7: Companion

994 79 27
                                    

"I'm Timothee pala, how about you?"

I was mesmerize so bad to even budge a word kaya imbes na sumagot, ay nanatili lamang akong nakatitg sa kanya. Nevermind the people looking at us strangely, nevermind the passing cars in front of this waiting shed of the bus stop. Nevermind the make-up running down my face, nevermind the muddy prom dress I'm wearing right now.

Being enthralled with this gay is enough for me to not mind all of those.

"Oh sige girl. 'Di na kita pipilitin magsalita ulit pero uwi kana. Girl gabi na at delikado na sa daan beh."

Marahan niyang sabi. I tucked some strands behind my ears. Pasimple ko ding sinuklay ang abot bewang kong buhok para maayos padin akong tingnan. I smiled at him bago tumango.

"Una na ako girl ah?"

Tumayo na ito sabay tiklop ng clear niyang payong. Saka ko lang napansin ang bus na nakahinto na sa tapat namin. I nodded again to tell him that I'll be okay and after a moment ay pumasok na siya. He smiled a me first bago tuluyang umandar ang bus.

Nang masigurong nakalayo na ang bus ay napatitig ako sa panyong binigay niya. Napakunot ngalang ang noo ko nang may makitang initials na nakalagay sa dulo.

"R?" Tanong ko. Ano kayang full name ni Timothee? Siguro second name niya? O apelyido?

"Baks..."

Para akong nanigas sa kinauupuan nang may marinig aking magsalita, using the endearment we love to use. Pag-angat ko ng tingin ay may lalaking nakatayo 'di kalayuan sa akin, medyo basa na ang tux nito, magulo din ang buhok at hawak parin ang heels ko na sinabi kong hawakan niya muna.

Akmang lalapit siya nang nagmamadali akong tumayo at nagtatakbo paalis. Tears streaming down my face again. I can't face him right now, I can't face Connor.

I felt a light tap on my cheeks.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko at saka ko lang narealize na nakatulog pala ako. I let my eye sight adjust first at nang maka-adjust ay saka ko lang naalala na nasa bus pala kami.

Gagalaw sana ako kaya lang may naramdamanan akong mabigat na bagay na nakasandal sa balikat ko.

Pusang gala.

My heart hammered seeing Timothee's head resting on my shoulder. Parang ayaw ko nalang matapos ang gabi bigla. Patang ayaw ko na siyang magising. Chos. Wag naman.

Paglingon ko naman sa tabi ko ay nakitang gising na si Connor. Nakakunot na din ang noo nito. May problema nanaman ba ang baklang 'to?

"Bakit?" Taas kilay kong tanong, pinipigilang kumawala ang mga ngiti dahil kay Timothee. Pero ang bakla bumuntong hininga lang saka inabot sa akin ang isang orange na panyo.

"Binangungot ka ba? Umiiyak ka kanina gaga." Mahina niyang sabi. Natigilan ako saglit bago pinunasan nalang ang pisnge kong medyo nabasa nga. I gave him a reassuring smile bago binalik ang panyo niya. Naiyak pala ako?

"Nah. 'Di naman nakakatakot." Alanganin akong ngumiti para hindi mahalatang nagsisinungaling ako saka sumulyap nalang muli sa ulo ni Timothee. My heart is still hammering. Dahan dahan kong itinaas ang kamay ko at nilapit sa buhok ni Tim. Slightly combing it with my fingers.

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now