"4 freaking years! Can you imagine that? Apat na taon na akong naghahabol, hanggang ngayon wala pa ring pagbabago! Damn bakit kasi sa nerd pa ako nagkagusto!" naghihisteryang sabi niya "So, titigil ka na?" Napaisip siya. Paano nga ba ito? Biglang may pumasok na ideya sa isipan niya. Napapitik pa siya dahil doon. "Aha! Alam ko na, kung hindi ko siya madaan sa maayos na paraan, makukuha ko siya sa santong paspasan..." Naka ngising saad ni Elisha "Ano nanaman 'yang kalokohan na iyan ha?!" "Simple lang. I'll seduce him, make him hot for me--" "You're crazy!" bulalas nito "Sabihin mo na kung anong gusto mo sabihin, basta ang mahalaga maging akin si Ash, handa akong gawin ang lahat" determinadong sabi niya