12: Jealousy is a familiar friend

1.1K 66 61
                                    


“Harold ano nanamang pinagsasasabi mo diyan?”

Napakurap ako at saka ko lang namalayan na tapos na pala ang laro at palapit na si Timothee sa amin.

Ang sakit ng dibdib ko, para akong maiiyak ng wala sa oras. Kita ang inis sa muka ni Timothee pero hindi yun enough para makumbinse ako na nagsisinungaling si Harold. I mean, Timothee is gay, and Harold is a guy, if ever na nililigawan nga ni Harold si...

Ang sakit.

“Sorry mamsh! Omg 'di ko keri. Sorry beh ah, echos lang yun!”

Napakurap kurap ako.

“Walang hiya kang bakla ka, pinagtripan mo tong merlat na 'to 'no? Kung sino sino nalang.” Pinitik ni Timothee ang noo ni Harold na napahiyaw at napatawa pa. Natigilan ako.

Pusang gala bakla si Harold?

Bakla siya, kaya pala! Kaya pala ang linis ng kilay niya para sa isang lalaki! I should've known. Bakit hindi ko nahalata? Bakit? Pusang gala talaga.

“Sinetch ba kasi itong girl na 'to? Jolalay mo?” Harold pointed me with his lips habang si Timothee naman ay sinampal ulit yung bakla.

“Frenny nga diba? Kaibigan. Bobo mo girl. Umalis kana nga, nandidilim ang paningin ko sa'yo.” Nagtawanan sila saka nagbeso beso bago ako kinindatan nung Harold at pakembot kembot na umalis. Napanganga ako.

I feel so stupid.

“Girl, ayos ka lang?”

Napaangat ang tingin ko kay Timothee saka nakangangang tumango. “I Think?”

He smiled saka kinuha ang mga gamit niya. Nagsisialisan na din ang mga tao sa loob ng indoor gym at mukang pauwi na. Or magla-lunch na yata.

“Kumain kana?”

Napangiti ako ng bahagya. “Tapsi?”

“Sorry girl, kasabay kong kumain yung mga kaibigan ko. If you want you can join us?” Tumawa pa ito, naging ngiwi ang ngiti ko.

Pahiya, pusang gala, napahiya ako.

Akala ko niyayaya niya ako sa tapsihan eh. Matutuwa na sana ako.

“Ay, hindi na. Niyaya lang kita kasi d-doon kami maglalunch ng mga kaibigan ko.” Pagdadahilan ko nalang.

He smiled at me gently. “Ganern? Osige, una na'ko girl ah? Babush.” He gave me a flying kiss bago ako iniwan doon, sa loob ng walang katao taong court.

A-Amazing?

Ano na ngayon ang gagawin ko? I sighed bago napasimangot at napakamot sa ulo. Hindi ko na maintindihan si Timothee. Hindi ko mabasa ang nga kilos niya para sa akin.

“Sisig tayo.”

“Pusang gala!” Napatalon ako ng wala sa oras nang may sumulpot sa tabi ko. Connor rolled his eyes saka ako sinamaan ng tingin. “Akala ko ba nagtatampo ka?”

“Tampo? Sinong tampo? Drama mo gaga. So ano sisig?”

Napatawa ako saka hinigpitan din ang pagkakayakap sa braso niya. “Akala ko ayaw mo ng sisig dahil mahaba ang pila doon palagi?”

He just shrugged. “Si Esther papilahin natin.”

“Uy gaga, 'wag.” Tawanan lang kami hanggang sa makalabas kami ng gym. Pagkalabas namin ay naaninag ko kaagad si Timothee na naglalakad sa gitna ng field papuntang cafeteria.

I smiled, mag-isa lang kasi siya, wala pang payong. Baka mangitim.

“Baks, may payong ka?” Tanong ko kay Connor, he nodder saka binigay sa akin ang folding niyang payong. Naks, prepared.

Chasing RainbowsWhere stories live. Discover now