Mgsimula nang mapagtagumpayang tawirin ni Belinda Ramirez ang lubid ng buhay at kamatayan, nagsimula na siyang gambalain ng mga hindi pangkaraniwan at paulit-ulit na panaginip na tila ba may itinatagong kahulugan. Malabo ang bawat detalye at kahit anong pagwawari ay hindi niya ito maunawaan. Ang sabi ng ilan, marahil dala ito ng trahedyang nagdaan, na ang mga ito'y walang kabuluhan at pawang guni-guni niya lamang. Ngunit kung tunay ngang ang mga bungang-tulog ay walang basehan, ano't gigising siya na lumuluha't nasasaktan? Ano't may kakaibang kirot at labis na pangungulila sa puso niya ay nananahan? Lahat ba ito'y resulta lamang ng trahedyang naganap sa kaniya, o may ibig ipahiwatig ang mga panaginip sa mga pangyayaring naganap na?