, umikot ako papunta sa kabila, alam ko na magkakasalisihan kami ng lalaking yon. Hanggang tumatakbo ako ay mas lalong lumakas ang boses ni TJ, ngayon alam kong isang o dalawang container lang ang pumapagitna sa amin para hindi kami magkita.

Nakarating ako sa bukas na pinto kung saan kami nanggaling ni TJ kanina, agad akong sumilip at tiningnan ang nangyayari. Ang sampung lalaki ay nakahilera sa unahan, may kanya-kanyang hawak na mga kahoy at bakal. Sa likod na likod ay nandon ang kuya ni TJ, naninigarilyo at inaabangan ang papasok.

Napatingin ako sa malaking pinto sa loob, tsaka sumulyap sa kanang gilid ko. Malawak ang lugar at puro tambak, nasisigurado kong may ibang paraan para makalabas at makapasok. Umalis ako roon at nilibot ang buong lugar, hindi ko na rin naririnig si TJ. Mukhang napagod na.

"Tangina, kaya ko ba 'to?" tiningala ko ang mataas na pader na nasa aking harapan.

Plano ko itong akyatin, wala na akong ibang option kundi akyatin ito. Nilibot ko ang buong lugar, halos wala akong makitang pwedeng daanan. Kung meron man, nakaharang ang mga malalaking container.

Hindi naman ako si darna.

Hinubad ko ang suot kong sapatos at medyas, tinaas ko rin ang pants ko hanggang tuhod. Muli akong tumingala sa pader, hanggang ngayon nagdadalawang-isip ako.

"Avi!"

Napalingon ako sa aking likuran, nagmumula roon ang boses ni TJ. Nanlaki ang mata ko nang makita si TJ, nagtama ang tingin naming dalawa. Dali-dali kong dinampot ang aking medyas at sapatos tsaka tumakbo.

Pakshet!

Hindi ko alam kung saan ako nagsususuot, basta may daan ay nagpatuloy lang sa sa pagtakbo. Muntikan ko na nga mabitawan ko ang sapatos ko, mabuti na lang at hindi mo nakikitang nakasunod si TJ. Muli akong nagtago sa loob ng isang container, madilim ang loob at mainit. Kinuha ko ang pagkakataon na ito para makahinga ng maayos, dahil sa pagtakbo para akong mawawalan ng oxygen.

Nagulat ako nang makarinig ng malalakas na putok ng baril. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Dumating na ba ang Section 10?

"Avi, lumabas kana!" sigaw mula sa labas." Hindi ka makatakas!"

Napairap ako. Gusto ko sanang sagutin ito, ngunit hinihingal pa rin ako. Ilang minuto akong nagtigil sa loob ng container, bago ko napagdesisyunan na lumabas. Tumakbo ako pabalik sa loob, sakto naman na pagpasok ko may nakaabang na kahoy na hahampas sa akin. Mabilis akong umilag at sinipa ang may gawa nito, naihagis ko ang dala kong medyas at sapatos.

Avilah And The Worst Section [EDITING]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant