14: The feelings that never left

990 71 82
                                    

“Coke at tubig lang meron kami, okay lang ba sa'yo?”

Nahihiya akong ngumiti kay Sam na nakaupo sa may kama ni Esther. Busy siya sa pagkilatis sa paligid pero lumingon naman siya sa akin at tumango.

“May isda ka pala, may pangalan ba?”

Hindi ako nakaimik bigla. Ang awkward kung sasabihin kong pangalan ko, ni Tim, at ni Connor ang ipinangalan ko sa mga isda ko. Ang conceited at jeje pakinggan.

“Uhm, kung ano lang?” I chuckled awkwardly na sana hindi niya napansin.

After kong kumuha ng coke mismo ay lumapit na ako sa may kama ko at ibinigay sa kanya ang isang bottle samantalang ininom ko naman ang akin.

“Are you seriously living with a college student? O kindergarten?” Nakangiwing itinaas ni Sam ang bra ni Esther na nakakalat pala sa kama ng bruha. Muntik ko pang maibuga ang iniinom ko sa gulat, buti nalang napigilan ko. “Sana all cup C.”

“Esther's fun. Naaalala ko yung dating ako sa kanya ngayon. Nararamdaman ko na tuloy yung narararamdaman mo tuwing sinasaway ako dati.” Tawa ko habang inaalala ang dati, tumawa rin siya. But then suddenly, naalala ko bigla ang sinabi niya kanina kaya tumigil ako at nag-iwas ng tingin.

“Coco, sorry.”

Natataranta kong inangat ang ulo ko at nginitian siya. “Wala kang dapat ika-sorry. Ayos lang naman.” Napakamot ako sa batok ko. “Ang ano lang, uhm, bakit 'di mo sinabi?”

My heart tightened.

Yun lang naman yung tanong na gusto kong masagot niya. Kung bakita 'di niya sinabi sa akin. I feel betrayed for some reason. Hindi ko alam kung bakit pero may part sa akin na medyo galit kay Sam. Nakakaguilty.

“May muka pa ba akong ihaharap kung nireject ako ng isang taong gusto ko na gusto din ng bestfriend ko?” Ngumiti siya, malungkot na ngiti. Napakagat labi ako, medyo nalungkot.

“A-Ano bang nangyari?”

She sighed. “Moving up noon, grade 10 nang mag-confess ako sa kanya. Inabangan ko siya sa labas ng stadium tapos ayun kinausap, I told him about you liking him at sinabi niyang ayos lang siya dun, so I thought, baka ayos lang din siya kapag nag-confess ako diba?”

Napatango ako. After a week ng panunuyo ni Connor, naging maayos yata kami. Kinalimutan ko nalang bigla.

“Pero hindi eh.” Napayuko siya, naguguluhan akong tumingin sa kanya.

“Anong hindi?”

“Connor said he knew. Sabi niya alam niyang may gusto ako sa kanya at alam niya noon pa na may gusto ka sa kanya even before prom.”

Napaawang ang labi ko. 'Di ko alam ang irereact o sasabihin ko. Alam ni Connor? Ha? Paano?

“Gulat din ako gaga.” She chuckled. “Tapos tinanong ko kung may pag-asa ako, sabi niya kaibigan lang. Pero 'di ko matanggap kaya hinalikan ko siya.”

Naikuyom ko ang kamao ko, thinking about Sam kissing Connor somehow pains me. Bakit niya ginawa 'yon? Paano kung nakita ko?

“And Connor hated me since then. Recently ko ngalang siya ginulo gulo dahil bibisitahin kita. I didn't told you para surprise, turns out, galit parin pala si Connor sa akin.”

Nawala na ang galit ko at napalitan ng awa at lungkot. Lumapit ako sa tabi niya at hinimas ang likod nito. Namiss ko si Sam, sobra. She's like my backbone noong highschool bago maging si Connor at Esther.

“I'm sorry, Coco.” She smiled, ngumiti din ako.

“Past is past.” Tawa ko para sana mapatawa siya pero tiningnan lang ako nito sa mata. Pusang gala, kinabahan ako bigla.

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now