15: A sudden turn of events

1K 71 59
                                    



“Pusang gala mali yung sagot ko sa number 15!”

Napangiwi ako habang tinitingnan ang librong naglalaman ng topic sa quiz namin kanina. Sa lahat ng quiniz namin ay yun ang tumatak sa akin, akala ko kasi tama talaga yung sagot ko doon pero wala, mali pala ako.

“Ay weh? May naalala ka pa? Sureness?” Tawa ni Connor na ikinasama ko sa kanya ng tingin.

“Yun na ngalang naalala ko aasarin mo pa ako.” Sumimangot ako saglit pero ngumiti din agad. Today is a good day to be angry, hindi ko hahayaang sirain ng baklang 'to ang araw ko.

Tumayo na ako at nagsimulang magligpit habang kumakanta kanta pa. Hindi nakalampas sa akin ang nagtatakang tingin sa akin ni Connor. Para itong timang na nakataas kilay sa akin.

“Oh bakit? tingin tingin mo diyan?” Biro ko.

Natatawa itong umiling. “Ang creepy mong gaga ka. Nakakasilaw yung ngiti, wagas girl. Saya ata ng gising mo ah?”

I gave Connor a playful slap saka pabebeng tumawa. “Ako lang 'to, ano ka ba. Samahan mo nalang ako.”

Walang nagawa si Connor nang hilain ko siya patayo at palabas ng classroom. Kakatapos lang ng last period namin before lunch kaya libre na ang oras namin.

Last month, nagkaayos na si Connor at Sam. Medyo awkward parin pero nawala din naman nang pinakilala sa amin ni Sam ang jowa niyang mestizo o kung tawagin ni Connor, afam. Sinubukan pa ngang hingin ni Connor, pero syempre hindi pinayagan ni Sam.

At ngayon, naghahanda na ang halos lahat ng department para sa annual sportsfest ng university. Tinapos na muna ang mga quizzes para sa end ng semester bago simulan ang event para walang patong patong na study loads at mga quizzes.

“Ang bango.” Sabay singhot ko sa damit ni Connor. Nandidiri itong lumayo sa akin at pinanlisikan ako ng tingin. “Kasalanan ko bang ikaw yung lumapit sa akin?”

“Ew, correction, ikaw suminghot sa akin!”

Hindi ko ulit ito pinansin at uunahan na sana ito maglakad nang hawakan nito bigla ang likod ng damit ko at hinila ako pabalik sa tabi niya.

“Saan ka ba pupuntang gaga ka?” Anito, nakataas pa ang kilay.

Bumungisgis naman ako. “Kay Timothee.”

“Timothee nanaman? Baks, nakakaumay na yung muka niya ah. 'Di ka ba nauumay?”

Umiling iling ako. “Mas nakakaumay kaya muka mo.” Nag-beautiful eyes pa ako para mas lalo itong maasar at mukang effective naman dahil agad na napangiwi si Connor at pinanlisikan ako ng tingin. Yung singkit niyang mata, nawawala nanaman.

“Walangya ka.” At umirap ito.

Sabay kaming naglakad sa kalakihan ng university. Pagkarating namin sa may open field ay kitang kita namin ang cheering squad na nagpapractice, nakita pa nga namin si Esther kaso bawal siyang kumaway dahil nasa ere siya.

May mga soccer players din na nagwawarm-up at tumatakbo sa oval, pawisan na sila at hindi 'yon nakalampas sa mga estudyanteng nakatambay sa iilang gazebo o sa tabi tabi lang.

“Ayun si Timmy!” Tili ko at hinablot ang buhok ni Connor papunta sa direksyon nina Timothee. Sinubukang mag-complain ni baks pero hindi ko lang ito pinansin at mas lumapit sa kinaroroonan ng baby ko.

“Walangya bakla ka, masakit sa anit!”

I completely ignored him at napag-isipang tumambay sa kalapit na gazebo nina Timothee. Kasama nito sina Gabi at Maxy as usual at para silang stress na stress, nagyakapan pa sila. Ang cute.

Chasing RainbowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon