Si Ella Focxun ay isang normal na teenage girl. Meron siyang normal, simple at tahimik na buhay kasama ang 'mama' niya sa loob ng isang old condo building. Pero isang araw, bigla na lang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang normal at tahimik niyang buhay ay bigla na lang nagbago ng mag-transfer siya sa 'Dark Eclipse University'. Maraming katanungan ang pumasok sa isip niya ng pumasok siya sa paaralan na nababalot ng misteryo. Taon ang lumipas, napamahal narin siya sa paaralan at nahulog narin ang puso niya sa isa sa mga student na kinamuhian niya pa nang una silang magkita. Pero kung kailan hindi inaasahan ay dun naman dumating ang mga sagot sa kanyang mga katanungan ng una. Pano kung ang mga inakala niyang mga tao sa paligid niya ay hindi pala mga mortal kundi isang uri ng immortal na nilalang? Tatakbo ba siya palayo upang magbagong buhay at para narin makalimot? O mananatili ba siya sa tabi ng taong mahal niya? Anong pipiliin niya? Love? Or Fear?