8: Good old times

1K 68 23
                                    

“You what?” Tanong nito.

Huminga ako ng malalim. Sobrang lalim na sana mahalata niya naman kahit papaano na frustrated na ako dahil sa mga ginagawa niya. I gripped the zip lock bag tightly bago inilapag sa lap niya.

“Hindi ko tatanggapin 'yang isda mo.” Mariin kong sabi saka nag-cross arms pa. Napangiwi si Connor. Nakita ko rin ang pabalik balik na tingin sa amin ng mga bakla niyang kaibigan pero isinawalang bahala ko 'yon.

“At bakit? Pera ko naman ang ginastos ko diyan so accept it, duh.”

I huffed. “'Yon na nga diba? pera mo 'to. Kaya sa'yo na dapat! The last thing I want is some other fish, third wheeling my fishes.” Sinamaan ko pa ito ng tingin.

“Ayoko.” He crossed his arms, looking superior.

Pusnag gala, sinusubukan yata pasensya ko.

“Connor, kunin mo.”

Umiling ito. “Ayaw ko.”

“Connor!” Pagpupumilit ko ulit.

“Ayaw.” He smirked.

Hinampas ko pa ang balikat niya. “Baks...”

“Ayaw. Ko.”

Pusang gala talaga.

“Connor Joselito Eman—”

“Ay teka nga! Ano ba itey? Bakit ang gulo niyo?” Tili ng isang matabang bakla habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang isang pamaypay na may muka yata ni Jin ng BTS.

“Oo nga, masakit sa tenga bakla.” Singit naman ng isa na ang payat payat at muka talagang babae sa sobrang petite. Kainggit.

“Mabuti pa, pag-usapan niyo 'yan.” Ani naman ng isang medyo matino tingnan maliban na ngalang sa abot balikat nitong buhok.

Kilala ko naman sila kaya lang hindi ko na maalala kung sino sa kanila si ganito, ganyan. Bahala sila.

“Itong bruhakels kasi ayaw tanggapin yung binigay kong fishlalu. Akembang na nga ang nag-pay ng anda eh, tapos tatanggi pa.” Bulong ni Connor at sabay sabay naman na napasinghap ang tatlong bakla. Maliban sa akin na medyo nagulat dahil first time ko marinig na mag gay linggo ang baklang 'to.

Ang weird pala?

“Is that true beshycakes?” Nakangangang tanong ng baklang payat, showing off his braces. Rich kid?

Napakurap ako. “Ha?” Ano daw?

“Beshycakes, dapat tinanggap mo!” Hirit naman ng mahaba ang buhok.

“True! Minsan lang gumastos ang baklang 'to kaya dapat tinanggap mo na. Jusko kahit nga yung babayaran naming two pesos para sa xerox na module, ako pa pinagbayad eh!” Sabi pa ng bakla na ikinatawa ko ng patago. I almost forgot na dapat serious mode ako.

Umismid lang si Connor. “Deal or Deal, 'yan lang ang choices.”

“Kung gusto mo talaga itong isda, ede patirahin mo diyan sa mga kaibigan mong bakla.” Seryoso kong sabi. Nagkatinginan naman ang tatlong beki saka sabay sabay na napatingin kay Connor.

“H-Hindi pwede,” Muling tumikhim si Connor. “Diba, mga bakla? Bawal.” Sabay siko nito sa mga ito. Naghahanap pa ng kakampi.

“A-Ah Oo! No pets allowed sa dorm namin.” Sabi ng mapayat na may braces at tumango naman ang mahaba ang buhok. Sinamaan ko ng tingin yung mataba, nakita ko pa ang tahasan nitong paglunok at paglalangis ng muka niya.

Kung hindi lang ako seryoso ngayon, malamang kanina ko pa tinawanan ang itsura ng baklang 'to.

“H-Hector... magsalita ka.” Bulong ni Connor at napalunok lang yung matabang beki.

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now